Kung gaano kabilis niyang naisara at nai-lock ang pinto, ganon din siya kabilis na nakalapit at dinaklot ang mga braso ko. "Señorito...." Trumiple ang t***k ng puso ko habang takot na nakatingala sa kanya. "How dare you make me wait for an hour?! Alam mo ba na iyon ang pinakakinaiinisan ko? Ang maghintay sa wala." Kulang na lang ay mabasag ang mga ngipin niya sa ngitngit niya sa akin. Napangiwi ako nang humigpit ang pagdaklot ng mga kamay niya sa akin. "Sorry po, sorry po..." nanginginig kong sabi sa kanya. "You will be punished," matigas niyang sabi sa akin. "Señorito, ‘wag n’yo po akong palayasin. Wala na po akong mapupuntahan, eh." Naiiyak kong pakiusap sa kanya. Diyos ko, saan ako pupulutin kapag pinalayas ako ni Señorito? Kahit may maliit na ipon na ako, mahirap mabuhay ngayon.