Sabi nila, life is full of surprises. Ang sabi ko naman, you will be surprised if you are not ready what's on the table. May mga bagay na bigla na lang bubulaga sa 'yo. Dumarating ang mga pagkakataon na hindi mo inaasahan. Nakagugulat. Nakabibigla. Minsan pa nga ay nakapanghihina. "Hello! Earth to Cyrus, Cyrus to Earth!" "H-ha?" Nagpungas ako ng mata. I looked at my watch and it says 1:15PM. I am currently sitting on my chair and the lunch was over a few minutes ago, or so I thought. Late na akong nakatulog kagabi kaya naman puyat na puyat pa ako ngayon. "Sarap tulog ah. Sarap?" "Tumahimik ka nga!" saway ko. Sumasakit ang ulo ko kaya naman naisipan kong tumayo at mag-unat. "Timpla mo nga ako ng kape." "Okay." Agad namang kumilos ang secretary ko at lumabas ng opisina. Napapaisip na