#ILoveYouBro CHAPTER 18 “Hindi ka nagswimming kanina. Ang sarap pa namang magswimming sa dagat,” sabi ni Jones kay Jack. Nasa hotel room na silang apat. Sila Jones, Russel at Yohan at kanya-kanyang punas ng twalya sa katawan dahil sa basa sila habang si Jack naman ay nakaupo sa gilid ng kama. “Oo nga at nakakarelax din ‘yung tubig,” sabi naman ni Rusell. Tipid na napangiti si Jack. “May tatlong araw pa naman tayo dito kaya siguro bukas na lang ako magsi-swimming.” “Minsan talaga KJ ka,” nang-aasar na sabi ni Jones. Sinamaan nang tingin ni Jack si Jones. “Minsan rin ang lakas mo mang-asar,” inis naman na sabi ni Jack. Natawa lamang si Jones sa kanya. “Oo nga pala, kami na ni Jack ang magtatabi sa isang kama tapos kayo ni Yohan ang magkatabi