The Bodyguard

The Bodyguard

book_age18+
379
FOLLOW
1.6K
READ
sweet
like
intro-logo
Blurb

Si Lianna ay maituturung na spoiled brat. Sakit sa ulo ng kanyang Ninong at Ninang. Ulila na siya sa ama at ina dahil sa isang aksidente 10 years ago.

After the accident she was sent to the US to continue her studies.

At sa kanyang pagbabalik sa poder ng Ninong uobra kaya ang katigasan ng ulo niya sa bodyguard na naatasang mag bantay sa kanya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Pa!!! Ma!!!!. Malakas na tawag ni Lianna sa ama at ina. Kinakabahan niyang tawag sa mga ito habang akay siya ng kanyang Ninong. Dinala siya nito sa isang ospital matapos maka tanggap ng tawag na naaksidente raw ang mag-asawa. "Mama, Papa please. Kumapit kayo. Wag niyo akong iwan." Panalangin niya. Saktong nasa harap na sila ng Emergency Room ng biglang lumabas ang Doktor. "Dok,kamusta na po ang mag asawang dinala dito? Iyong naaksidente? ani Ninong niya habang hawak parin nito ang kamay niya. Tiningnan muna siya ng Doktor saka umiling bago mag salita. "I'm so sorry Mr. Villarama, we did our best but they were declared dead on arrival." may halong lungkot ang boses ng Doktor. Hindi na niya halos maintindihan ang usapan ng Doktor at Ninong niya. Hilam sa luha ang mga matang tinakbo niya ang loob ng ER. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng makita ang ama at ina'ng naliligo sa sariling dugo. "No....No.... Mama,Papa... Gumising kayo.. Please wag niyo po akong iwan." Niyakap niya ang mga ito. Wala siyang pakialam kung pati siya maligo na rin sa dugo. "Paano na ako ngayon Ma,Pa??". Hindi na niya napigilan ang mapahagulgol ng malakas dahil sa sobrang sakit na kanyang nadarama. "How can I live without your guidance Ma,Pa? I'm only thirteen?" tanong niya sa kanyang isipan. Maya maya pa ay naramdaman niya ang pag tapik ng isang kamay sa kanyang likod. Nilingon niya ito at ang kanyang Ninong pala ang tumapik sa kanya. "Dada, pano na ako ngayon Da?,aniya sa pagitan ng mga hikbi. Umiiyak din ang Ninong niya. Nalulungkot din ito sa pagkamatay ng mag-asawa. Kababata nito ang Papa niya. Kasama niya ito mula kamusmosan hangga nagbinata at hanggang sa makatapos ng pag aaral. Kasama din nito ang Papa niya sa pagtupad sa pangarap nitong maging isang politiko. Kasalukuyang Mayor ng kanilang syudad ang Dada niya. Ang Papa ni Lianna ang nag silbing bodyguard nito simula noong nag uumpisa palang ito. Dito rin nakilala ng kanyang Papa ang kanyang Mama na sekretarya naman ng Munisipyo noon. Parang magkakapatid ang turing ng mga ito sa isa't-isa kung kaya naging Ninong niya din ito. "I'm so sorry for your lose Lianna. Alam kung masakit. Pero kailangan nating tanggapin. Nawalan ka ng ama at ina. Nawalan din ako kaibigan na ntinuring ko ng mga kapatid. Kaya wag kang mag alala mula ngayon ako na ang magaging Ama mo at ang Mamo mo na ang magiging ina mo. Nandito lang kami para sa iya. Hindi ka namin pababayaan." "Yes hija. Nandito lang kami ng Dada mo, Hindi niya namalayan ang pagdating ng Ninang niya. Nilapitan siya nito at niyakap. "Wag kang mag alala. Kami na ng Dada mo ang bahala sa lahat. Kami na ang mag aasikaso sa pag papalibing sa kanila." Hindi na naman niya napigilan ang paghikbi ng yakapin siya ng mahigpit ng kanyang Ninang. "Tahan na hija. Halika na muna at mag pahinga. Ang Dada na ang bahala dito. Umuwi na muna tayo sa mansyon. Tumango na lamang siya at sumunod sa Ninang. Dinala siya nito sa kanilang mansyon. Sinamahan di siya nito sa kanyang magiging kwarto simula sa araw na ito. "Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Ninoy Aquino International airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened.Thank you.” Natigil ang pagbabalik tanaw ni Lianna sa masakit nakaraan na iyon nang magsalita na ang crew ng eroplano. Hindi manlang niya napansin na napaluha na pala siya. Pinahid niya ang mga ito at inayos ang kanyang pag upo. Pagkakuha ng kanyang luggage ay agad niyang hinanap ang sinasabi ng Dada niya na mag susundo sa kanya. Palinga linga siya ng may makitang isang matipunong lalaki na may hawak na cardboard at may nakasulat na pangalan niya. "WTF Dada?? Kailangan pa talaga ganito pag susundo? Naka Caps Lock pa ang pangalan ko. Sh*t" bulong niya sa isip. Animoy naglalakad siya sa fashion show habang papalapit sa lalaking may hawak ng card board. Naka eyeglasses ito kaya di siya sigurado kung nakatingin ito sa kanya. "Excuse me Mister Card Board." Lumingon lingon pa ang lalaki tsaka nito itinuro ang sarili. "Ako ba ang tinatawag mo?" sagot nito. "Argh! Ay baka hindi! Baka yang hawak mo ang tawag ko..". sarkastikong sagot niya dito. "Ah Kayo na po ba si Maam Lianna?, walang ekspresyong sagot nito. "Ako nga,oh anu pang tinutunganga mo? Pakikuha na itong dala ko at ng makauwi na ako. Ang iniiiit",maarte niyang sabi. "Maldita nga talaga", pabulong na sabi nito na hindi niya masyadong narinig. "Anong sabi mo???," nakataas kilay na sambit ni Lianna. "Wala hoh. Sabi ko po,halina po kayo dito po ang daan papuntang parking lot." At nauna na itong naglakad. Sumunod nalang siya dito habang nakataas parin ang isang kilay. Habang nasa byahe ay tahimik lamang itong nagmamaneho. Hindi siya umupo sa frontseat dahil gusto niyang kilatisin ito ng tingin mula sa likod. Pasimple siyang tumitingin dito. Hindi niya makita masyado ang itchura nito dahil sa shades na suot. Kahit nakasuot ito ng black suit ay alam niyang matipuno ito. "Shuta naman Lianna umaandar na naman ang radar mo" sita niya sa sarili. "May problema ba Miss Anna?" Napapitlag siya ng bigla itong magsalita. "Anna? And who told you to call me that way??, "Ako lang. Ang haba ng panglan mo eh. Nakakabulol sa dila". "What the f....,naiinis niyang sabi. "Napapansin ko po kasi kanina niyo pa ako tinitingnan. May problema ba?, Nanlaki ang kanyang mga mata. Napansin niya yon? Natampal niya ang sariling noo sa hindi niya mawaring dahilan. "Ah..Eh.. Wala naman.. Napansin ko lang kasi parang ngayon lang kita nakita" palusot niya. "Natural, 10 years ka sa US eh." balik sagot nito. Natameme siya sa sinagot nito. Lintik bakit ba kasi yon ang sinabi ko. Argh. Damn this man. Nakakairita... Ang sarap kagatin.. Natampal na naman niya ang sariling noo. Hindi na siya umimik pa at kinuha nalang niya ang kanyang cellphone. Tatawagan nalang niya ang kanyang Ninong. "Hello Da. Papunta na po ako sa Bahay. Oh my God I'm so tired.. and I miss you so much... and Mamo too..." "I know that tone of yours hija.Hindi ka naman umuwi dito para bigyan ako ng sakit ng ulo diba?" "Oh c'mon Da. Hindi ka ba naniniwala na miss na miss na kita?, patampong sagot niya dito. "We missed you too. O siya sige na. Hihintayin namin kayo dito. Please behave with Marco okay?., "Who's Marco??, at napabaling siya sa kasama. "Oh so his name is Marco. Okay Da.. Promise. Magbi-behave ako. Labyu labyu labyu! Bye... Pinindot na niya ang end call at tinaponan ng tingin ang bodyguard. "So,your name is Marco" nakataas parin ang kilay niya. Tinaasan lang din siya nito ng kilay. Aba't attitude yata ang lalaking ito ah. Hmmm. Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng attitude mong yan. Pilyang napangiti siya. "Kung ano man yang kapilyohang iniisip mo wag mo ng ituloy. Hindi yan uobra sa akin." Nanlaki ang kanyang mata nang marinig ang sinabi nito. Nababasa ba nito ang isip niya? Makalipas ang 45 minutes ay naka rating na sila sa mansyon. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto ng kanyang bodyguard. Padabog niyang sinara ang pinto ng sasakyan at nag mwestra papasok ng kabahayan. "Hello mga nilalang!!! Nandito na ang pampagulo sa buhay niyo!!" masigla niyang salubong sa mga naghihintay sa sala. Nandoon ang Dada,Mamo at mga kinakapatid niya. Nakatawa lamang ang mga ito sa kanyang tinuran. Well, they are used to it already. Ganyan talaga si Lianna. "Oh Hija, I missed you so much Honey." Sinalubong siya agad ng yakap ng kanyang Ninang. Ganon din ang dalawa niyang kinakapatid. "We missed you Ate". "I missed you too.. Oh btw I think kailangan ko ng mag book ulit ng flight pabalik ng US." Natigilan ang mga ito. "Hindi manlang kasi ako niyakap ni Dada" nag cross arms agad siya sa harap ng mga ito. Nagsitawanan ang mga ito at agad naman siyang niyakap ng kanyang Ninong. "You Brat!. I missed you so much. Halina sa kusina at ng maka kain na tayo. Marco samahan mo na din kami. Alam kung nabagot ka sa kakahintay dito sa inaanak ko." Sinalubong siya ng amoy ng mga lutong bahay na matagal na din niyang na miss. Sa sampong taon na pamamalagi niya sa America ay minsan na lang siya kung makatikim ng Filipino Dishes. She's fond of their business and enjoying her life. Yes, matapos ang kursong Nursing at maipasa ang board exam ay hindi niya naisipang mag apply ng trabaho. Bagkus ay sumama siya sa kaibigang si Nerri sa pag sisimula ng business nito. Naging successful naman ito kaya tuwing hindi masyadong busy ay mag travel ang gawain nilang dalawa. "Kamusta naman ang byahe hija?, "Nakakapagod Mo, nakakapanibago pero masasanay din ako" "Good to hear that. Dahil dito ka na talaga mananatili sa Pilipinas."singit ng Ninong niya. "What did you say Da?, "You heard it right honey. Dito ka na titira sa Pilipinas. We'll talk about this later. Let's eat first." Hindi na siya sumagot pa. Alam na niyang pag tinawag siyang Honey ng amain ay seryoso ito sa sinasabi. Nainis siya na nalungkot bigla pero tinuon nalang niya ang pansin sa kinakain. Matapos ang masarap na tanghalian ay umakyat muna siya sa dating silid para mag linis ng katawan at ng makapagbihis na rin. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok ng makarinig ng katok sa pinto. "Come in" Iniluwa nito ang bodyguard na si Marco. "What is it?, pataray niyang tanong. "Pinapatawag ka ng Ninong mo. May kailangan yata kayong pag-usapan." Sinara na nito ang pinto. Bumaba na rin siya sa sala. "Ano po ba iyon Da?, I want to have some rest first., "I know you are tired but we need to discuss something important". "Spill it out,I'm listening". "I think it's time for you to go back HOME" diniin talaga nito ang salitang Home. Natigilan si Lianna sa sinabi ng Ninong. "Pinapalayas niyo na po ba ako?" "No.. I just think na panahon na para ibigay sa'yo ang iniwan ng mga magulang mo". "Dada naman. Paiiyakin mo yata ako eh. Alam mo kung gaano ka sakit sa akin ang bumalik doon. Da, please.. Wag mo ako palayasin." "What are you saying? Hindi kita pinapalayas. Hindi ba dapat panahon na para bisitahin mo ang bahay na kinalakihan mo? It's been 10 years Honey. You are an adult now." Napaluha nalang siya ng hindi namamalayan. Ang bahay nila ng kanyang ama at ina ang tinutukoy ng kanyang Ninong. Nang maulila kasi siya ay hindi na siya tumapak pa sa bahay na iyon. Parang dinudurog ang puso niya. Tapos ngayon sasabihin nito na panahon na para balikan ito dahil adult na din naman siya? Hindi naman basehan ang pagiging adult para isipin nitong naka get over na siya sa pagkamatay nga kanyang mga magulang. "You still have the duplicate key's right?" Pinahid niya ang luha bago sumagot. "Yes. Pero Da,pwede ba pag isipan ko muna? Masyado mo akong binigla eh. "Okay. And by the way Hija, from now on Marco will be your personal bodyguard. Kahit saan ka magpunta siya ang makakasama mo. Is it clear? As what I have said earlier, behave yourself. Marco is different from your previous bodyguards. Go ahead and take a rest." Tumango na lamang siya at padabog ang mga hakbang na umakyat sa kanyang kwarto. "Did you see that Marco? You think you can handle her?" "I'll do my best Sir. Sige po. Babalik muna ako sa quarters. Mag momonitor pa po ako ng CCTV's." Paalam na nito sa lalaking amo. Napangisi na lamang siya sa tinuran nito sa kanya. Base nga sa briefing ng Mayor noon sa kanya, maldita daw itong inaanak niya. Masyado daw na spoiled at may kapilyohan. Madalas daw ito tumakas sa mga bodyguards noon kahit pa nasa America na ito. Wala naman itong ginagawa kundi ang magtravel kung saan saan. Sakit sa ulo kung ituring. Malamang dahil tinutupad lang ng matanda ang pangako nito sa namayapang kaibigan na aalagaan at babantayan nito ang anak. Napatitig siya sa monitor na nasa kanyang harapan. Nakatayo sa terrace ang dalaga habang nakatitig sa kawalan. Nakasuot lamang ito sleeveless na pantulog at nakalugay ang buhok nito sa balikat. Natulala siya habang tinitingnan ito. Umiihip ang hangin kaya medyo humahapit ang damit nito sa katawan. At kahit di sa malapitan niya ito tinitingnan ay alam niyang maganda ang kurba ng katawan nito. Napakurap siya ng hawiin nito ang buhok kaya na expose ang mapuputi at makikinis na balikat nito. Wala sa sariling na pindot ang zoom button ng keyboard. Napapangiti si Lianna sa kanyang ginagawa. Kanina lang siya sinabihan ng matanda na mag behave. Pero heto siya ngayon. May kapilyohan na naman na ginagawa. Alam niyang nasa CCTV room ang Marco na iyon. At malamang pinanonood siya nito ngayon. Kaya dahan dahan niyang hinimas ang kanyang mapuputing braso na animoy nilalamig sa dampi ng hangin sa balkonahe. "Damn it! Ano bang ginagawa ko" tinampal ni Marco ang sarili at agad na tinawagan ang numero ng dalaga. "Who's this?" Kahit sa telepono ay mataray din pala ito. "Get inside your room. Baka ma sniper ka jan. " hindi niya alam ba't niya nasabi iyon. Pero halos mapahagalpak siya ng tawa ng makita sa monitor na kumaripas ito ng takbo papasok ng kwarto nito. "Good girl. Bye". Parang nag hahabolan na kabayo ang t***k ng puso ni Lianna. Hindi naka rehistro ang numero nito pero alam niyang si Marco iyon. "That Idiot! Iniinis niya ba ako?" Natigilan din siya ng mapa isip. Hindi yata umobra ang kapilyahan/pang aakit niya. Hindi siya makakapayag. Mag iisip siya ng bagong hakbang. Sa ngayon matutulog na muna siya. Pero bago pa man mawala ang ulirat niya ay na-i save pa niya ang numero nito. "Goodnight Idiot".

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
20.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.8K
bc

His Obsession

read
98.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
157.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
7.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook