Nalungkot ako nang hindi ko maabutan si Rex sa loob ng office ko. Hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin. Sinubukan ko siyang tawagan kaninang umaga pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, maging ang mga text messages ko. Gusto ko siyang dalawin minsan ang kaso ay busy ako sa trabaho. Hindi naman pwedeng sa weekends dahil kasama ko si Adie. Hindi ko alam kung bakit tila parang wala lang sa mga subordinates ko na nag-resign ang secretary ko. Maybe they already knew it from the start. Subsob ako sa pagtitipa sa harap ng computer nang may mag-abot sa akin ng cup. Bigla akong nakaamoy ng kape. "Busy?" "Ikaw pala Mister Z," sagot ko habang kinukusot ang mga mata. "Since, wala na akong secretary kaya ako na ang gumagawa lahat ng trabaho dito." "Nabalitaan ko nga." "Ano nga pala ang sa 'tin