Chapter 20: Glowed ****** Shamira Reign Warl "I guess you're Shamira?" tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay siya na ang hari dahil na rin sa suot niya. Yumuko naman ako bipang pagbibigay ng respeto sa kaniya gaya ng ginawa ko kanina sa reyna. "Opo" sagot ko habang nakayuko pa rin. Pero bigla akong napaangat ng marinig ko ang halakhak niya na parang bang may nakakatawang bagay akong ginawa. "Shaniel, aking reyna, kaparehong-kapareho mo siya natatandaan mo pa ba? Noong pinakilala kita kay ama?" "Tigilan mo ako, ikaw na hari ka! Kung ayaw mong itarak ko yang espadang nasa likod mo" Napanganga naman ako sa pagtataray niya. Wala sa itsura niya, tama nga ang kasabihang masamang magalit ang taong mababait. Nakakatakot! Bumalik ang maamo niyang itsura ng humarap "Halika na hija, saluh