"Sweety, let's go back to the Philippines," wika ni Celine habang kayakap ang asawa sa ilalim ng makapal na kumot.
Napatigili ito ng higa upang mapaharap sa kanya. Matiim siyang tinitigan.
"Did I hear it right, my Celine?" Tina inaaninag nito ang laman ng kanyang mga mata.
"Yes, mahal ko. Alam kong gusto mo na rin bumalik doon with our kids." Hinagkan niya ito sa tungki ng ilong. "I love you." Nang tugunin siya nito ay alam niyang sumang-ayon na ito sa nais niya.
Malapit na silang bumalik sa Pilipinas kung saan ang tunay na mundo nila.