"Kiss me back." Hindi hinihiwalay ang mga labi niyang sabi sa akin kaya ako na ang lumayo sa kanya. "Hindi ko po alam," nahihiyang sabi ko sa kanya. "Gayahin mo lang ‘yung ginawa ko kanina." Na ah. Kaya ko kaya? Nagkibit balikat ako at biglang isinalpak ang bibig ko sa kanya. "Aw!" "Aray!" Nyek! Palpak! Nagkabanggaan kasi ‘yung mga ngipin namin. Nakakangilo. "Tss. Stupid," umiiling na bulong niya. "Arte mo naman, Señorito. Malay ko ba. Eh, noong ikaw ang gumawa eh ‘di naman nagkabangga ang mga ngipin natin." Sinimangutan ko siya. "Dahan-dahanin mo kasi!" napipikon na wika niya. "Arte!" "Ano?!" "Aarte pa ba ako kako po. Oh, eto na." Pulga-pulgada kong inilalapit ang mga labi ko sa kanya. "Tagal..." naiinip na sabi niya. Muli kong iniatras ang mukha ko. "Excited lang, Señori--