Kabanata 28 “What are you doing here?” Tanong ko na may halong gulat sa aking ekspresyon. Napasinghap naman ito at napamulsa. Nakita ko naman ang mapang-inis na ismid ni Hades na tila masayang pinapanood ang eksena na ginagawa ni Tobias. “I just have to make sure if you’re still on board,” Saad niya habang naglalakad palapit saamin at may kinuha ito sa ilalim ng mesa at doon ay nanlaki ang mata ko nang may makita kaming wiretap device doon. Agad naman akong napatayo sa inis at masama itong tinitigan. “What are you doing?” Matigas kong tanong. “Why are you wiretapping me? You know I can put you in jail for doing that.” “Then go ahead,” Paghahamon niya at binigay saakin ang device. “Surrender me. But if you do it, I’ll drag you with me.” “Mr. Juarez,” Pagtawag ni Hades sa kaniya