Chapter 7
"The light needs the dark to shine so bright"
‡ ‡ ‡
Freakin' power
********
Shamira Reign Warl
Nagising ako ng makaramdam ako ng uhaw kaya napatingin naman ako sa alarm clock na nasa gilid ko. It's five thirty in the morning, ito ang oras na kung saan madalas akong magising para matulungan si Janella sa kaniyang trabaho. Ngunit ngayon, wala ako sa bayan kundi nasa loob ng dormitoryo na tinutuluyan ko na ngayon sa loob ng akademya. Mabilis naman akong tumayo at naglakad papunta sa kusina dito sa loob ng dorm ko. Kumuha ako ng isang baso na babasagin mula sa lalagyan at uminom.
Wednesday ngayon at para makapag agahan ay kailangan mo pang kumuha ng iyong umagahan sa cafeterian, pero bago yun napagdesisyonan ko munang gumayak para deretso na lang ako sa klase ko mamaya. Nagpunta ako sa banyo dala ang towel ko na kinuha ko sa closet ko. And after thirty miutes, viola! I'm finish.
Nagpapasalamat na lamang rin ako sapagkat lahat ng gamit na kailangan ko ay nandito na, at kung tutuusin ay sobra sobra pa nga. Hindi ko na kailangang maghirap para lamang sa sabon, at tiyak na napakamahal ng sabon na narito ngayon base na lamang sa amoy nito, para ngang naginhawaan na rin maski ang buhok ko dahil nakaramdam na ito ng isang mamahaling shampoo. Nakakatawa na ito ang ilan sa mga bagay na kailanma'y hindi sumagi sa isip ko na mangyayari sa buhay ko.
Kinuha ko ang uniform ko mula sa closet at agad itong isinuot. Kinuha ko rin ang boots na itim doon dahil yun ang required daw na suotin pero pwede pa rin naman daw ang black shoes kaso para sa akin ito ang bagay sa uniform namin. As I look at myself in front of the mirror, I do look like a cool bad girl kaya naman napailing na lamang ako.
Bago lumabas ay kinuha ko yung bag ko at hindi ko rin nakalimutang magsuklay, sinigurado ko ring maayos ang pagkaksuot ko ng uniporme maski ang pagkaka-kabit ng aking necktie. Napabuntong hininga ako ng makita ko na naman ang kabuuan ko sa salamin. Mabilis akong napailing at linisan na ang dorm ko para makapunta na sa cafeteria na kung saan alam kong kakaunti pa lamang ang mga estudyante.
Nagorder na lang ako ng isang spicy noodles. Di bale ang allowance ko ay sagot ng mga namumuno ng White Castle, ngunit walang ispesipikong sinabi kung sino nga ba ang mismong nagpapa-aral sa akin at kahapon rin bago ako matulog ay ibinigay sa akin ng headmaster ng personal ang ilang mga papeles na kakailangan ko kasama na ang ilang mga bilin sa akin dito sa loob ng akademya. Sinadya niya pa talaga ako sa dorm ko kaya laki ang pagpapasalamat ko sa kaniya.
Kumakain ako ng biglang nahagip ng tingin ko si Aimee na papasok pa lang. Inilibot niya ang paningin niya kaya itinaas ko ang kanang kamay ko at bahagya siyang kinawayan. Napangiti naman siya ng makita niya ako. Habang papunta siya sa pwesto ko ay nakita ko kung paano siya bungguin ng isang babae. Mayroon siyang mahabang itim na buhok at halatang mataray ito base pa lang sa mukha niya.
"Sorry po" napataas ang kilay ko ng makita ko kung paano siya nagsorry. Pero mas naasar ako ng makita ko kung paano siya itinulak ng babae at imbes na tulungan siya ng mga nandito ay mas nilait pa nila. What the hell is interesting in this academy? They were just all brats who think highly of themeselves.
"Know what? You're a b***h. You're with the royalties yesterday tsk! A girl like you ay isang hamak na hampas lupa lamang. Nakapasok ka lang naman dito dahil sa ina mo na inasawa ang headmastsr hindi ba?" nangaasar na sabi niya. Nakita kong hindi lumaban si Aimee at napayuko na lang.
"He is my real father" may diin na sabi niya pero nakayuko pa rin.
"Oh no! Sweety bitchy b***h, kalat kaya yung news na yun. Kawawa naman si Headmaster nakapangasawa ng malandi"
"Hindi malandi ang mommy ko!" isang sigaw niya at kita ko kung paano sila napangisi.
"Sorry? Oh my, yes! You're mother is a flirt! She is a w***e!" sigaw ng babae kasabay nun ay ang biglang paggalaw ng baso mula sa isang table at binuhos ang laman kay Aimee. Nang makita kong akmang bibitawan na rin sana nito ang baso ay agad akong lumapit sa babae at hinawakan ang kaniyang braso upang mapigilan ito.
Naramdaman ko na lamang ang unti unting pagbabago ng kulay ng aking mga mata at mukhang magiging kulay abo na naman ito sa paningin nila.
Nakita ko ang gulat sa mata niya ng biglang nabasag ang baso sa ere dahilan para tumalsik sa iba't ibang direksiyon. "Kung ako sayo ay ititigil ko na yang ginagawa mo sa kaniya dahil nakakababa ng tingin sayo" pag-agaw ko ng pansin sa kanila. All of their gazes were now on me.
"And who do you think you are?" taas kilay niyang sagot hanggang sa parang bigla siyang may naalala na ikinangisi niya. "Oh, the scholar from the town"
"Yun na nga eh, isa akong hamak na scholar lang pero nakakatawang ang scholar na gaya ko pa ang sumusuway sayo na tigilan mo na ang ginagawa mo sa kaniya" kalmadong sabi ko.
"So, what are you trying to say by that?" siga nitong sabi saka malaks na binawi ang kaniyang braso mula sa aking pagkakahawak, "May gusto ka bang patunayan dito?"
"Sigurado ba kayong lahat kayong nandito ay mga edukado at edukada?" direktang sabi ko dahil sa mga halo-halong emosyong nararamdaman ko na sa ngayon, "I am so disapppointed that an educated like you are acting like that" simpleng sabi ko na nakapag-painis naman sa kaniya.
Nakita kong ikinumpas niya sa ere ang kamay niya pero walang nangyari. Napakunot noo siya at kita ko ang pagtataka na nakaguhit ngayon sa mukha niya. Lihim akong napangisi. As for now, they can't use their power. Siguradong nagtataka sila at kinakabahan sa loob nila dahil sa hindi nila magamit ang kanilang kapangyarihan, but they were trying to hide it from me.
Naglakad ako palapit kay Aimee at itinayo ko siya, nakita ko ring basa na ang ang blouse niya pati ang blazer niya. She just smiled then she mutterd 'thanks'.
"No problem"
"Magsama kayo, mga hampas lupa!" then she walks away kasama ang mga alipores niya.
Inalalayan ko na lang tumayo si Aimie at naglakad kami papuntang clinic para makapagbihis na rin siya.
****
Aimee and I are currently walking here at the hallway. May mga ilang estudyante rin na nandito pa at nakikipagdaldalan, kaya naman maririnig mo talaga ang ingay ng bawat isa. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang ilang estudyanteng nagbu bulungan sabay sulyap sa aming kinaroroonan at ng ibaling ko ang paningin kay Aimie ay nakayuko na ito at mukhang napnsin rin ang kanilang mga bulong-bulungan.
"Saan pala ang room mo?" tanong ko sa kaniya habang may tinitignan siya sa notebook niya nang sa akin mabaling ang kaniyang atensiyon.
"Sa room 14 ako sa may **** building, Ikaw ba?" nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. I don't know either. Ang sabi lang naman ng headmaster ay sa office niya ako dumeretso dahil siya daw mismo ang maghahatid sa akin sa klase ko.
"Sa may headmaster's office na lang ako dederetso" she just nodded on what i've said then I remembered what the girl said awhile ago in the cafeteria. Alanganin akong napatingin sa kaniya tsaka napatikhim. Napatingin naman siya sa akin dahil sa ginawa.
"Is that true that Headmaster is your father?" alanganing tanong ko bago ko ulit siya liningon. Mabuti na lamang at andito na kami sa dulong parte ng hallway na kung saan wala ng mga estudyante. Napatango lang naman siya sa sinabi ko at mapait na napangiti.
"Yeah, kaso hindi nila yun pinaniniwalaan. Maraming nagsasabi na nilandi lang daw ni mommy ang headmaster dahil naghihirap kami ag sabi ng iba ay pinikot lang daw ni mom ang headmaster. But the truth is not, actually we don't need him. I was ten when mom told me the truth about my father and to my surprise, my father is the headmaster of our school. Nung nalaman nila yung tungkol doon pumangit na yung image ko dito sa school,” sabi nito.
She looks so carefree and yet, I am not expecting her to have a big problem like this. Siguro nga talagang maraming tao sa mundo na mukhang masaya ngunit ang mga saying ipinapakita nila ang ginagamit nilang mascara upang matakpan ang nararamdaman nila dahil kadalasan ay iyon ang nagiging kahinaan nila.
Binigyan ko na lamang ito ng isang matamis na ngiti matapos ay niyakap siya na tinugon niya naman.
"Pasok na ako" pagpaalam ko sa kaniya at muling ngumiti ng nasa tapat na kami ng headmaster's office. She just nodded and bid her goodbye.
"Headmaster?" tanong ko pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses tsaka ko pinihit ang door knob at pumasok sa loob. Napaangat naman siya ng tingin at inilahad ang kamay niya na sinasabing umupo ako kaya sinunod ko naman.
"Sign this papers first before we go to your room" tumango naman ako at kinuha ang tatlong papel na sinasabi niyang dapat pirmahan ko. Isa lang naman siyang student profile, siguro kailangan para sa kanilang mga iba’t ibang report. Kailangan kong sagutan yun na parang biodata lang. Pagkatapos ay gaya nga ng sabi niya, naglakad na kami at hinatid ako papunta sa room na kung saan ako ay nabibilang.
Hanggang sa tumigil kami sa isang pinto at mas nauna siyang pumasok bago ako. "Goodmorning Ms.Aries" magalang na bati niya sa babaeng nagtuturo na may salamin at black and white na bistida. Natuon naman sa amin ang atensiyon nila.
"This is Shamira Warl, yung sinasabi kong estudyante" sabi ni headmaster. Lumingon naman sa akin yung babae at ngumiti tsaka naglakad palapit sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko at mad lalong napangiti.
"A beautiful woman, you may take your sit beside prince Zeke" sa sinabi niya doon ko lang din napansin na nandito sila Rain. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa nakita ko si Zeke sa may malapit sa bintana at nakaubob lang. Naglakad ako papunta sa katabing upuan niya na bakante at isa pa ito na nga lang rin ang nagiisang bakanteng upuan dito sa room.
Maya maya ay nagpaalam na rin ang headmaster at sinabing marami pa daw siyang gagawin. Nang makaalis na ang headmaster ay bumalik na ulit si Ms. Aries sa pagtuturo niya. She's discussing about the different elements lalo na ang mga legendary powers para malaman daw namin ang mga kahinaan ng mga makakalaban namin lalo na kapag may test.
Pero sa lahat ng sinabi niya isang kapangyarihan lang ang nakatawag ng pansin sa akin. 'The nullification' wala ng kaso sa akin ang ibang kapangyatihan dahil alam ko ang mga kahinaan nun except sa nullification.
"Nullification, ang kapangyarihang namatay na. Hindi na naipasa ang kapangyarihang ito dahil namatay na ang kaisa-isang nagtataglay ng kapangyarihang ito noong panahon ng digmaan. A war between all of the creatures existing in different worlds. King Samiro, ang nagiisang nagtataglay nito noon pero dahil sa digmaan ay namatay siya.
Sa lahat ng kapangyarihan ay ito ang pinaka nakakaiba. It can stop you from using your power, it can also remove your power or the owner of this kind of power can kill you in just a snap. Ganiyan 'yan kapangyarihan. Wala ring nakalagay sa library kung ano ang kahinaan nito but only one thing is for sure it can be also dangerous as blue fire and dark fire of prince zeke or maybe more dangerous"
Biglang may nagtaas ng kamay tsaka siya tumayo at nagtanong. "Maari pa rin po ba itong maipasa?"
"I also don't know dahil mula sa pinaka-ninuno ng nagmamay-ari ng kapangyarihang yan ay naipapasa lamang 'yan sa pamamagitan ng dugo. Kung ang isa kang nullifier ibig sabihin ay magiging nullifier rin ang isa sa mga anak mo. Pero malay natin"
Pagkatapos na pagkatapoa ng klase namin ay tumakbo akong papunta sa office ng headmaster. Not minding them especially Rain who's calling me at the top of her lungs. I just run and run until I reached his office. Hinihinihingal na pinihit ko ang door knob.
I can't believe it. Isang kapangyarihang matagal ng namatay? No way, anong tawag ngayon sa kapangyarihan ko? Nanginginig ako, wala akong alam tungkol dito. Damn it, hindi ko man lang namalayan na nasa akin pala ang kapangyarihang pinaniniwalaan nilang matagal ng namatay. But how?
Buong tapang akong pumasok at naglakad palapit sa kaniya. Napaangat naman siya ng tingin ng maramdaman niya ako at napakunot noo ng makita niya ako na humahangos na naglalakad papunta sa kaniya.
"Tell me everything about this freakin' power of mine" kalmado pero may diin kong sabi.