Chapter 17: Damn you ******* Shamira Reign Warl "Kilala mo pala si Rain?" hindi makapaniwalang tanong ni Sheena sa akin habang nakangiti. May mga nilalagay siyang oil sa bawat galos ko sa may braso ko at unti unti ko ng hindi nararamdaman ang hapdi. Siya na rin lamang ang gumamot sa ilang mga sugat ko dahil biglaang tinawag si Rain kanina. "Pareho kami ng academy na pinapasukan kaya ganun," sabi ko habang tinitignan siya sa pagdampi ng isang oil sa sugat ko. Hindi ko tuloy hindi maiwasang humanga sa gaan ng kaniyang kamay habang nagpapahid ng oil sa sugat ko. Nakakapagtaka ring wala akong gaanong maramdamang hapdi dahil sa mga sugat kaya naman iniisip ko kung namamanhid na naman baa ng aking katawan. Hindi man halata ngunit nasanay ako, at syempre, naturuan ako noon ng ilang mga par