RACHEL "Happy Birthday, Beshy!" bati ni Desiree pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay. Inabot niya sa akin dala niyang regalo. "Wow, thank you! Ito na ba 'yong gucci bag na gustong gusto ko?" "Aba? alam na alam ah?" Tumawa si Desiree. Dinungkol ko siya. "Syempre, noong isang buwan ko pa hiniling 'to sa 'yo." Tiningnan ko ang hawak kong regalo sa akin ni Desiree. "Nag-effort ka pa talaga na ilagay sa box eh alam ko na regalo mo." Natawa si Desiree at naupo sa sofa. "Akala mo ba hindi ka na masu-surprise? May iba pang regalo d'yan 'no!" "Really? Ahh, bigla akong na-excite!" Mabilis kong inalis ribbon ng kahon at binuksan iyon. Kinuha ko ang gucci bodybag at sa ilalim niyon ay ang dalawang pieces na dress. "Dress?" kunot-noong tanong ko kay Desiree. "Yeah, pwedeng-pwed