LYKA NAPAHIMBING ang tulog ko pagkatapos ng nangyari sa amin ni Uncle Verex. Hindi ko alam kung ilang oras ang dumaan nang magising ako uli at matino na ang aking isipan. Masama pa rin ang panahon sa labas at madilim pa. Pero may liwanag na sa loob ng kuwarto dahil bumalik na ang kuryente. Napatingin ako sa kaniya na mahimbing na ring natutulog sa aking tabi. Tahimik akong napaiyak nang mag-sink in sa aking isipan ang mga naganap. Lalo na nang maramdaman ko ang kirot at pananakit sa pagitan ng aking mga hita. Hindi na nga ako buo. At batid ko na kahit ano man ang mangyari ay hindi na ako muling mabubuo pa. Lalong-lalo na ang aking puso. Gayon man ay wala akong pinagsisisihan sa naging kapusukan ko kahit dala lang iyon ng kalasingan. Dahil inalay ko ang aking sarili sa unang lalaking min