bc

Eternity Ring

book_age16+
1.5K
FOLLOW
8.5K
READ
murder
dark
forbidden
family
inspirational
drama
tragedy
bxg
female lead
city
like
intro-logo
Blurb

Louisa Flores and Haris Legazpi were each other's one great love since their youthful days...

They were about to get married but one night of a crime and one big mistake changed everything.

If you are torn between the love for family or your love for your soulmate, what will you choose? Uunahin mo ba ang kapakanan ng pamilya at isusuko na lang ang pag-ibig na buong buhay mong pinakaiingatan o pipiliin mo ang puso at pababayaan na lamang ang pamilyang buong buhay mo'y nag-alaga sa 'yo?

In order for one to be happy, one must sacrifice no matter how hard the consequences will be...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ONE: "The proposal." “HULAAN mo kung sino ‘to,” magiliw na anang lalaki mula sa likod ni Louisa habang marahang nakatakip ang mga kamay nito sa kanyang mga mata. Napangiti ang twenty-one years old na dalaga. She is Louisa Flores. Young, beautiful, and so much in love. “Uhmm…” Matamis na napapangiti siya at nagkunwaring hindi alam kung sinong nasa likod niya’t pinipiringan ang kanyang mga mata. “The man I love?” Kahit hindi niya nakikita, ramdam din niya ang malambing na pagngisi ng nobyo. “Tama ka,” anito saka binitawan na siya’t sumakay ito sa bakanteng de-bakal na duyan na katabi ng sinasakyan ng dalaga. Kasalukuyan silang nasa plaza sa siyudad, isa sa mga lugar na paborito nilang puntahan para mamasyal at mag-date. Louisa couldn’t help but stare so dearly at Haris. “Baka matunaw ako niyan, ah!” malambing pang biro nito sa kanya. “Alam mo, I could stare at you forever… Hinding-hindi ako magsasawa.” Bumakas din sa buong mukha at sa mga mata ng twenty-three years old na si Haris Legazpi ang pagmamahal na nararamdaman para sa nag-iisang babae minamahal. “Talaga? So, you’re willing to spend your lifetime with me?” Walang alinlangang tumango si Louisa. “Alam kong masyado pang maaga at mga bata pa tayo, but I’m always looking forward to having a bright future with you*’yung magkasama tayo lagi at kahit kailan, walang anumang makakapaghiwalay sa ating dalawa kahit na ano pa man.” Tumango-tango ito saka magiliw na tumanaw sa malayo. Sa totoo lang ay iyon din ang pinakapangarap ng binata. They’re, maybe, still young, at marami pang kailangang matutunan sa mundo, but he’s already so sure about one thing*** Louisa ang gusto nitong makasama habambuhay. He suddenly remembered how the two of them met and how the romance started. It wasn’t love at first sight. Very far from love at first sight, sa totoo lang. They, actually, started as competitors during their university days. Pareho silang pinalad na mahalal nang tumakbo mula sa magkaibang mga partido ng mga estudyante para maging Supreme Student Council. Haris was the President while Louisa was the Secretary, and since magkakaiba ang mga plataporma at layunin nila, they would always clash with their different ideas. Lagi na lang nagbabangayan, nagtatalo, nagpapagalingan. Haris was already in his fourth year taking up BS Accountancy during that time while Louisa was second year on her BS Interior Designing course. Ang dalaga ay nayayabangan kay Haris, samantalang ang binata nama’y asar sa pagiging vocal at aggressive ng leadership skills ni Louisa na akala mo’y kung sino at masyadong pabida pero katulad niya’y magaling at matalino lamang naman kasi talaga. Sa huli ay kino-combine din naman nila at ng mga kasamang SSC members ang mga ideas nila kaya nakaka-form sila ng magagandang projects and activities during their term. Ironic truly was it kasi kahit na ganoon ang naging simula, doon pa din naman talaga sila nagkagustuhang dalawa. Siguro isa na rin sa factors ang mga pang-aasar at panunudyo sa kanila para sa isa’t-isa ng mga kasamahan nila kaya tuluyang nahulog ang loob ng dalawa. Hindi pa nga makakalimutan ni Haris, no matter how busy he was when he graduated and he was reviewing for the board examination, third year na si Louisa no’n, they still kept in touch by always texting and calling each other over the phone. Kapag din nakakasingit ng kahit konting sandali man lang in spite their busy schedules, nagkikita silang dalawa para mag-bonding. Pinagsabay niya ang pagre-review at ang panliligaw sa dalaga, and luckily, he passed both of those things. Naka-graduate din si Louisa and luckily too, she passed the board for Interior Designers. They were each other’s inspirations. Right now, they’re already working on their different fields. Si Louisa ay Interior Designer sa isang local construction company dito sa kanilang siyudad, samantalang si Haris nama’y nasa managerial position sa malaking bangkong pagmamay-ari ng maykayang pamilya. Okay na rin iyon sa binata. At least, he’s also starting from scratch kahit na sa bangko ng pamilya nagtatrabaho. “Bakit? Ikaw ba? Don’t you see your future with me?” balik-tanong ni Louisa sa nobyo sabay pout ng labi na kunwari ay parang batang nagtatampo. “Ang unfair naman yatang kasama kita sa pinapangarap kong future tapos ikaw hindi man lang*” Hindi na natapos ang sasabihin niya nang mabilis na tumayo si Haris at hinila ang kamay niya. “Teka, bakit? Saan tayo pupunta?” He smiled his sweetest. “I’m gonna show you something.” “Ano?” “Basta! Sumama ka na lang kasi!” Wala na siyang nagawa at napangiti na lang din nang magpatianod sa paghila nito. Hindi naman ganoon kalayo ang nilakad nilang dalawa bago nakarating sa pinagdalhan nito sa kanya. Riverside with a park bench under the acacia tree. This is such a beautiful and peaceful space. Isa rin ito sa mga paborito nilang puntahan kapag gusto nila ng tahimik na date na silang dalawa lang. Kapag nama’y minsang may awayan o tampuhan sila, it’s either he or she is going to go to this place, at malalaman na kaagad ng isa kung saan pupuntahan ang kapareha, at sa lugar din na ito sila mag-aayos at magbabati. “Dito? Bakit bigla mo naman ako naisipang dalhin dito?” tanong ni Louisa. “Maupo ka muna,” ang magiliw lamang na tugon nito saka hinawakan siya sa magkabilang balikat para paupuin sa bench. Pagkatapos ay naupo din ito sa tabi niya. “Hindi ba’t tinanong mo ako kanina kung nakikita ko rin ba ang kinabukasan ko na kasama ka?” Kumabog ang puso ng dalaga, titig na titig siya sa mga mata ng nobyo. Ganoon na lang ang gulat at panlalaki ng kanyang mga mata sa labis na tuwa at pagkasurpresa nang may inilabas itong maliit na velvet box mula sa bulsa nito. Nang buksan nito iyon ay nangilid ang kanyang mga luha sa tumambad na eternity ring, and realizing what he’s, actually, doing! Seryosong napatitig siya sa mga mata ni Haris. Puno ng pagmamahal ang mukha at ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Ito ‘yung gusto kong ipakita at ibigay sa ‘yo. Tinanong mo ako kung nakikita ko rin ba ang sarili kong kasama ka habang nabubuhay ako******* nama’y masasagot ng pagpo-propose kong ito sa ‘yo ngayong araw ang tanong mo… Gusto kitang pakasalan, Louisa. Kung gustong-gusto mong nakikita at nakakasama ako palagi, mas lalo naman ako. God knows mas lalo naman ako sa ‘yo, Louisa. I love you, and I am going to love you forever. Papayag ka bang pakasal sa akin?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
182.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
91.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
12.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook