Ang Nakaraan Ni Paisley *** "What? Anong pinagsasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Paisley kay Connor nang marinig ang sinabi nito. Ilang segundo ang lumipas bago siya makabawi dahil bigla siyang kinapos ng hininga. Mahigpit siyang napakapit sa sariling mesa dahil nanlambot ang tuhod niya. “I am asking you clearly, Violet. I don't think I need to repeat it,” malamig na muli ang boses ni Connor nang magtanong sa kanya. Paisley's gaze darkened and she closed her fist tightly. Madilim pa rin ang mukha niya nang humarap kay Connor. "We both know that Hindler is dead. Did you already forgot about it? Na IKAW ang pumatay sa kanya?” dinuro ni Paisley si Connor habang kasinglamig ng yelo ang boses niya. She emphasized the word. Dahil muling bumangon ang galit niya sa ka-partner sa ginaw