Chapter 6

2045 Words

Nagising ako dahil sa sakit ng buong katawan ko. Parang hinihila ang lamang-loob ko palabas. Hindi ko maigalaw ang mga binti at tuhod ko. Damang-dama ko na parang matutuklap ang balat ko sa sobrang hapdi. Sinubukan kong bumangon per hindi ko kaya. Naramdaman kong wala na ang posas sa tigkabila kong kamay. Nanlulupaypay man, pinilit ko pa rin ang sarili ko at tinanggal ang kumot sa bandang paanan ko. Nagulat ako ng isang paa ko na lang ang nakakadena saka ko naalala ulit ang mga nangyari kagabi. Nanlulumo ako sa sarili ko. Kahit wala na ang mga tali ko sa katawan, nag-iiwan pa rin ng kirot ang mga naiwang bakas. Anong oras na ba? Wala akong nakitang orasan o kahit na maliit na alarm clock sa side table. Saradong-sarado rin ang malalaking kurtina. Hindi ko tuloy malaman kung umaga na o gab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD