Chapter 1

2075 Words
Chapter 1: The Royals “We dream because we desire something we cannot have” ‡ ‡ ‡ Shamira Reign Warl Tumayo ako mula sa lumang kama na tanging ang bedsheet na lamang ang nagpapaganda at inilibot ang paningin sa buong kwarto. Isang lumang aparador na paminsan-minsan ay pinupunasan ko dahil sa mga alikabok at maliit na cabinet na para sa aking mga sapatos, yan lang ang makikita dito sa loob ng kwarto ko plus my drawing when I was still eight that I don’t know why but I am still keeping it. I stretch my body while yawning then look at my window and there I noticed Mr. sunshine's showing himself already. "Panibagong araw nanaman" piping usal ko at naglakad papunta sa isang sabitan para kunin ang kulay itim kong jacket na binili ko noong isang taon pa. Mukhang kailangan ko na namang bumili ng bago. Kasya pa naman sa akin yun nga lang ay may pagkakupas na, atleast pwede pang masuot. I lazily walk towards the kitchen to get a cup of noodle I bought yesterday. Nagpainit na rin ako ng tubig at bumalik muna sa kwaro para i-ayos ko ang mga gamit ko tsaka napagdesisyonang maligo muna. ‘What a usual day' Matapos maligo ay kinuha ko ang uniform ko sa loob ng aparador, isang blouse na kulay puti at mayroong itim na lining tsaka itim na palda na tinernuhan ko na rin ng sapatos na itim na may pagka kupas. Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina para mabilis na kumain bago umalis ng bahay. Wala ng bago sa ganitong uri ng routine ko sa umaga. Magigising, magninilay-nilay ng saglit, saka maliligo tapos kakain. Nang makalabas ako ng bahay naramdaman kong may umakbay sa akin habang naglalakad ako pero hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ganoon rin siya. "Aga natin ah" nakangising sabi niya pero inirapan ko lang. "Ang aga aga Janella dumadaldal ka nanaman" walang emosyong sabi ko. Pero hindi na lang niya ako pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad. Nadaanan din namin ang ilang mga taong nagsisigawan dito sa bayan at mga babaeng chismosa na laging updated sa mga nangyayaring issue na kung saan kahit na maliit na issue ay pinapalaki. Napatigil ako sa paglalakad dahil kay Janella. Nakaakbay siya sa akin kaya nung tumigil siya ay napatigil ako kaya naman isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya pero hindi man lang siya natinag. "Alam mo" sabi niya tapos itinuro niya ang isang poste kung saan nakapaskil ang litrato ng isang akademya na may napakahiganteng gate. Behind that huge gate is the Royal Academy where only elites wizards can study and enhance their power, "pagdating ng araw yayaman rin tayo at gusto ko kung may pagkakataon sana makapasok tayo dito, pati na rin ang magiging mga anak ko" sabi niya habang nakangiti. Lagi siyang positibo sa lahat ng bagay kaya naman napangiti na lang rin ako. Sa likod ng napakahigateng gate na tinutukoy niya ay isang akademyang pinapangarap ng mga tulad namin. Ang 'Royal Academy'. Kaso ay ang mga mayayaman lamang ang may kayang makapasok doon. Napakamahal ng tuition baka nga kahit na buong buhay pa kaming magkandakuba-kuba sa pagtatrabaho ay hindi pa rin kami makakapasok jan. "Tara na baka mamaya malate pa tayo" tsaka ko siya hinigit at pinagpatuloy ang paglalakad. Palapit na kami ng palapit sa school ay nakita rin namin ang mga kagaya naming estudyante na nakasuot ng parehong uniporme gaya ng suot ko na papasok sa loob ng paaralan. Mabilis na pumunta kami sa bulletin board para makita namin ang section namin para sa ngayong taon. Marami kaming naabutang mga estudyante na gaya namin ni Janella na hinahanap rin kung saan bang seksiyon kabilang. Nakipagsiksikan pa kami sa kanila na halos pagpawisan na kami para lang makita ang section namin. Napatalon naman sa tuwa si Janella ng malaman niyang magkaklase pa rin kami. Dito kasi sa paaralan sa bayan ay may tatlong seksiyon lang bawat grade level. Kalahating araw lang rin ang pasukan namin dahil nga sa marami kaming mga estudyanteng pumapasok. Mayroong nakaschedule para sa umaga at mayroon naman para sa hapon. Nadaanan din namin ang ilang mga taong nagsisigawan dito sa bayan at mga babaeng chismosa na laging updated sa mga nangyayaring issue kahit na maliit na issue ay pinapalaki. Napatigil ako sa paglalakad dahil kay Janella. Nakaakbay siya sa akin kaya nung tumigil siya ay napatigil ako kaya naman isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya pero hindi man lang siya natinag. Isang mahabang lakaran ulit ang sinuong namin ng malaman namin ang section at room namin. Naabutan naming yung mga nagdadaldalang mga estudyante, nagbabatuhan ng ibang gamit, yung iba ay nakaubob lang at parang walang pakialam sa kung anong nangyayari sa paligid nila. Hindi mo mawari kung ano ba talaga ang dapat nilang gawin sa mundo. Kunsabagay, hindi nga naman talaga kami importante. Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa upuan na ang pwesto ay nasa likod dahil doon ay mas tahimik tiyak na walang istorbo. Siguro naramdaman ni Janella na ayokong makitabi sa mga kaklase naming plastik at may mga malalaking bunganga. Hanggang sa dumating ang guro namin at inumpisahan na ang pagtuturo. Dito sa paaralan namin ay walang pakialam ang mga guro kung sino kami dahil ang layunin lang naman nila ay maturuan kami. Hindi rin kami gumagraduate dito at walang ring mga outstanding honor o ano pa man. Kapag natapos mo na ang apat na taon dito ay maari ka ng magtrabaho kahit saan mo gusto except sa mundo ng mga tao. Hindi ko nga rin alam kung bakit may mga section pang ganito. Konti rin lamang ang mga trabaho na maaari naming pagpailian kung sakali. Taga benta ng mga alahas o iba't ibang mga kagamitan, gwardiya, at iba pa. Pero ang maganda dito ay madali ka na lamang makakakuha ng mga papeles na kinakailangan kung gusto mong gumawa ng mga business ngunit dito lamang sa may bayan applied iyon. Mga mayayamang tao lang ang nakakarating doon at pinapayagang makalabas pasok dahil may malaking bayad at talagang pinahihintulutan sila ng gobyerno. Karamihang pinapayagan maglabas pasok kahit na anong oras ay ang mga estudyante na nakapagtapos sa Royal Academy. Sila yung nga may sigurado ng may magandang hinaharap kunsabagay ang mga pamilya naman ng mga estudyanteng naroon ay mga may kaya, kaya naman talagang hindi nila nararanasan ang hirap at 'hayahay' ang buhay. Matapos ang klase ay naglakad ulit kami ni Janella papuntang palengke ng bayan, na kung tutuusin ay halos wala rin lamang kaming ginawa pero marami sa mga kapwa ko estudyante na uhaw sa kaalaman tungkol sa mundo at gustong matuto pa kaya naman sa kaunting oras ng klase ay talagang nakikinig sila. Ihahatid ko lang siya dahil nagtatrabaho siya. Naiinggit ako sa kapangyarihang meron siya, kayang mag-magnet ang katawan niya ng mga bakal. Di gaya ko na kulang na lang ay isumpa ko pa ang kapangyarihang taglay ko. Isa lang akong nullifier. Kaya kong pigilan ang kapangyarihan nila pero bakit ko naman sila pipigilan sa paggamit ng kapangyarihan nila kung ito ang pinagkaloob sa kanila. Kaya ayoko ng kapangyarihang meron ako kasi parang pakiramdam ko ay isa akong kontrabida sa buhay nila. Para namang kasalanan pa nila na ganoong uri ng kapangyarihan ang meron sila. "Salamat sa paghatid" nakangiting sabi niya sa akin kaya naman napatango na lang ako. Napansin kong parang may nakita siyang nakakagulat dahil nanlaki ang mata niya kaya naman sinundan ko ang dereksiyon na tinitignan niya. "Ang mga estudyante ng Royal Academy" mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. Kulang na lang ay magningning ang mga mata niya kaya napailing na lang ako. "Bumalik ka na lang muna sa pagtatrabaho mo baka mamaya mawalan ka pa" sabi ko sa kaniya at mukhang doon lang siya natauhan. Nakita ko ang inggit sa mga mata niya habang nakatingin sa mga estudyante ng royal academy. "Tama trabaho muna" sabi niya at tumingin sa akin tipid na ngumiti. Napatingin ako sa isang pwesto kung saan mayroong limang estudyante ng royal academy na pinapalibutan ang isang babaeng lumpo na namamalimos. Hindi ko alam pero naglakad ako palapit sa kanila. "Kawawang lumpo!" sabi ng isang lalaki. "Ewww! Kadiri!" "Ano pa bang ginagawa ng isang gaya mo dito?" Kita ang takot sa mata ng babae at pilit na nagmamakaawa na tigilan na siya. "Kung lumpuhin ko rin kaya yung kabilang binti mo" at doon ay mas nagtawanan sila. Mga walang awa. "Mas mabuti pa sana kung ikaw na mismo ang manglumpo sa sariling binti mo" hindi ko mapigilang sabat sa kanila. Hindi porke mahirap ay wala na kaming karapatan ipagtanggol ang sarili namin. Napalingon naman sila sa akin at nakita ko ang pagtaas ng kilay nila. "Sino ka naman? Eww! So poor" maarteng sabi nanaman ng isang babae dahilan para makaramdam ako ng sobrang inis. Pinakalma ko ang sarili ko dahil baka makagawa ako ng bagay na hindi kanais-nais. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad ako sa babaeng hirap na hirap na. Itinayo ko siya at pinaupo sa isang upuan na mayroong gulong na gawa sa kahoy. Nakita ko ang kaba sa mga mata niya pero binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti. "Kung wala kayong magawang mabuti sa buhay niyo ay mas mabuting magpakamatay na lang kayo dahil hindi kayo kawalan" hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob. Sumusobra na ang mga gaya nila na akala ko ay mga edukado sila. Ganiyan ba ang turo sa kanila ng mga guro doon lalong lalo na ang mga magulang nila. Nakita ko ang galit na rumehistro sa buong mukha nila. Nakita kong kinumpas ng babae ang kamay niya at may mga halamang tumubo sa tabi ko at agad na pumulupot sa katawan ko ang mga yun. Pero bago pa tuluyang pumulupot yun ay kusa na lang tinanggal ng mga halaman ang ugat mula sa pagkapulupot sa akin. Nagulat sila sa nangyari pero agad rin naman nila akong binalingan na halata ang inis sa mukha tsaka gumawa ng isang energy ball ang isa sa kanila sa mismong palad nila pero agad rin namang nawala na parang abo. "Papaanong?" sambit niya. Ito na lang siguro ang benifits ng kapangyarihang mayroon ako. Pahintuin ang kapangyarihan nila. Kaya naman napabuntong hininga na lang ako. 'Why so useless' Sinubukan naman ulit niya pero hindi na niya magawa. Hindi na nila mapalabas ang kapangyarihan nila at doon ay nagumpisa na nila akong sigaw-sigawan. Nakakahakot na rin kami ng atensiyon. Seryoso ko lang silang tinignan habang sila ay nagsisisigaw. "What's happening here?" isang lalaking may kulay dark red na mata ang dumating. Kasunod ay ang tatlong pang lalaki at isa pang babae. Nakita kong napatahimik ang lang estudyante pero nandoon pa rin ang matatalim nilang tingin sa akin. "What's happening here?" ulit niya. Isang nakakatakot na tinig at mayroon siyang aura na nakakatakot na hindi mo maipaliwanag. Talagang nakakaintimidate. "Nothing" simpleng sabi ko. "Nothing? Really? You b***h! Tignan mo ang ginawa mo sa kapangyarihan namin!" mataray na sabi niya. "Tignan mo!" sinubukan niyang magpalabas ulit ng isang energy ball at syempre ay naipalabas na niya. Lihim akong napangisi dahil napahiya siya. "Anong pinagsasabi mo? Hindi ko alam na ganiyan kayo. Edukado ba talaga kayo?" seryosong kong sabi habang pinagmamasdan ang lahat ng mga estudyante ng royal academy. "Patunayan niyong may mga pinag-aralan kayo dahil sa nakikita ko ay parang wala. Respeto man lang sana sa amin ang ibigay niyo. Mababa man ang estado ng buhay namin dapat tandaan niyong katulad niyo rin kaming humihinga, may puso at may damdamin" kalmado pero may diin ang bawat pagbigkas ko ng mga salita. "Excuse me?" nakataas na sabi pa ulit na babae "Kaya ayokong nagpupunta dito sa bayan, maraming mga gaya niyo!" sigaw sa akin ng lalaki. "Hindi naman namin sinabing magpunta kayo dito. Di nga rin namin alam kung anong ginagawa niyo dito. Magpasalamat na lang kayo at welcome pa rin kayo dito hindi gaya niyo na halos nakalimutan ng may tungkulin pa ang mga nasa gobyerno sa amin" mahabang litanya ko. I just gave them a sharp look then turned my back to help the girl. Kesa maawa sila ay nilait pa nila. Ramdam ko ring natahimik sila lalo na ang limang kadarating pa lang. I don't hella care if who are those. Hindi ko naman ikabubusog ang igaling sila o kilalanin man sila. But actually that was my mistake, like in a chess game, it's a wrong move. ***** MHIKASHI
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD