Kabanata 23 “Hades!” Napasigaw ako nang bigla itong napasandal sa pader na hinang-hina. Kaya agad kong hinapit ang bewang nito upang hindi siya tuluyang bumagsak dahil sobrang putla ng mukha niya at grabe ang panghihina nito. Nakaramdam naman ako ng bagabag dahil bukod sa kaming dalawa lang ni Hades, ay hindi ko alam kung may kasama siya o wala. Hindi pwedeng ganito ang sitwasyon niya tapos mag-isa lang siya. Napahawak ako sa noo nito at nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang matinding init sa katawan nito. “You’re burning hot,” alalang sabi ko at sinara ang pinto ng unit niya. “Are you alone?” Agad naman itong tumango at tila wala sa wisyo. Wala na akong nagawa kung ‘di bitawan ang bag ko at dalhin siya sa kwarto niya. Inihiga ko ito at pagkatapos ay nadapuan ng tingin ko an