Eight

1427 Words
Panay ang pagtatagis ng bagang ni Pyre habang nagmamaneho patungo sa lugar ng natitirang dalawang taong pagbabayarin nya sa pagkamay ni Franz at ng baby nila. Laking pasasalamat nya kay Keros dahil hindi talaga ito huminto sa paghahanap kahit na may pamilya na ito. Napabaling ang tingin nya sa dashboard ng sasakyan ng mag ingay ang celpon nito. Kaagad nyang dinampot yun at sinagot ng makitang si Prick iyun. "Hey Prick" "Where are you?" "Near, maybe 3 minutes more!" "Ok! copy." Pag si Prick ang kausap nya wala pang isang minuto tapos ng usapan nila.. Ito lang ang tanging makakasama nya ngayon, si Keros ang nagpadala kay Prick para may makasama daw sya. Hindi kasi ito pwede dahil buntis na si Hydra at ayaw nitong iwan na si Nana Maring lang ang kasama. Isang sekretong lakad ito, walang kinalaman ang Hainsha Organization dito, tanging silang tatlo lang ang nakakaalam nito. Malayo pa sya sa kakahuyang tagpuan nila ni Prick nakikita na nya itong may ibinabaon sa lupa malapit sa pader ng bahay nila Montreal. Pagkababa nya ng sasakyan, tinakbo na nyang kinaroroonan ni Prick. "Bro, ready?" Agad na tanong nya kay Prick na nagkakabit ng harness nito, kailangan nilang gumamit ng harness dahil napakataas ng pader. Mabilis na nyang naikabit ang para sa kanya. "Yep! Let's go." Nauna pa itong naglambitin pataas, parang pusa na pagapang at patalon ang ginawa at ng nasa tuktok na ito, kaagad itong naglaho sa kanyang paningin. Luminga linga muna sya sa paligid bago sumunod kay Prick. Pagkalapag ng mga paa nya sa loob ng bakuran ng apat na palapag na bahay marami ng naitumba na armadong lalake si Prick. Lumihis sya ng daan paikot sa likuran samantalang nakikita naman nya si Prick na panay ang hagis ng powder bomb sa dinadaanan nito. "Bro, I'll go first, I take 1st and 2nd floor ok!" "Copy that!" Kausap ni Pyre sa earpiece si Prick. Na abala pa rin sa ginagawa nito. Hinugot nyang dalawang katana na nakatali sa likod nya at tinalon ang limang lalaking armado na papadaan sana sa gawi nya. Isa, dalawa, tatlong wasiwas ng katana bagsak ang limang lalake lahat sa leeg ang tama. Tinakbo nyang pinto sa kusina saktong bumukas iyon at lumabas ang mahigit limampong lalakeng puro armado ng di kalebreng baril, walang kakurap kurap na sumugod sya habang winawasiwas ang hawak na katana sa dalawang kamay nya. Bihasang umiikot lang ito sa kamay at pulsuhan nya, puro pasulong ang hakbang nya at sa bawat paggalaw ng mga paa at bewang nya sumasabay din ang dalawang kamay nya. Ni hindi man lang nagawa ng mga kalaban nya na humugot ng sandata dahil sa bilis nyang kumilos. Tumalon sya sa ere at sa kanyang pagbagsak, sabay wasiwas ng dalawang katana nya, tumalsik kung saan lang banda ang mga ulo ng huling dalawa nyang kalaban. Humihingal na napaluhod sya sa semento. "Bro, Montreal brothers hiding in 3rd floor at right side going to music room." "Oh yeah, I'm in, now on my way to 3rd floor." Hinugot ni Pyre ang panyo sa bulsa ng itim na pantalon saka pinunasan ang bibig na natalsikan ng dugo kanina. Hinihingal na narating nyang 3rd floor ng bahay at tinahak ang dereksyong sinabi ni Prick sa kanya. Napailing na lang sya ng pagpasok sa loob ng kwarto nakatali ng dalawang lalake, nakabusal ang mga bibig at nakapiring na rin ang mga mata... " Your turn! Wait you outside, enjoy!" Ng madaan si Prick sa tabi nya tinapik pa nito ang balikat nya saka bumulong ng... "Make it painful and b****y! No worries about the cleaning I'll take care of everything." "Thanks Bro, just give me a seconds ok! "Sure! Take your time.." Ngising demonyo na si Pyre ng mawala na sa paningin nya si Prick. Nilapitan nyang dalawa na panay ang pasag at ungol. "For my beautiful babies, I'll make it memorable killings cause you two are my last experiment mission." Hinila nyang isang upuan at ipinwesto sa harap ng dalawang lalake na nakaupo sa sahig. "Since you cut my baby's hair I'll cut yours also." Pinutol nyang buhok nung isang lalake gamit ang kanyang katana, walang pag iingat nyang ginawa yun at sinadya nya talagang hiwain pati tenga nito na tumalsik sa lapag. Napasigaw naman sa sakit yung lalaking naputulan ng tenga. Isusunod naman sana nyang katabi nitong lalake ng biglang nag vibrate ang celpon nya. Hindi nya pinansin yun, tuloy tuloy lang sya sa ginagawa ng biglang magsalita si Keros sa earpiece nya. "Move faster, sabi ni Aeris papunta na daw dyan ang kapitbahay mo." "Ha!" "Kasi, Ex lang naman nya yang pinutulan mo ng tenga.!" "Fuckshit" "Yeah Fuckshit talaga! Kaya move faster, now!" Biglang napatayo si Pyre, walang pag aalinlangang itinaas nyang dalawang katana saka sabay na pinugutan ng ulo ang dalawang lalakeng nakapiring ang mga mata. Malalaki ang mga hakbang na umakyat sya sa forth floor ng bahay sinuyod nya yun kung may tao pa o wala na. Ng masigurong puro patay ng nandun pumunta sya sa bintana at binuksan ito. Nag rapel syang pababa ng bahay para mas madali silang makaalis ni Prick. "Prick now!" Sabi nya ng madaanan si Prick sa may gate, walang sali salitang hinagis nitong sigarilyo saka may kinuha sa bulsa na isang maliit na remote control, at sa pag pindot nito sabog ang buong bahay sa likuran nila ni Pyre habang naglalakad silang pabalik sa kani kanilang sasakyan. Agad na humarorot palayo sa lugar na yon ang mga sasakyan nila. Sunod sunod pang pagsabog ang narinig ni Pyre bago lumiko ang kotse nya pa highway. At dun na sila nagkahiwalay ni Prick. Malayo layo na sya sa lugar na pinanggalingan ng makasalubong nyang kotse ni Ivy na ito rin ang nagmamaneho, habang sa tabi nito si Daphne na dumadaldal na naman, ni hindi man lang sya napansin ng dalawa. Kaya dere deretso lang syang nagmaneho, kung san man sya patutungo yun din ang hindi pa nya alam. Basta nag drive lang sya ng nag drive. Napansin na lang ni Pyre na ang kanyang tinatahak na daan ay papunta sa sementeryo, malungkot syang napangiti ng mag park sa isang tabi. Inabot nyang bag sa backseat saka binuksan yun at kinuha ang baon nyang damit at wet wipes. Agad syang naghubad ng T-shirt saka pinunasan ng wipes ang katawang may talsik ng dugo. Ng matapos isinuot nyang damit saka sunod na hinubad ang kanyang pantalon. Ng maayos ng suot nyang damit, ibinalot nya sa plastic ang mga hinubad saka isinilid sa bag. Bitbit ang pinangpahid na wipes lumabas na sya ng kotse saka itinapon ang wipes sa basurahan, saka naglakad patungo sa libingan ni Franz. Umupo sya paharap sa lapida nito at kinausap ang nakahimlay nyang mag ina dun. "Franz, baby, tapos ng laban natin, napagbayaran na ng mga taong yun ang ginawa nila sa inyo, naway maging mapayapa na kayo kung saan man kayo naroroon ngayon!" Tumingala sa langit si Pyre at kumaway na tila nakikita nya doon ang kanyang mag ina na nakangiti sa kanya. Naluha agad ang kanyang mga mata pero nakangiti sya, ramdam nya rin ang saya at kapayapaang hinahangad nya simula ng mawala sa kanya ang mga taong minamahal nya. Pinahid nyang mga luha saka umupo ulit sa harapan ng puntod, kinuha nyang lighter sa bulsa saka sinindihan ang kandila. Tahimik lang syang nagpalipas ng oras doon hanggang sa nag vibrate na naman ang celpon nya. Hinugot nya yun sa bulsa ng pantalon saka tiningnan kong sino ang makulit na tumatawag mula pa kanina. "San kana ba? Kanina pa kami naghihintay dito, sabi ni Keros pumunta daw kami dito sa Boyzone Bar kasi manlilibre ka daw." boses ni Eruto. 'Tangna talagang hayop na Keros yun... Ang kapal ng pagmumukha, nag imbita ng hindi man lang pinapaalam sa'kin." "Hoyyy Pyre oorder na kami dito ha! Bilisan mo!" Sigaw ng mga kaibigan nya. 'Tsk, basta talaga libre ang bibilis ng mga lentek na yun eh!' Pumikit muna sya't nanalangin, pagkatapos pinatay nyang kandila, hinimas ang lapida saka nagpaalam na. "Hanggang sa muli mahal ko! Paalam!" Naglakad na sya papunta sa naka park nyang kotse.. Sumakay at pinaharorot yun pauwi muna ng bahay para maligo, saka nya pupuntahan ang mga baliw nyang kaibigan. Ngayong natupad na nyang pangako kay Franz, naging magaan ang dating mabigat nyang nararamdaman.. Sumigla at sumaya ang buhay nya, na parang lumulutang sya sa alapaap sa kaginhawahan at katiwasayang nadarama. At sa lahat ng mga nagawa nya kahit katiting na pagsisisi wala syang naramdaman dahil para sa kanya, iyun ang nararapat sa mga taong mapagsamantala, kaya tabla na sila. ?MahikaNiAuana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD