CHAPTER 1

1836 Words
#ILoveYouBro CHAPTER 1     JACK’S POV:     Sabay kaming naglalakad ni Jones ngayon sa gilid ng daan. Araw-araw ay sabay kaming umuuwi dahil parehas lang naman kami ng lugar na inuuwian. Magkapit-bahay kasi kami sa subdivision kung saan nandoon ang mga bahay namin. Kakatapos lamang ng maghapon naming klase na kung saan, sa lahat ng subject ay magkaklase kami. Paano kami hindi magiging magkaklase e pareho kami ng course na kinuha, BSHRM sa isang magandang kolehiyo dito sa aming lugar. Parehas pa kami ng taon, pareho kaming 4th year. Sa edad, magkasing-edad kami. 18 na kami parehas.     May kadiliman na ang paligid dahil pagabi na rin pero hindi naging hadlang iyon para hindi pa rin namin makita ang dinaraanan dahil may mga street lights pa naman sa lugar na nilalakaran namin na ngayon ay nakasindi ang bawat isa.     Napapatingin ako kay Jones. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Paano naman kasi kanina, nagkwento siya sa akin na nakipagbreak na sa kanya si Rina, ang 5 months girlfriend niya, ang dahilan, nagsawa na raw ito. Bakas sa mukha nito ang lungkot, sino ba naman kasing hindi malulungkot sa hiwalayan? Alam ko na masakit iyon lalo na kung ang mahal mo pa ang nakipagbreak, naranasan ko na rin kasi.     “Paano kaya kung tayo na lang?” tanong ni Jones sa akin na ikinataka ko naman. Anong ibig niyang sabihin?     “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. Mas matangkad siya sa akin kaya naman tumitingala ako kapag titingin ako sa mukha niyang masasabi kong hindi papahuli ng kagwapuhan sa akin.     Huminto siya sa paglalakad. Hinarap ako kaya naman napahinto rin ako sa paglalakad. Alam kong bakas ang pagtataka sa mukha ko na nakikita niya.     “Tayo na lang kaya?” tanong pa nito.     Mas lalo akong nagtaka.     “Ano ba kasing ibig mong sabihin sa tayo na lang? Hindi kita maintindihan e,” nalilito kong tanong at sabi.     Umiwas nang tingin si Jones sa akin. Napabuntong-hininga. Since elementary, magkaibigan na kami, bestfriend pa nga kaya kilalang-kilala ko na siya pero sa pagkakataong ito, nalilito ako sa mga ikinikilos at sinasabi niya kasi hindi ko talaga siya maintindihan e.     “I-level up na natin ang friendship natin. Mas gawin nating malalim,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.     “Diretsuhin mo nga ako Jones kasi kanina mo pa ako nililito e…”     “Tayo na lang ang maging magkarelasyon,” sabi niya bigla at tumingin sa akin. Ako naman, nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Maging mag-boyfriend na lang tayo,” mas nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat dahil sa sunod niyang sinabi.     Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang tunay niyang pagkatao. Tulad ng mga magulang niya, alam ko rin kung ano siya at gaya ng mga magulang niya, tanggap ko kung ano siya. Hindi lang rin naman babae ang nakakarelasyon niya, alam ko rin na may mga lalaki pero palihim lamang iyon dahil hindi pa siya handa na lumantad sa publiko… gaya ko. Oo, parehas kami ni Jones, bisexual kaming dalawa at alam niya rin iyon at tanggap niya. Tanggap rin ako ng mga parents ko. Katulad niya rin, may mga nakakarelasyon akong mga lalaki pero panandalian lamang dahil hindi ko rin kayang patagalin iyon dahil ayokong hilingin sa akin na ilantad iyon dahil sa totoo lang, hindi pa ako handa gaya ni Jones.     “A-Ano bang sinasabi mo diyan?” tanong ko. “Epekto ba ‘yan ng matinding kalungkutan mo sa pakikipaghiwalay sayo ni Rina kaya mo nasasabi ‘yan?” Alam ko na insensitive ang tanong ko pero kilala niya ako, diretsahan ako magsalita.     