LYKA “WALA na pala dito ang Mang Kanor’s restaurant,” dismayado na sabi ni Uncle Verex nang dalhin niya ako sa lugar kung saan may masarap daw na kainan. Sa halip ay isang stall ng mga damit na ang naroon. “Baka nga po wala na, uncle. Kasi two years na akong labas-masok dito pero parang wala naman akong nakikita o naririnig na gano’ng resto,” sagot ko naman. “Hindi bale.” Nagkibit siya ng balikat. Humarap siya sa akin at ngumiti. Iyong tipo ng ngiti na umaabot hanggang sa mga mata niya. Kaya hindi na ako magtataka kung ngumiti uli siya sa akin tapos himatayin na naman ako. “Ikaw na lang ang mamili kung saan tayo kakain. Mukhang kabisado mo na rin pala itong mall.” Medyo napangiwi ako. Sigurado kasing magkaiba kami ng taste. “Actually po, sa mga fast-food chain lang ako madalas kumain,