Ang sarap tumira rito sa Baguio. Biruin mo ha, kahit ‘di ka maligo ay ‘di ka mangangamoy. Pero hoy, naliligo ako, ha? Mahirap na at baka mag-amoy daing pa ako. You know. Ma-turn off pa sa akin si Señorito Arthur. Masaya naman ako kahit papano. Mas magaan ang trabaho ko. Okay naman na sila sa konting linis, laba at plantsa. Minsan lang ako magluto dahil kadalasan, si Señorito Arthur ang nagluluto. Kung tinatamad naman siya eh nagpa-padeliver na lang. Si Cobra naman este Señorito Apollo naman ay kadalasang wala sa bahay. Mas madalas pa siya sa labas kesa sa loob ng bahay. Ayos na ayos lang naman sa akin ‘yun. Dahil kung andito siya, wala naman ibang ginagawa iyon kundi mag-utos at magtaray. Manang- mana talaga sa nanay. Buti pa si Señorito Arthur, my loves, mabait at malambing pa kapag inuu