Prologue

2081 Words
It was Sunday afternoon and the surroundings were clear. Hindi masyadong mainit, at sabi nga ay kasarapan lang sa balat ang haplos na init na ibinibigay ng sikat ng araw. Nasa isang parke lang si Atasha, habang inuubos ang oras sa pagliliwaliw at pagmamasid sa mga pamilyang nagpi-pic-nic doon. Nakaupo lang siya sa isang bench habang nakatanaw sa mga pamilyang masayang nagkukulitan at nagtatawanan. Napahugot siya ng hangin. Gusto din niya ang ganoong klase ng pamumuhay. Simple masaya, kasama ang kanyang asawa at mga anak. Naalala na naman niya ang kasintahan. Kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti. Mayaman ang pamilyang pinagmulan nila. Dahil din sa yaman ng pamilya nila, tanging yaman lang din ang naging pinakamahalaga. Hindi man lang niya naranasang magbonding sila ng pamilya ng ganoon. Walang oras ang mommy at daddy niya sa ganoong uri ng aktibidades. Tulad ng nakikita niya sa pamilyang nasa parkeng iyon. Her mother Tasha Romeo Castellejo, ang tagapagmana ng Romeo Trading ang pinakamalaking bigasan sa bansa. Na kalaunan ay naging parte na rin ng Castellejo at naging Castellejo Trading. Nang malugi ang Romeo Trading ay binili ito ng lolo niya na ama ng daddy niya. Hanggang sa magkagusto ang daddy niya sa mommy niya at nagpakasal ang dalawa. Her father Arturo Castellejo is the only heir of Alejandro Castellejo. Kaya ito ang naging tagapagmana ng Castellejo Power Plant. At siya, she is the heiress of Castellejo. Now Castellejo is one of the powerful name na kilala ng lahat. Paanong hindi? Isa sila sa nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking power plant na nagsusupply ng kuryente sa buong bansa. Sila rin ang may pinakamalawak na palayan na nagsusupply ng bigas sa iba't ibang panig ng bansa. Dahil sa yaman napabayaan na sila ng mga magulang. Akala ng mga ito, kayamanan ang makakapagpasaya sa tao. Pero mali ang mga magulang, dahil para sa kanya oras at pagmamahal pa rin ang mas mahalaga. Pasalamat na rin siya noon at kahit saglit nakaramdam siya ng pagmamahal. Noong hindi pa umaalis ang Kuya Allen niya. Mas matanda ito sa kanya ng kung ilang taon. Mas magulang pa ng niya ito kaysa mga magulang niya. Ito lang ang naging kakampi niya sa lahat. Ito rin ang nagtutungo sa school niya noon pag mayroong meeting. Namimiss na niya ito. Ngunit hindi naman habang buhay kasama niya ang kuya niya lalo na ng mag-asawa ito at tumira sa ibang bansa. Napaayos ng upo si Atasha sa bench ng magring ang cellphone niya. Napangiti pa siya ng makitang ang kasintahan ang tumatawag. "Good afternoon babe. Where are you?" malambing na tanong ng kasintahan na ikinangiti niya. "Nasa bahay lang," pagsisinungaling niya. Hindi kasi niya masabi kay Jiho na tuwing hindi sila magkasama, ay sa parke lang na iyon siya naglalagi at pinupuno ng inggit ang sarili sa magkasintahan at pami-pamilyang masayang magkakasama sa lugar na iyon. "Ah, ganoon ba? Hindi ka ba naiinip? Pasensya ka na ha, busy lang kasi talaga ako." Napangiti siya. "Alam ko naman na tuwing linggo ay kasama mo ang pamilya mo. Saan naman kayo ngayon?" "Ah, out of town. Hayaan mo ipapakilala din kita kay mommy at daddy. Huwag kang mainip ha. Basta mag-stay lang sila sa bahay at hindi na mag-aya kung saan-saan. Ipapakilala na kita sa kanila, hmm," malambing pa nitong saad na mas lalong nagbigay kilig sa kanya. "No problem babe, naiintindihan ko." Isa iyon sa nagustuhan niya kay Jiho. Kahit tatlong buwan pa lang silang magkasintahan ay ito na ang pinangarap niyang makasama sa habang-buhay. Sa mga kwento ni Jiho nabuo ang pangarap niyang pamilya. Kahit busy sa trabaho ang Lunes hanggang Sabado, para sa pamilya naman ang araw ng Linggo. Kahit isang araw lang iyon ay napakahalaga sa kanya, bilang isang anak ng businessman at tagapagmana. Pero kahit ang Linggo, hindi man lang naibigay ng mga magulang sa kanila ng kuya niya. "Sige na babe, ibababa ko na ito," ani Jiho. "Jiho," muling sambit ni Atasha ng hindi kalayuan ay may matanawan siyang isang bulto ng lalaki na pamilyar sa kanya. "Sige na," ani Jiho at walang pag-aatubiling ibinaba ang tawag. Nanghihina man ang tuhod ay pinilit ni Atasha na ihakbang ang mga paa. Pakiramdam niya ay babagsak siya habang papalapit nang papalapit sa bulto ng lalaking kahit yata nakatalikod ay kilala niya. Masaya itong nakikipaglaro sa dalawang bata na sa tingin niya ay nasa apat na taong gulang at tatlo naman ang isa. Masaya ang mga bata habang nasa harapan ng mga ito ang isang babae na sa tingin niya ay siyang ina ng mga bata. Nanginginig ang kanyang katawan, lalo na ng halikan ng lalaki ang babae sa labi nito. Parang gusto niyang sumabog sa galit. Pero hindi niya ibababa ang sarili ng dahil lang sa isang lalaki. Galit siya dahil sa dami ng tao sa mundo, siya pang naghahangad lang ng kulang na pagmamahal pa ang niloloko nito. "Jiho Martinez," tawag niya sa pangalan ng lalaki. Pinatatag niya ang boses para hindi iyon mabasag. Dahil bago ang boses niya, gustong-gusto niyang basagin ang mukha ng lalaking dating minamahal na ngayon ay kinasusuklaman niya. "Yes," anito at nakangiting humarap sa kanya. Ngunit agad ding naglaho ang ngiti nito ng makita siya. "A-Atasha?" anito sa nauutal na tinig. "Yes! The one and only Mr. Martinez," nakangiting saad ni Atasha. Ngunit sa kaloob-looban niya ay nais na niyang pilipitin ang leeg ng lalaki. "Honey sino siya?" tanong ng babaeng kasama nito. Kitang-kita niyang natigilan si Jiho sa tingin ng babae. Gustong-gusto niyang sabihin na girlfriend siya at cheater ang lalaking kasama nito. Ngunit hindi niya ginawa. Kinalma niya ang sarili. Dahil hindi sumasagot si Jiho sa tanong ng babae ay siya na ang sumagot. "Atasha Castellejo. Actually kakilala lang ako ni Mr. Martinez. Nakita ko kasi siya kaya lumapit lang ako sa inyo. To say, hi," ani Atasha. "Ah ganoon ba. I'm Maureen asawa ni Jiho. Ito nga pala ang mga anak namin, si Maya ang bunso at ang panganay naming ni Janha," malambing na pakilala ng asawa ni Jiho. "A-Atasha," ulit muli ni Jiho sa pangalan niya. Pero tiningnan lang niya ito ng masama, nang tumalikod saglit si Maureen. Sa mga oras na iyon ay bigla na lang gumuho ang pangarap ni Atasha na masayang pamilya. Maswerte si Maureen. Dahil ang pangarap lang niya, nangyayari na sa mga ito. May oras sa kanila si Jiho, kasama ang anak ng mga ito. "Ayos ka lang miss?" nag-aalalang tanong ni Maureen, na ikinatango niya. "Pasensya na. Sige napadaan lang ako at nakita ko si Mr. Martinez. Mauna na ako sa inyo," paalam niya. Nginitian pa niya si Maureen at kumaway pa siya sa dalawang bata na nakatingin sa kanya. Ngunit pinukol niya ng masamang tingin si Jiho. Kung nakakamatay lang ang tingin, siguradong wala ng buhay si Jiho sa tingin niyang iyon. Mabilis niyang tinungo ang kanyang sasakayan na nakaparada, hindi kalayuan sa pwesto niya kanina. Pagkapasok niya sa loob ay doon niya ibinuhos ang iyak na kanina pa niya pinipigilan. Sobra siyang nasaktan, lalo na at wala siyang kaalam-alam na ang lalaking minahal niya ay pamilyado na pala. Sobrang sakit malaman na muntik na siyang makasira ng isang pamilya gayong inosente siya. Ilang minuto din siyang umiyak hanggang sa makatanggap siya ng tawag kay Jiho. Ayaw naman sana niyang sagutin iyon ngunit mukhang wala sa bukabularyo ni Jiho at salitang paghinto. "Oh God! Mabuti at sinagot mo Atasha. Let me explain." "Explain? Explain to your fvcking a*s that you're a fvcking bullsh*t a*shole. Leave me alone and we're done. Don't fvcking call me again! You a motherfvcker!" she hiss! "Hindi mo naiintindihan Atasha. Maiipaliwanag ko kung bakit ako nakipaglapit sa iyo. Totoong minahal kita." "At totoong niloko mo rin ako, para magpakilalang binata sa akin." "Dahil hindi ko mahal si Maureen," mariing saad nito. "Hindi mo mahal pero nakadalawang anak kayo! Hindi mahal pero hinalikan mo sa labi ng buong pagsuyo! Tanga lang ako dahil minahal kitang animal ka. Ngunit hindi ako tanga. Tapos na tayo mula ngayon. Wala na tayo simula ngayon. Huwag mong susubukan na tumawag ka pang muli. Baka hindi kita matantya ay makagawa pa ako ng pagkakasala. Goodbye a*shole!" inis niyang saad at ibinaba niya ang tawag. Galit na galit talaga siya sa walang kwentang Jiho na iyon. Napangiti siya ng hindi na ito muling tumawag kahit nasasaktan siya ay mas mabuti na iyong nalaman niya ng mas maaga ang kataksilan nito. Mas mahirap kung buong buhay niya mababansagan siyang kabit, gayong wala naman talaga siyang alam. Pero kung kumalat iyon, sinong maniniwala na inosente siya? Sa tingin niya ay wala. Napahugot siya ng hangin. Binuhay niya ang makina ng kotse niya at nagsimula ng magmaneho. Nagdrive siya ng walang kasiguraduhan. Hanggang sa dalahin siya ng pagmamaneho niya sa isang club. Ano pa nga bang aasahan niya sa isang club. Maingay, mausok at lahat ng taong pumupunta doon ay umiinom. Nagtungo siya sa counter at omorder ng alak. Unang beses lang ni Atasha sa lugar na iyon at masamang-masama ang loob niya. Hanggang sa hindi niya namalayan na tinatamaan na siya ng alak sa dami ng nainom niya. "One more shot please," ani Atasha sa bartender kahit medyo lasing na siya. "Pero miss, kaya mo pa bang uminom? Baka mamaya hindi mo ng magawang umuwi. Club ito miss, mahirap na. Lalo na sa babaeng katulad mo," paalala ng bartender. "Just do what I said. May pambayad naman ako!" inis na saad ni Atasha. Pero hindi pa rin kumikilos ang bartender. Halatang tinatantiya ang alcohol tolerance niya. "Just give her a drink, she's with me," sabat ng lalaking biglang tumabi kay Atasha. "Kilala mo ba siya miss?" Rinig ni Atasha na tanong ng bartender. Ngunit hindi na niya nagawang sumagot. Hanggang sa inilapag ng bartender ang alak na hinihingi niya. Dadamputin na sana ni Atasha ang alak ng hagipin iyong ng lalaki. Hindi niya alam kung dahil ba sa lasing na siya, o ano. Ngunit may napansin siyang puting kung anong ipinatak ng lalaki sa alak. Pero ng ibigay naman nito sa kanya ang alak, ay wala naman siyang nakita kaya mabilis niya iyong ininom. "The bill was on me," ani ng lalaking hindi niya makita ang mukha. Nagka-usap pa ito at ang bartender, bago umalis ang lalaki na nasa kanyang tabi. Nailing na lang siya ng nasundan niya ng tingin ang lalaking papalabas ng club. Muli may isa pang lalaki na naupo sa kabilang upuan sa tabi niya. Ngunit hindi naman ito nagsasalita at hindi din naman tumitingin sa kaya. Nakikita lang ni Atasha ay likod nito. Ngunit sa tingin niya ay nakainom na ito. Amoy na itong alak, bago pa ito makarating sa pwesto nito ngayon. "Miss ayos ka lang? Kilala mo ba ang lalaking iyon? Parang nasa edad singkwenta na iyon ah. Pero siya ang nagbayad ng mga inorder mong alak," tanong ng bartender na ikinailing niya. Iyon naman ang totoo. Hindi niya kilala kung sino man ang matandang iyon. "Miss mag-iingat ka," dagdag pa ng bartender. "I'm fine. Thanks," naisagot na lang ni Atasha bago siya tumayo. Naguguluhan siya sa nararamdaman. Parang nahihirapan siyang huminga at mas lalong umiinit ang pakiramdam niya. Nasa labas na siya ng club ng may humablot sa kanya. Nakaramdam siya ng takot. Alam niya ang amoy na iyon. Iyon ang amoy ng lalaking sinasabi ng bartender na nagbigay sa kanya ng alak. Bigla siyang nanghilakbot ng maramdaman niya ang halik nito sa kanyang batok. "Napakabango mo," anito. Nadidiri siya sa nararamdaman. Ngunit nag-iinit ang kanyang katawan. Wala siyang magawa ng buhatin siya nito. Kahit anong piglas niya ay natatalo lang din siya, lalo na at malakas ang lalaking bumuhat sa kanya. Hanggang sa tuluyan na siyang nanghina. Wala na siyang nagawa kundi ang magpatangay na lang kung saan man siya nito dadalahin. Hanggang sa isakay siya nito sa sasakyan. Sa ilang minutong byahe ay tumigil sila sa isang lugar na hindi niya alam. Ngunit nahagip ng kanyang paningin ang salitang 'motel'. Nakaramdam siya ng takot ng buhatin siya ng lalaki at ipasok sa madilim na silid. "Anong gagawin mo sa akin?" natatakot niyang tanong ngunit hindi nagsalita ang lalaki. Ngunit kung ano man ang nainom niya alam niyang hindi lang basta alak iyon. "Ang init. Sobrang init," paulit-ulit pang saad ni Atasha. Biglang bumukas ang pintuan dahil nakakita siyang muli ng liwang. Pero agad ding nagsara. Hanggang sa naramdam niyang muling lumapit ang lalaki sa kanya. "Ang init," muling sambit ni Atasha ng hapitin siya ng lalaki sa baywang at mariing hinalikan. Hanggang sa naganap ang bagay na nagpabago sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD