Episode 3: Back to School

1633 Words
Isang umaga, nagluto si Buboy ng scrambled eggs para ipalaman sa tinapay at ito ang kanilang almusal. Nagtimpla din siya ng kape para sa mga dalaga. Matapos ang paghahanda, isa-isa nang kinatok ni Buboy ang mga kwarto ng mga dalaga upang yayaing mag-almusal. Agad namang nagsibabaan ang mga ito at nagtungo sa kusina para kumain. Huling bumaba si Leah at dala-dala na ang mga gamit sa eskwela. "Hindi na ko mag-aalmusal, kailangan ko makarating sa school nang maaga." Paalam ni Leah. Nag-alala si Buboy dahil baka magutom si Leah habang nasa klase. Natapos nang kumain ang mga babae at nagligpit na din sa kusina si Buboy. Napansin ni Riley na malalim ang iniisip ng binatilyo kaya tinanong niya ito. "Bakit Boy, masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya kay Buboy. "Hindi, iniisip ko lang na baka magutom si Leah mamaya habang nasa klase." Tugon nito. "Uy, bakit alalang alala ka kay Leah? Ikaw ha..." Tukso ni Riley kay Buboy. "Hatiran mo kaya siya ng pagkain? Kaya lang baka hindi ka papasukin ng gwardya. All girls kasi doon e." Sabi ni Riley. "Alam ko na! Akong bahala sa'yo, sumunod ka sa kwarto ko." Dagdag pa niya. Sumunod naman si Buboy sa sinabi ng dalaga nang hindi man lang inalam kung ano ang ideya nito. Pagdating sa kwarto ni Riley, agad nitong hinalughog ang kanyang drawer at tila naghahanap ng kung anu-ano. Nagulat na lamang si Buboy nang makita niya ang isang hair extension, blush-on, at lip stick. "Huwag mong sabihing..." Sambit ni Buboy kay Riley. "Tumpak! Diba gusto mong makapasok sa all girls school? Ano pang hinihintay mo?" Sagot ni Riley at agad na inayusan ng pambabae si Buboy. Ilang minuto ang lumipas. "Dyaran! Ang ganda mo naman girl." Natatawang sabi ng dalaga. Humarap sa salamin si Buboy at hindi napigilang matawa sa kahihiyan. "Sige na, umalis ka na at baka nagugutom na ang jowa, este ang ate mo." Utos ni Riley kay Buboy. At umalis nga ito dala ang pagkaing hindi nagalaw ni Leah dahil sa pagmamadali. Pagdating sa eskwelahan, dire-diretsong pumasok si Buboy sa gate suot ang mini skirt at blouse na pinahiram sa kanya. Sa hindi kalayuan ay natanaw niya na si Leah na umaalog ang dibdib habang nagsasayaw kasama ng iba pang babae. Tatawagin niya sana ito nang maalala niyang malaki nga pala ang boses niya at baka may makarinig na ibang tao. Kaya nilapitan niya na lang ito at iniabot ang dalang pagkain. Nagtataka si Leah at tinitigan ng mabuti ang binatilyo. "Buboy?" Tanong nito sabay kabig. "Baby!" Pagtatakip nito kay Buboy. "Kapatid ko nga pala." Pakilala ni Leah sa mga kaklase. Hindi naniniwala ang mga ito dahil sa napansin nilang mabuhok ang mga binti nito. "Excuse us girls. May paguusapan lang kami sandali." Paalam ni Leah. Dinala niya si Buboy sa CR para walang makakita sa kanila. "Bakit ganyan ang ayos mo? In fairness, ang ganda mo pala." Sabi ni Leah. "Dinalhan kita ng pagkain, baka kasi magutom ka. Hindi ka man lang nag-almusal kanina." Sagot naman ng binatilyo. Na-touch ang dalaga sa pag-aalala sa kanya ni Buboy. Nilapitan niya ito at hinalikan sa mga labi. Ang hindi nila alam ay sinundan pala sila ng mga kaklase ni Leah. "Sabi ko na nga ba e, lalki yan e!" Sabi ng isang dalaga. "Isara mo ang pinto." Utos naman ng isa. Sabik sa lalaki ang mga estudyante dahil karamihan sa kanila sa eskwelahan ay babae, ang iba naman ay mga tomboy. Pinigilan ni Leah ang mga kaklase at pinatakas niya si Buboy. Nang makalabas na ng eskwelahan ay sumakay agad ng jeep ang binatilyo pauwi sa dorm. Pagdating niya sa dorm, sinalubong siya ni Riley. "Ano, success ba ang operation mo?" Tanong niya kay Buboy. "Oo. Muntik pa akong gahasain ng mga babae dun." Sagot nito. At malakas na nagtawanan ang dalawa. Gumugulong pa si Buboy sa sahig sa kakatawa. Sa kalikutan niya ay natisod niya si Riley at napaupo sa mukha niya. Di malaman ni Buboy kung ano ang gagawin niya habang hindi naman kumikilos ang dalaga dahil sa kakaibang feelings habang nakangudngod ang binatilyo sa pagitan ng kanyang hita. Natigilan lamang sila nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Keisha. "Bakit ganyan ang itsura mo?" Natatawang tanong niya. "Gusto mo din ba sa all girls school?" Dagdag pa niya. "Siya nga pala, speaking of school, wala ka bang balak magpatuloy sa pag-aaral?" Tanong ni Keisha. "Gusto ko nga sana kaso wala akong pang-aral." Sagot ni Buboy. "May nakita akong bagong bukas na high school, kung gusto mo pwede kang mag-enroll doon. Akong bahala sa'yo." Alok ni Keisha. Walang nasabi si Buboy at bigla na lang yumakap sa dalaga. Makalipas ang isang linggo, maagang gumayak si Buboy at Keisha para magpunta sa bagong bukas na eskwelahan. Pagdating doon ay tumuloy sila sa admission office para magpalista sa Grade 7. Palabas na ng office ang dalawa ng mabangga ni Buboy ang isang dalagitang magpapalista din at nahulog ang dala nitong folder. Dinampot ni Buboy ang mga gamit ng dalagita at iniabot sa kanya. "Sorry miss, hindi kita napansin." Paumanhin ni Buboy. Bago sila umuwi ni Keisha ay dumaan muna sila sa bookstore para mamili ng gamit sa eskwela. Kumuha ng 8 pirasong notebook si Buboy, 4 na ballpen, 2 lapis, at 1 drawing book. "Para saan ang drawing book?" Tanong ni Keisha. "Hindi niyo kasi naitatanong na mahilig ako gumuhit." Sagot ni Buboy. "Talaga? Minsan patingin ako ng mga gawa mo ha?" Dagdag ni Keisha. Tumango lang si Buboy at napangiti sa dalaga. Nang matapos sila sa pamimili ay bumalik na sila sa dorm. Pagdating nila ay nakauwi na ang lahat. May dalang pizza si Alex kung kaya't hindi na sila nagluto ng hapunan. Pagtapos nilang kumain ay iniligpot na ni Buboy ang mesa at kinuha ang mga biniling notebooks para balutan. Bata pa lamang si Buboy nang matutunan niyang mag-cover ng sariling kwaderno. Tinuruan siya ng kanyang yumaong ina kaya naman sanay siya sa kahit anong gawaing pambabae. Ngayon ay handa na siya para sa pasukan. Bago pa man magsimula ang klase ay nakatanggap na si Keisha ng text message mula sa school administrator na kailangan niyang dumalo sa parents and guardians' orientation. Siya kasi ang nakalistang guardian ni buboy sa enrollment form. Samantala, abala naman si Keisha sa pag-aaral para sa paparating na finals examination. Nawala sa isip niya na dapat pala siyang dumalo sa meeting sa darating na Lunes. Nagkataon na unang araw ng examination nila. Linggo ng gabi... "Sino ang pwedeng sumama sa inyo kay Buboy sa school?" Tanong ni Keisha sa mga kasama." May exams kasi ako bukas at hindi ako pwedeng mag-absent." Paliwanag niya." May groupings kami nila Riley bukas e." Tugon ni Alex. " Ikaw Leah, busy ka ba bukas?" Tanong ni Keisha. " Hindi naman, naipasa ko na ang lahat ng dapat kong ipasa sa school." Sabi ni Leah." Baka pwedeng ikaw muna ang pumunta sa meeting nila Buboy?" Pakiusap nito." Sige, okay lang." Sagot naman ni Leah. Maagang gumising sina Buboy at Leah para sa meeting. Pagkatapos nilang mag-breakfast, ay nagtungo na sila sa eskwelahan. Kapwa nagmamadali ang dalawa dahil alam nilang mabigat ang traffic kapag araw ng Lunes. Sa halip na mag-jeep ay nag-LRT na sila para mas mabilis makarating sa school. Siksikan ang paseho sa LRT, mabuti at nakasingit sila sa gitnang bagon ng tren. Magkaharap sila Buboy at Leah na halos magkadikit na ang mga labi. Hindi maiiwasang magkiskisan ang katawan ng dalawa dahil sa dami ng pasahero. Nang biglang prumeno ang tren, muntikan pang madapa si Leah at agad naman siyang niyakap ni Buboy. Yun nga lang, sa dibdib agad dumapo ang kamay ng binatilyo na may bahagyang pagpisil. Napangiti lang si Buboy at imbes na magalit ang dalaga ay tiningnan lamang siya nito ng malagkit. Sa mga sandaling iyon, naghahalu-halo na ang naiisip ni Buboy at sa oras ding yaon ay bumukas na ang pinto ng tren kung saan sila dapat bumaba. Hindi makatingin si Buboy ng direkta kay Leah at hinayaan na lamang ang nangyari. Sa wakas nakarating sila ng maayos sa eskwelahan. Pumunta sila sa auditorium para sa meeting at umupo sila sa bandang likuran. Nasa kalagitnaan ng orientation ng magtanong si Buboy kay Leah. "Bakit hindi ka na hinihimatay kapag kasama mo ako?" "Baka nasasanay na kong kasama ka." Sagot ni Leah. "Sa totoo lang kapag ikaw ang kasama ko, feeling ko safe na safe ako sa'yo." Dagdag pa niya. Abot hanggang tainga ang ngiti ng binatilyo sa mga sinabi ng dalaga. Abot hanggang labi naman ang pagdaloy ng dugo mula sa ilong ni Leah. Kinapa ni Buboy ang kanyang bulsa upang kumuha ng panyo. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang panyo sa pagmamadali. "Patay." Sabi ni Buboy. "Anong patay?" Tanong naman ni Leah. "Naiwanan ko ang panyo ko sa dorm." Paliwanag niya. "Okay lang meron ako dito." Sabi ni Leah. Ngunit nang dumukot siya sa bulsa, wala rin siyang nakuhang panyo. "Patay nga." Bigkas niya. "Huwag mong sabihing wala ka ring panyo?" Tanong ni Buboy. Tumango lamang si Leah sa tanong ng binatilyo. Naisip ni Buboy na gamitin ang bulsa ng kanyang pantalon para ipamunas sa ilong ng dalaga. Sumang-ayon naman si Leah at agad na dumukdok sa harapan ni Buboy. Napansin ng isang magulang ang ginagawa nilang dalawa at sa ingay nito ay nakatawag siya ng pansin sa mga tao sa loob ng auditorium. Ang iba ay naglabas pa ng cellphone para kunan sila ng video. Dahil sa kaguluhan, nakiusyoso na rin ang punongguro ng paaralan. "Mali po ang iniisip niyo." Sabi ni Buboy. Muling umayos ng upo si Leah at nagulat na lamang sa mga taong nakatitig sa kanila. Sa sobrang hiya ay hindi na nila tinapos pa ang meeting at agad na umalis. Mula noon ay markado na sa mga mag-aaral ang mukha ni Buboy. Instant celebrity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD