SKYE Another Monday morning. Nag-aabang ako ng taxi dito sa may waiting shed sa labas ng subdivision namin. Minsan, si Papa ang naghahatid sakin sa school sa umaga, pero maaga siyang umalis at may importanteng lakad. Sampung minuto na ang nakakalipas, pero wala pa ring dumadaang taxi. I checked my wristwatch. Medyo maaga pa naman kaya hindi siguro ako male-late. Ilang sandali pa, may natanaw akong school bus na papalapit sa direksyon ko. At kung hindi ako nagkakamali, school bus iyon ng MEU. Huminto ito sa tapat ko at awtomatikong nagbukas ang pinto. "Sa MEU ka rin pumapasok, di ba? Sakay ka na, Miss," sabi ng driver. Umiling lang ako. "Hindi na po. Magta-taxi na lang po ako." "Skye?" Agad akong napatingala sa tumawag na iyon. Nakatingin sakin si Lynn habang nasa tabi nito si Lander