Ilang buwan ko silang hindi nakita at parang nananaginip lang ako. Nang makita ko sila ay nananakbo ako palapit sa kanila, sinubukan ko silang yakapin. Ngunit na natigilan ako ng hindi man lang sila nag-respond sa ginawa ko. They are only focused on Mister Z. Tila hangin lang ako na dumaan sa paningin nila. Nakangiti sina Ceferino at Terrence pero na kay Mister Z ang mga mata nila. Maayos na ang lagay ni Ceferino na parang walang nangyaring panghihina. Iba na rin ang ayos ni Terrence, nawala na ang mahaba nitong buhok at ang makapal na salamin. Presentable ang kanilang mga itsura. They bow their heads. "Handa na ang sasakyan." Nakita ko kung paano himasin ni Mister Z ang ulo nina Cef at Terrence na parang aso. Naunang pumasok ang lalaki katabi ang driver samantalang kaming tatlo ang nau