Kabanata 18 “Hi love, tired today?” Kakatapos ko lang maligo at kagagaling ko lang sa huling consultation ko sa kliyente ko. Natagpuan ko nang nakasalamin ang asawa ko at nakapantulog habang nagbabasa ng libro sa higaan. Kaya napanguso ko at agad tumalon sa kama at dinaganan siya para yakapin siya ng mahigpit. “Super. Tough lang talaga ako tignan love, pero super pagod ko. I feel so burn out already with the cases tapos may bad blood pa ako sa persecutor,” Inis kong sabi. Bigla naman niyang inilagay ang libro sa side table at inalis ang pagkayayakap ko sa kaniya. Walang hirap niyang tinaas ang hita ko at pinasok ako sa kumot. Inangat niya ang ulo ko at inilagay ito sa braso ko. “Ang bango mo naman love,” Pag-iba ko. “Ang aga mo ‘ata today?” “I finished my work because I kno