Umiwas siya nang tingin sa akin. Muling napabuntong-hininga.     “Masakit sa akin na naghiwalay kami pero alam kong malalagpasan ko rin ito kaagad at makakalimutan dahil hindi ko naman siya ganun kamahal. Maybe kaya ako nalulungkot dahil sa hiwalayan namin ay dahil lang sa may naapakan sa akin… siya kasi ang nakipaghiwalay at hindi ako, masakit sa akin na naapakan niya ang ego ko,” sabi ni Jones.     “Yun naman pala e…”     “May nararamdaman ako para sayo,” sabi niya kaagad na ikinagulat ko. Aminan na ba ito ng nararamdaman? “Kaya ko gusto na subukan ang tayo.”     “Sigurado ka ba diyan?” tanong ko.     Tumingin siya sa akin, diretso ang tingin ng mga chinito niyang mga mata. Sa totoo lang, nakakatunaw.     “Ilang beses kong sinigurado, ilang beses kong tinimbang at ngayon, masasabi kong sigurado ako, laman ka nitong puso ko, malaki at may kabigatan ang espasyong meron ka sa puso ko.”     Napaiwas ako nang tingin matapos sabihin iyon ni Jones. Napabuntong-hininga ako. Aminado akong kinakabahan sa mga sinasabi niya. Aaminin ko, kahit papaano ay may nararamdaman rin naman ako sa kanya pero mas pinipili kong kalimutan at pigilan ito dahil sa isang dahilan, iyon ay ang pagkakaibigan namin. Ayokong may masira sa pagdating ng panahon dahil alam ko naman ang kinahahantungan ng isang pag-iibigang nalamatan at nasira.     “Pasensya ka na kung wrong timing itong pag-amin ko pero maniwala ka… hindi ko ito sinasabi sayo kasi gusto kitang ipalit kay Rina… sinasabi ko ito sayo kasi hindi ko na kayang pigilan at itago pa.”   Muli akong napatingin kay Jones.     “Subukan nating dalawa na maging tayo…”     “Pero magkaibigan tayong dalawa, ipagpapalit mo ba ang pagkakaibigan natin para lamang maging magkarelasyon tayo?” tanong ko kaagad.     Bahagya na lamang akong nagulat ng hawakan niya ang kanan kong kamay at pinisil iyon. Napatingin ako sa paligid, wala naman masyadong tao. Gusto ko sanang tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero ang higpit kaya hindi ko maialis, isa pa, parang nawalan ako ng lakas na tanggalin ang nakahawak niyang kamay sa kamay ko.     “Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan habang tayo di ba?” sabi ni Jones nang titig na titig sa akin.     “Jones naman, hindi pa ba sapat sayo na magkaibigan tayo? Bestfriend pa nga tayo e…”     “Oo… Hindi sapat sa akin na magkaibigan tayo… na magkaibigan lang tayo,” mabilis niyang sagot.     “Bakit ba gusto mo na maging tayo?” tanong ko sa kanya. Kung ako ang tatanungin, gusto ko rin naman pero kasi, may mga kailangang isakripisyo kaya nagiging ayaw ang gusto ko.     “Kasi bukod sa may nararamdaman ako para sayo, kilala na natin ang isa’t-isa… matagal na tayong nagkakasama. Alam na natin ang magpapasaya sa bawat isa. Ikaw ang kasama ko sa saya at kalungkutan. In short, ikaw ang kalahati ng buhay ko.”     Natahimik ako sa sinabi ni Jones.     “Ramdam kong may nararamdaman ka rin para sa akin,” sabi niya. “Kaya sana… pumayag ka ng maging tayo… subukan lang natin kung magwowork…”     “Paano kung hindi magwork?” tanong ko kaagad.      Napangiti si Jones.     “Sigurado akong magwowork… dahil tayong dalawa ang magkasama sa magiging relasyon nating ito.”     Napaiwas ako nang tingin sa kanya matapos niyang sabihin iyon. Huminga ako nang malalim.     Papayag ba ako sa kagustuhan niyang maging kami? Bakit kasi biglaan ang lahat?     Ano ba ang dapat kong piliin… ang pagiging magbestfriend namin o ang pagiging magboyfriend? Ang hirap pumili… ang hirap tapusin ng isang malalim na pagkakaibigang nabuo matagal ng panahon ang nakakalipas at maglevel-up into a relationship.   --------------------------------------------    THIRD PERSON’S POINT OF VIEW:  (THE PAST)     Nakapangalumbaba si Jack habang nakaupo sa may sidewalk. Nasa tapat pa rin siya naman siya ng gate ng bahay nila. Bakas ang inip sa kanyang mukha dahil kanina pa niya hinihintay ang kanyang Mama at Papa na dumating.     Tanging ang yaya lamang niya ang kasama ngayon sa bahay na kasalukuyang nasa loob at pinababayaan lamang siya dito sa labas. Sasapit na ang gabi dahil padilim na rin. Kampante naman kasi ang yaya niya na hindi siya mawawala dahil bukod sa alam nito na hindi naman malikot na bata si Jack at hindi nagpupunta sa kung saan, safe rin naman sa loob ng subdivision dahil maraming ilaw na nagkalat sa paligid dagdagan pa na nagkalat rin ang mga CCTV.     “Anong oras kaya sila darating?” tanong nito sa kanyang sarili. Napabuntong-hininga.     Sa edad na sais, aminadong kulang siya sa aruga ng mga magulang. Lagi naman kasing busy ang mga ito sa trabaho. Kung off naman ng mga ito, trabaho pa rin ang inaatupag at hindi siya. Hindi niya nga minsan maiwasang magtampo dahil dito. Mabuti na nga lamang at nandyan ang yaya niya dahil at least may kasama pa rin siya pero gusto niya pa rin na kasama ang Mama at Papa niya. Kung siya ang tatanungin, masasabi niyang mas close pa siya sa yaya niya kaysa sa sariling mga magulang.     Natulala siya. Hindi niya namalayan na may papalapit sa kanyang isang batang lalaki na lumabas mula sa katabing bahay at nakita siya. Bumakas ang pagtataka sa mukha nito kung bakit tulala ang batang nakita niya.    Tumabi siya sa pagkakaupo nito. Sa totoo lang, hindi niya kilala ang batang ito dahil kakalipat lamang nila sa subdivision na ito. Kung titingnan niya, kasing edad niya ang batang tulala.     Nagulat na lamang si Jack ng sa harapan niya ay may lumitaw na isang lollipop. Napatingin siya sa may hawak nun at mas lalo siyang nagulat nang mapagtanto niyang may bata na pala siyang katabi sa pagkakaupo.    Napangiti sa kanya ang batang lalaki.     “Para sayo, mukha kasing malungkot ka.”     Tipid namang napangiti si Jack. Kinuha ang lollipop na ibinibigay sa kanya.     “Salamat,” sabi nito. Kung titingnan silang dalawa, mukha silang mga hindi 6 years old na bata dahil bukod sa malalaki silang bata, matatas na rin silang magsalita at ang pag-iisip, parang hindi pang anim na taong gulang. Mestiso si Jack, moreno naman si Jones.     “Bakit ka nandito sa labas? Gabi na ah,” tanong at sabi ng batang lalaki kay Jack.     “Hinihintay ko kasi si Mama at Papa,” sagot ni Jack.     Napatango ang batang lalaki.     “Teka lang, ngayon lang kita nakita dito. Bagong lipat ba kayo?” tanong ni Jack.     Napatango ang batang lalaki. Tinuro nito ang katabing bahay nila Jack.   “Dyan na kami nakatira.”     “Ah… Bagong kapit-bahay,” sabi ni Jack habang tumatango.     Napatango naman ang batang lalaki.     “Ang mama at papa mo, nandyan ba sa inyo?” tanong ni Jack.     Napatango muli ang kausap na bata.     “Inaayos nila ang mga gamit namin.”     “A… Mabuti pa sila… nandyan,” sabi ni Jack na may himig ng lungkot.     Tipid na napangiti ang batang lalaki.     “Darating din sila huwag kang mag-alala.”     Napatango na lamang si Jack. Binuksan ang lollipop na ibinigay sa kanya saka sinimulang dilaan.     “Oo nga pala… Ako si Jones,” pagpapakilala ng batang lalaki kay Jack.     “Ako naman si Jack.” pagpapakilala rin ni Jack sa sarili.     Nagkangitian sila.     Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan, sa edad na sais, nagsimula ang kanilang kwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD