Chapter 10

2109 Words
AMAIAH took a deep breath as she looked at herself in the mirror. She is wearing a hot red body-hugging dress. Hanggang sa hita lang niya ang haba niyon at may slit pa. Nakalugay lang din ang kaniyang brazilian hair color na hanggang balikat niya na bumagay naman sa makapal niyang make up. Napabuntonghininga siya ulit. Hindi niya inakala na sa ganitong trabaho siya mapupunta. Na mabale-wala ang limang taon niyang pinag-aaralan sa kolehiyo. Tumingala siya at ikinurap-kurap ang mga mata nang magsimula nang mag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. She deeply sighed again. Kailangan niyang tatagan ang sarili, anim na buwan lang din naman siyang maging ganito. "Hi," Napalingon siya sa babaeng kapapasok pa lang ng kaniyang dressing room. Ang mapupula nitong mga labi ay may nakapaskil na palakaibigang ngiti. Kagaya niya ay makapal din ang make up nito pero alam niyang sa likod ng makapal nitong make up ay may maganda itong mukha. Naka-brazilian din ang buhok nito na bumagay naman sa skin color nito. "Hello," aniya at tipid na sinuklian niya ito ng ngiti. "You're new here, right?" tanong pa nito. Tumango naman siya. "By the way, I'm Lovely," pagpapakilala nito sa kaniya at iniumang pa sa harap niya ang isang kamay nito para makipag-shake hands na agad naman niyang tinanggap. "And yes, kasing ganda ng pangalan ko ang mukha ko." tatawa-tawang dugtong pa nito kaya natawa na rin siya. Medyo nakahinga pa siya ng maluwag nang magsalita ito ng Tagalog. "I'm Amaiah," pagpapakilala rin niya. Mukhang magkakasundo sila ng babae. "Kinakabahan ka, ano?" tanong nito na hinawi pa papunta sa likod niya ang buhok na nakaharang sa mukha niya. Marahan siyang tumango. Kinakabahan siya. Hindi siya sanay sa ganitong gawain lalo na itong suot niya na halos lalabas na ang dibdib niya sa sobrang baba ng neckline. "Don't be, kung natatakot ka sa mga costumer na makakasalamuha mo, then 'wag kang matakot, may rules ang bar na ito at lahat ng mga lalaking costumer ay pina-follow nila iyon. Takot na lang nila na kakasuhan sila ng harassment," Marahan siyang tumango. Iyon din ang sinabi sa kaniya ni ate Chona. And speaking of, hindi pa ito pumasok dito at hindi pa rin humuhupa ang inis niya sa babaeng iyon. Ipagdasal na lang talaga niyang wala na itong ibang kalukuhang gagawin dahil kapag nangyari iyon baka hindi na siya makapagpigil at masapak na niya ito. "Let's go," aya sa kaniya ni ate Lovely. "Sige po, Ate--- " natigil siya at ngumiwi sa itinawag niya rito. "Sorry, okay lang ba sa'yo na tawagin kitang ate?" hingi niya ng permiso na ikinatawa naman nito. "Oo naman, mukha lang akong bata na tingnan pero lagpas na talaga sa kalendaryo ang edad ko." anito na binuntutan pa ng mahinang tawa. Mukhang hindi lang ito maganda, masayahin pa. Lumabas na sila ng dressing room at dinala siya nito sa silid ng mga waitress at agad namang sumalubong sa kaniya ang lagpas sampung mga babaeng nagtatawanan. Ang iba ay may sariling mundo at pinag-uusapan pero lahat ay tila magkakalapit na. "Girls, we have a new friend here! Amaiah Abelardo!" sigaw ni ate Lovely para bumati sa mga ito. Nakita naman niyang agad na nagsitayuan ang mga ito at lumapit sa kaniya. Ngumiti naman siya sa mga ito, they welcomed her with a lot of overwhelming greetings and that made her feel better because she didn't expect this. Akala niya kagaya rin ang mga kasamahan niya rito sa mga babae doon sa apartment na tintirhan nila ni Luna. Napansin niya na apat sa sampung mga babae ay kagaya sa kanila ni ate Lovely ang mga suot, magkaiba lang ng mga kulay at ang iba ay halos two-piece na ang mga kasuotan sa sobrang revealing. Escort din kaya ang mga ito kagaya ni ate Chona? "Nah, they're not like Chona, they are pool dancers. Well, sumasayaw naman din si Chona pero nasilaw na sa pera mula nang makatikim ng marami nang minsang naging escort ng napakayamang Hapon kaya ayon mas nag-pokus ang bruhang iyon sa pagiging escort." mahabang paliwanag sa kaniya ni ate Lovely. At sa tono ng pananalita nito tungkol kay ate Chona ay naiinis din ito sa babae. "Sorry, I was just blatant in calling names with your friend," hingi pa nito ng paumanhin. Napailing na lang siya. Siguro kagaya niya ay may issue rin itong dalawa. Pero kung ano man iyon ay labas na siya roon. Ang importante sa kaniya ay makapagtrabaho at ng magkapera na siya para makauwi na siya ng Pilipinas. "Okay, be ready, dancers!" sigaw ng isang staff mula sa pintuan. Agad naman na nagtakbuhan ang grupo ng dancers palabas. Huminga siya ng malalim at pinanuod ang mga babaeng makakasama niya. Heto ang reyalidad na kailangan niyang harapin sa loob ng anim na buwan. Kailangan niyang maghanapbuhay para sa pamilya niya at iyon na lang ang isipin niya para maka-survive siya sa loob ng mga buwang iyon. "Okay, ladies. It's time to shine," sabi ni ate Lovely at hinila na siya nito palabas ng silid. PAGKATAPOS niyang magbigay ng orders sa ilang lamesa ay pumasok siya sa banyo para sumuka, sobrang sakit ng ulo niya at nahihilo siya dahil marami na rin siyang nainom na ladies drinks nang may isang matandang hapon na humiling na maka-table at makausap siya. Isa sa rules ng club na bawal silang tumanggi basta mabuti naman ang intensyon ng costumer. Noong una ay naiilang pa siya pero kinakausap lang naman siya nito, nothing more, nothing less. Sinasagot naman niya ito at nakailang order din ito ng inumin bago nagpasyang umalis na sobra naman niyang ipinagpasalamat. Dumagdag pa sa hilo at sakit ng kaniyang ulo dahil sa sari-saring amoy sa loob ng club. Pinakamalala ang usok ng mga sigarilyo ng costumers at kahit na rin ng mga katrabaho niya. "Hey, okay ka lang?" si ate Rowena, isa sa mga pool dancer ng club. Nandito rin pala ito sa loob ng banyo at hindi man lang niya iyon napansin. Huminga siya nang malalim at nagmumog. "Salamat," aniya at agad kinuha ang tissue na inabot nito sa kaniya at kaagad niya iyong ipinunas sa kaniyang bibig. "Ayos lang ako, medyo nahihilo lang ako dahil sa daming ladies' drinks na nainom ko." Tumango-tango naman ito. "Hindi ka talaga sanay sa polluted na lugar, don't worry, pasasaan ba at masasanay ka rin," anito at marahang tinapik nito ang balikat niya. Marahang tumango lang siya at bahagyang isinandal niya ang katawan sa may sink. Mamaya na lang siya lalabas kapag mawala na itong hilong nararamdaman niya. Kailangan niya talagang sanayin ang sarili niya sa ganito. Pag-uwi niya, nadatnan niya si Ate Chona na nakaupo sa isang silya naroon sa kwarto nila ni Luna. Tiningnan niya ito ng masama pero pinagtaasan lang siya nito ng kilay. "What?" tanong pa nito na tila walang kasalanang nagawa sa kaniya. Tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya. "Bakit sinabi mo sa boss mo na makukumbinsi mo akong magiging escort?" malamig at matigas niyang tanong dito. "Oh, pasasaan ba at magiging escort ka rin naman---" natigil ito nang agad niyang pinadapo ang palad niya sa mukha nito. Napahawak pa ito sa pisngi nitong nasampal niya. Nakita pa niyang nanlaki ang mga mata ni Luna na tiningnan siya, hindi yata makapaniwala sa ginawa niya pero hindi naman ito nagsalita. "Ang kapal talaga ng mukha mo, ano? You deceived us and now you want me to be like you?" nanggagalaiti niyang sabi sa babae. "Kung hindi ko lang kailangan ng pera, hinding-hindi ako magpapauto sa'yo. At ito ang tatandaan mo kahit na ano pa ang gawin mo ay hinding-hindi ako gagaya sa'yo, ate Chona." mariing sabi niya pa. Tinawag pa rin niya itong ate dahil kahit papaano matanda pa rin naman ito sa kaniya pero iyong respeto niya rito bilang babae ay tuluyan ng nawala. "You can only say that now because you are not used to it but eventually you will be like me." anito pero malamig lang niya itong tiningnan. Hawak pa rin nito ang pisnging mabilis na lumabas ng kanilang kuwarto. Mararahas na hininga ang pinapakawalan niya. Agad pa siyang napatingin kay Luna nang tumawa ito nang malakas. Mukhang kanina pa yata ito nandito at nakikinig lang sa kanila ni ate Chona. "Served her right!" anito. "Sa tingin mo?" tanong niya. Part of her, ay nakokonsensya siya dahil nasampal niya ito. But at the same time, she was satisfied on what she did. Yeah, served her right! Indeed. "Nah, kulang pa nga iyong sampal na ibinigay mo. You know what? I admire you," anito na ikinakunot ng noo niya. "Why?" "Dahil may lakas kang loob na gawin iyon sa kaniya. Ako kasi kahit gusto kung magwala dahil galit din naman ako sa ginawa niyang panloloko sa atin pero natatakot din naman ako." "Did she blackmail you?" tanong niya kay Luna. Mas lalong nagngingitngit ang kalooban niya nang marahan itong tumango. "Pero totoo naman, na kapag uuwi ako ay wala akong perang pamasahe at mamamatay ang anak ko kung paiiralin ko ang galit ko sa kaniya." malungkot na sumbong nito sa kaniya. Kita pa niyang may luhang sumungaw sa bilugan nitong mga mata. Naiiyak na dinaluhan niya ito at niyakap. Nagkamustahan din sila kung kumusta ang unang gabi nito sa trabaho. Ang sabi naman nito ay okay lang naman daw ito roon. Mga Pinay din ang mga kasamahan nitong entertainer sa club at palakaibigan din. Kinabukasan ay maaga silang pumasok ni Luna. Alas otso pa lang ng gabi pero puno na ng costumer ang club. Naglalakad siya habang bitbit ang isang tray na puno ng mga order ng mga costumer na nasa loob ng VIP room. Pagkapasok pa lang niya ay narinig na niya ang tawanan ng mga lalaki. Nang tuluyan na siyang makapasok ay nakita niya ang tatlong lalaking nag-uusap na nakaupo sa may couch na naroon. Mukhang hindi naman mga Hapon ang mga ito. Sa tingin niya sa lalaking nakaupo sa upuang nakaharap sa may pinto ay may lahing Italian. Semi-kalbo ang pagkaka-gupit ng buhok nito na bumagay naman sa napaka-gwapo nitong mukha. Matangos din ang ilong nito na tila iginuhit ng isang magaling na sculptor. He has a prominent jaw. Maputi ito din ito. Nagulat pa siya nang biglang nag-angat ito ng tingin at nakasalubong niya ang kulay asul nitong mga mata. Kumpirmado, wala nga itong lahing Japanese. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin dito at aligagang agad na lumapit sa mga ito at inilapag niya ang tray sa lamesang bilugan. "Good evening," nagulat siya sa pagbati nito sa kaniya. Hindi man ito nakangiti pero alam naman niyang sensero ito. "Good evening, sirs," she said politely, tiningnan din niya ang dalawa pang lalaki na kasama nito. Mga gwapo rin ito at mukhang may ibang lahi rin. Mukhang purely business din lang ang pakay ng mga ito rito dahil hindi naman ito nag-request ng babaeng mag-entertain sa mga ito. Matapos niyang mailapag lahat ng order ng mga ito ay agad na siyang tumalikod. "Damn, that brute! Mukhang hindi na naman yata tayo sisiputin," narinig niyang sabi ng isang lalaki. Namangha pa siya nang magsalita ito ng Tagalog. So nice to hear with her own language sa ibang mga tao. Akala niya kapag nandito na siya sa bansang Japan ay hindi na siya makakarinig ng Tagalog maliban sa kaniya at sa mga kasamahan niya. "Easy, Del Fierro, sisiputin tayo ni Paterson. Siya naman ang nangangailangan kaya dapat siputin talaga tayo ng babaerong iyon," sagot naman ng isa pang kasama nito. "Dapat lang, 'wag lang magkamali iyong gag*ng iyon." Huling narinig niya bago siya lumabas ng VIP room na inukupa ng mga ito pero agad din siyang natigilan nang makasalubong niya ang lalaking piloto na ilang gabi rin siyang hindi pinatulog. "Oh, hi Miss. Are my friends inside?" tanong nito sa kaniya pero nakatulalang nakatitig lang siya rito. Pawisan ang makinis nitong noo. Ang puting long sleeves na suot nito ay gusot na at naiwang nakabukas ang unang tatlong botones doon. "Miss?" Napakurap siya at agad na iginilid ang ulo dahil sa kahihiyan. "S-Sorry, uh yeah." aniya at mabilis na nilagpasan ito. "Oh my God, Amaiah! Bakit ka natutulala sa kaniya?" Naiinis na kastigo niya sa sarili. Napahawak pa siya sa tapat ng kaniyang dibdib nang sobrang lakas ng kabog n'yon. Pakiramdam niya tumakbo siya ng isang milya. Uggh! Hindi siya pwedeng magkagusto sa lalaking iyon. Obviously, ito ang lalaking tinawag na Paterson ng mga kaibigan nito at babaero. Natigilan naman siya nang may naaalala. Paterson? Apelyedo ba ng lalaking iyon ang Paterson o pangalan? Kung apelyedo, kaano-ano nito ang may-ari ng Paterson Winery? Wala sa sariling napalingon siya at tiningnan ang nakasaradong pintuan ng VIP room kung saan pumasok ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD