BILLIONAIRE 59

1500 Words

Ni hindi ko naisip na makikita ko sa personal si Shaicy. Hindi ko naisip na magkakalapit ang landas naming dalawa. Sa mga narinig ko noon ay nasa ibang bansa raw siya, kaya bakit siya narito ngayon? Bakit sa dami ng mga pagkakataon na maaari kaming magkita kami ay sa ganitong sitwasyon pa? Ngunit sa dami ng mga bumabagabag sa isipan ko ngayon, mas binagabag ako ng kaniyang itsura. Totoo nga ang sabi ng mga nakakita sa akin, kamukhang-kamukha ko ang ex-girlfriend ni Apollo. Kaya hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit inaakala nila sa unang tingin na ako si Shaicy. Nasaksihan na mismo ng aking mga mata ang kaniyang itsura. Hindi ko pa siya natitigan ng ayos dahil sa bilis ng pagtulak ng mga nurse sa kaniyang kama. Nakita ko naman na mabilis na sumunod doon si Apollo. Hindi ko siya magawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD