PAGTUKLAS I *** Mariing napadiin sa sentido si Hervey ng tumindi ang sakit ng ulo niya. Dahil sa mga malalabong memorya na pilit niyang inaalala ay parang mabibiyak ang ulo niya. Pakiramdam niya ay may sandamakmak na karayom ang nakatusok sa utak niya. Habang nagkukwento si Paisley tungkol sa kabataan nito ay may mga imaheng bigla na lang nag-flash sa isip niya. Making him squirm in pain. The memories are vague but Hindler is sure it is part of his childhood. Kanina pa iyon naglalaro sa isipan niya pagkatuntong niya sa parke. Pamilyar sa kanya ang lugar. Kung ang mga alaalang ito ay bahagi nga ng kabataan niya ay hindi niya masabi. Hindi pa bumabalik lahat ng alaala niya mula nang magka-amnesia siya. Pilit kinalma ni Hindler ang sarili at pikit ang matang sumandal sa bench. There's an