“GOOD MORNING PO, MA’AM YSOLDE!” Nakangiting bati sa akin ni Maya nang makarating ako sa Latorre Vino.
Nginitian ko rin naman ito nang matamis. “Morning, Maya!” bati ko rito. “What’s my schedule for today?” Tanong ko habang tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko papunta sa office ko. At nang makapasok ako roon, kaagad kong inilapag sa mesa ang bag ko at umupo sa swivel chair ko.
“You have a lunch meeting with Mr. Imperial po, Ma’am. Next month na raw po kasi ang next campaign para sa new wine na ilalabas.”
“Okay. Just remind me later, Maya. I might forget it,” sabi ko. Binuksan ko ang laptop na nasa harapan ko.
“Nag-set din po ng meeting si Ma’am Handa, Ma’am Ysolde. May importante lang daw po siyang idi-dicuss sa inyo.”
“Today?”
“Yes po, Ma’am. After lunch daw po.”
“Okay kung wala naman akong schedule mamaya. Basta before three.”
“Wala naman po, Ma’am. Confirm ko na lang po si Ma’am Handa.”
“Thanks, Maya.”
“Do you want coffee po?”
“Please, Maya. Thank you.”
Tumango naman ito at saka tumalikod at naglakad na palabas ng office ko.
It’s been a year since I gave birth to Iskander. And last month was his first birthday, which we happily celebrated with the people who are important in our lives. Simula nang magbuntis ako kay Iskander, wala na akong ginawang trabaho at naging taong bahay na lang ako dahil iyon ang gusto ng asawa ko. At nang makapanganak naman ako, nag-focus ako sa pag-aalaga sa baby namin ni Hideo sa loob ng sampong buwan.
I asked Hideo kung puwede ay babalik na ulit ako sa trabaho para matulungan ko siya, but he refused. Kahit anong pilit ko sa kaniya nang una, ayaw niya akong payagan. Especially when he found out I was pregnant again with our second baby. Ang gusto niya ay sa bahay na lang daw ako. But in the end, napapayag ko rin ang asawa ko na magtatrabaho ulit ako. Alam kong kaya naman ni Hideo na magtrabaho para sa pamilya namin. Pero lately kasi ay naaawa na ako sa asawa ko dahil marami siyang ginagawang trabaho. It’s not just Latorre Vino and Del Campo Real Estate Company that he runs. He has other businesses here in the Philippines, and even in Cuba. He takes care of so many things that he sometimes forgets to rest. Kaya kahit ayaw man niyang pumayag na ako ulit ang humawak sa Latorre Vino, napilitan na rin siya sa gusto ko. I make sure work doesn't consume all of my time. I also make time for my husband and our son. Habang nasa trabaho ako, si Manay Salve ang nag-aalaga kay Iskander habang katulong naman nito ang isang nanny na kinuha namin ni Hideo.
Naging abala ako sa trabaho ko. Sunod-sunod kasi ang supplies namin ngayon ng wine sa ibang companies pati sa hotels na ang Latorre Vino ang suppliers.
With the amount of work I was doing, I didn’t notice how quickly time passed. At dahil naka-focus ang buong atensyon ko sa ginagawa kong trabaho, hindi ko na narinig na bumukas ang pinto ng office ko.
“You’re so busy.”
Bigla akong nag-angat ng mukha nang marinig ko ang boses ni Ate Vena. Napangiti ako nang makita ko ang nakangiti nitong mukha.
“Oh! I’m sorry, Ate.” Kaagad akong tumayo sa puwesto ko at lumapit dito. Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi.
“How are you? Mukhang busy na busy ka sa trabaho mo?”
“I’m so busy right now, Ate. Ang dami po kasing kailangang gawin,” sabi ko. Saka ako naglakad palapit sa sofa. “Have a seat.” Saad ko. “What are you doing here pala?”
“Well...” Inilapag nito sa center table ang bag nito saka umupo sa tabi ko. “May client akong kinausap malapit dito. And I called Hideo, and he said na nandito ka nga raw sa office kaya dumaan na ako.” Ani nito. “I just missed you kaya gusto kitang makita.”
Sumilay muli ang matamis at malapad na ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi ni Ate Vena.
Simula nang maging okay ulit kami ni Hideo, naging closed na rin kami sa isa’t isa ni Ate Vena. Isa rin ito sa madalas kong mapagkuwentohan at matakbuhan kapag kailangan ko ng kausap. She’s really nice. From the first day we met at her boutique, hanggang sa mga sandaling ito, ganoon pa rin ang nararamdaman ko para dito.
“You’re so beautiful, Ysolde. Sana babae naman ang baby ninyo ni Hideo ngayon.”
“Nako! Iyon din ang gusto ni Hideo, Ate,” sabi ko. “Pero malalaman nalang po natin ’yon kapag puwede na akong magpa-ultrasound.”
“Basta, huwag mo masiyadong papagurin ang sarili mo. Dapat may sapat ka pa ring pahinga.”
“Don’t worry po, Ate Vena, hindi ko naman ini-stress ang sarili ko. I still take my time off at naglalaan din ako ng oras para kay Hideo at kay Iskander.”
“And I’m always here if you need help, okay? I’m always one call away you know that.”
Muli akong napangiti.
Saglit lang kaming nagkuwentohan ni Ate Vena, saka rin ito nagpaalam at hindi na raw nito aabalahin ang oras ng trabaho ko. When she left my office, I continue my work. And not long after, Maya also came in and told me na in twenty minutes na lang ay oras na ng meeting ko with Hunter Imperial. I just finished what I was doing before I stood up from my seat. Bitbit ang shoulder bag ko ay lumabas ako sa office ko, hanggang sa makalabas ako ng building. Naroon na sa entrance ng Latorre Vino ang sasakyan ko. At dahil maluwag naman ang kalsada, kaya ilang minuto lang ang naging biyahe ko papunta sa Imperial Palace. My meeting with Hunter also lasted an hour. And after that I went straight to Handa’s restaurant, one of my friends.
