MAAGA AKONG NAGISING ngayon dahil ayaw kong malate sa work ko. Wala ngayon si Salie dahil naka leave 'to ng one week para umuwi sa probinsya nila. Kaya wala tuloy akong kasabay pumasok ng trabaho at umuwi mamaya. Ginawa ko na ang daily routine ko at agad nag suot ng black office skirt. Isinuot ko din ang color pink na longsleeves. Nilugay ko lang ang buhok ko at nag lagay ng foundation at lipstick. Hindi kasi ako mahilig sa make up dahil nabibigatan ako. Lumabas agad ako ng unit ko at natigilan ng bumukas din ang katapat kong unit. Nanlaki ang mata ko dahil ngayon lang kasi ulit 'to bumukas. Simula ng umalis kami ni Nuroi sa condo building dati dahil sa mga humahabol sakin ay wala ng tumira sa unit na 'yon. Kaya nagtataka ako na bumukas 'to ngayon. May bago na kayang nakatira? Nanl