“Hey!” Ani nito nang salubungin ako sa entrance pa lang.
Nagpalitan kami ng beso.
“You know, sometimes it makes me think about getting married and getting pregnant, para lagi akong blooming, just like you,” pabirong sabi nito sa akin.
Natawa naman ako habang magkaagapay na kaming naglalakad palapit sa isang mesa na nasa sulok. “Bakit, hindi pa rin ba nagpo-propose sa ’yo si Alihan Ildefonso?”
Inirapan naman ako nito nang makaupo na ito sa silyang nasa tapat ko. “Hindi ko maintindihan ang lalaking ’yon kung ano ang gusto niya sa buhay,” wika nito. “Well anyway. I’m sorry kung inabala ko ang oras mo ngayon.”
Lumapit sa puwesto namin ang isang server niya at binigyan ako ng fresh pineapple juice.
“Thanks,” wika ko. “No it’s okay. Si Hunter lang naman ang ka-meeting ko today. Pauwi na rin ako after this,” sabi ko. “Bakit pala?”
“Nagkaroon kasi ng problema ang kaibigan ni mama na supplier ko ng wine. E, may big client ako in two months. Wedding ’yon sa Baguio. Gusto ko sana lumipat na lang sa Latorre Vino para wala na akong maging problema even sa mga future client ko.”
“My God, bes! Matagal na nga kitang hinihintay na lumapit sa LV. Pero nahihiya naman ako kay Tita kung kukulitin kita e, kaibigan niya ang supplier mo. Pero ngayon... There’s no problem. Why not.”
Huminga ito ng malalim. “Oh thank you, Ysolde. I thought kasi hindi mo tatanggapin ang offer ko.”
“Bakit naman hindi? Ano ka ba naman, Handa.”
“Thank you so much, bes.” Ani nito.
“Let’s just set another meeting so we can finalize our contract. How about next week?”
“I love the idea, bes,” wika nito. “But before you leave, wait lang at may ginawa ako para sa ’yo. Just wait for me here.” Ani nito saka kaagad na tumayo at nagmamadaling naglakad papunta sa kitchen.
Dinampot ko ang baso ng juice na nasa tapat ko at ininom iyon. Pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng restaurant. But later, my eyebrows suddenly crossed when I saw a man standing behind the two servers. His face was staring at me seriously.
“Ysolde!”
Nang marinig ko ang boses ni Handa, saglit akong napatingin dito, at pagkuwa’y napatingin ako ulit sa lalaking nakatitig sa akin. Pero wala na ito roon. Iginala ko ulit ang paningin ko sa paligid, pero hindi ko na ito nakita.
Humugot ako ng malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Ipinilig ko rin ang ulo ko. Baka kasi nagkakamali lang ako sa nakita ko.
Ngumiti ako kay Handa nang makalapit na ulit ito sa puwesto ko.
“I baked this cookies for you. Dalhin mo na para makatikim naman ang pamangkin ko, pati rin sina Manay Salve at Hideo.”
“Nag-abala ka pa. Pero thank you, bes.”
“It’s nothing. Minsan naman na lang tayo magkita dahil mga busy tayo ngayon. And please send my regards to Hideo.”
“I will,” sabi ko. “Hindi na rin ako magtatagal. I’m sure naghihintay na ngayon sa akin si Iskander. Alam niya na kasi ang oras ng uwi ko sa bahay.” Tumayo na ako sa puwesto ko saka isinukbit sa balikat ko ang bag ko.
“Thank you again, bes.”
“Thanks, too, Handa.”
Nag-beso ulit kami.
“Ingat ka, bes.”
“Bye, Handa.”
Kaagad akong naglakad palabas ng restaurant at sumakay na rin sa kotse ko. Pero hindi ko pa man napapaandar ang makina niyon, nagsalubong ang mga kilay ko nang dumaan sa unahan ng kotse ko ang lalaking nakita ko kanina. Although hindi ko na nakita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng itim na mask at sumbrero, but I know...
Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Inalis ko na ang atensyon ko sa lalaking ’yon at nagmamadaling kinuha ko sa loob ng bag ko ang cellphone ko.
“Hey, Love!” nang masagot ko ang tawag sa akin ni Hideo.
“Where are you, wife?”
“Um, nandito pa ako sa restaurant ni Handa. I mean, I’m on my way home. We just finished talking. Why, Love?”
“Nothing. I just missed you.”
Napangiti ako bigla dahil sa sinabi ng asawa ko. Oh well, hindi na bago iyon. He’s Hideo. And he’s always like that. Kahit nga saglit lang siyang lalabas sa bahay namin, tapos pagkabalik niya ulit, maglalambing agad siya sa akin at sasabihing na-miss niya ako. Nasanay na ako sa pagiging sweet at clingy sa akin ng asawa ko.
“E, ikaw? Anong oras ka uuwi, Love?”
“I will just finish my meeting with Morgon and Kidlat, then I will go home immediately. Let’s have a dinner date in the garden, okay?”
“Okay, Love,” sagot ko. Kahit halos gabi-gabi naman talaga naming ginagawa ’yon. But when he asks me to go on a dinner date in the garden, it’s like it’s always our first date. He’s always excited. I mean, we are both always excited.
“Alright. I love you, wife. Call me when you get home, okay?”
“Yes, Love. I love you, too. Bye!”
“Bye!”
Nang mapatay ko na ang tawag sa akin ni Hideo, saglit kong iginala ulit sa paligid ang paningin ko saka binuhay na ang makina ng kotse ko.