Episode 8: How to Motivate?

1915 Words
"So tell me now and I won't ask again. Will you still love me tomorrow?" Yan ang bumungad sa pandinig ni Buboy noong umagang iyon. Nagising siya na wala na si Leah sa kanyang tabi. Mabuti na ang kanyang pakiramdam at handa nang magtrabaho ulit. Bumaba siya para maghanda ng almusal ngunit wala siyang naririnig na ibang ingay sa loob ng dorm. Naisip niyang baka nagsimba ang mga dalaga at iniwan siyang mag-isa. Nagpatuloy siya sa pagluluto ng pagkain para kung sakaling dumating na ang mga kasama ay agad itong may makakain. Pumanik si Buboy dala ang walis at dustpan, pagkakataon na para maglinis ng mga kwarto ng dalaga. Inuna niyang linisin ang silid ni Alex. Pagbukas niya ng pintuan, nakita niyang nakakalat ang mga maruruming damit sa lapag. Kumuha si Buboy ng basket para doon ilagay ang mga nakakalat na damit at saka nagwalis. Habang abala sa pagwawalis, napansin niya din ang mga nakakalat na DVD at mga komiks at dinampot ang mga ito upang isalansan sa lagayan. Pagtapos ay nagtungo naman siya sa kwarto ni Riley. Pagpasok niya sa loob nito, nakita niya naman ang mga wala nang laman na bote ng alak. Kumuha siya ng plastic bag para doon ilagay ang mga basyo ng bote. Halos wala naman kalat sa silid nito maliban lamang sa mga bote at ashtray na puno ng upos ng sigarilyo. Inayos niya din ang kama ng dalaga at itinupi ng maayos ang mga kumot. Sumunod naman ang kwarto ng kanyang boss, si Keisha. Madilim sa kwarto ng dalaga kaya binuksan niya ang ilaw para makita ang ayos nito. Pagbukas ng ilaw, nakita niya ang mga koleksyon ng kandila at mga garapon na may lamang binurong organic plants. Ang mga libro naman ay tungkol sa mga witchcraft. Medyo nagulat si Buboy dahil noon niya lang nalaman ang iba't ibang katangian at hilig ng kanyang mga kasama. Ang panghuli niyang nilinis ay ang kwarto ng pinakamamahal niyang si Leah (na hindi niya alam kung mahal din siya). Ang silid ni Leah ang pinakamalinis sa lahat, walang kakalat-kalat, nakaayos ng mabuti ang mga gamit at pinaghubarang damit. Ang kama ay aakalain mong hindi tinutulugan dahil sa ayos nito. At nababalot ang buong silid sa halimuyak ng pabango nito. Dahil sa wala naman masyadong lilinisin, inusisa muna ni Buboy ang mga gamit sa study table ni Leah. Naroon ang drawing book ng dalaga. Tinignan niya ito upang alamin ang naging progreso sa pagguhit nito. Sa mga unang pahina ng drawing book ay mga landscapes tulad ng paaralan, parke, simbahan, at ang bakuran ng kanilang dorm. Sa bandang gitna naman ay ang mga kinopya ni Leah mula sa kanyang drawing book. Binuklat niya ang likurang cover ng drawing book at doon ay nakita niya ang drawing ng isang lalaki na may ipinagtatanggol na babae mula sa mga estranghero. Naala ni Buboy ang mga unang araw na magkasama sila ni Leah. Mula sa pagiging ilang sa isa't isa hanggang sa lumalim ang kanilang pagkakaibigan. Habang abala si Buboy sa pagtingin ng mga gawa ni Leah, naramdaman niyang may tao sa likuran niya at nagulat siya nang bigla na lang takpan nito ang kanyang mga mata. "Sino 'to?" Ang tanong ni Buboy ngunit hindi sumagot ang taong nagtakip ng mata niya. "Sino ka?" Isa pang tanong ni Buboy. Imbes na sumagot ay hinalikan na lamang siya nito sa labi ng marahan. Nagpalitan ng halik ang dalawa nang biglang may tumapik sa balikat niya. "Oy, anong ginagawa mo diyan? Nagustuhan mo ba ang mga drawing ko?" Sabi ni Leah. Nakaidlip pala si Buboy habang tinitignan ang mga drawing ng dalaga. "Oo naman. Unti-unti ka nang gumagaling sa pagguhit." Sagot ni Buboy. Tumayo ang binatilyo at kinuha ang dala niyang walis at dustpan, pagkatapos ay lumabas na siya sa silid ni Leah at pumasok siya sa kanyang kwarto. Hindi siya mapakali kakaisip ng nararamdaman niya kay Leah. Ano ba talaga ang tingin sa kanya ng dalaga? Mahal ba siya nito o hanggang kaibigan lamang ba ang kaya nila. Bigla niyang naalala na may periodical test pala sila kinabukasan kaya dali-dali niyang inilabas ang mga aklat upang magreview. Dalawang oras na ang nakalipas ngunit wala pa ring pumapasok sa kokote ng binatilyo, marahil naghahalu-halo ang kanyang mga iniisip. Pumikit si Buboy at himinga ng malalim para makalma ang sarili. Paglipas ng ilang sandali ay bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok sa loob si Leah. Nakita niyang tulala ang binatilyo kung kaya't nagtanong siya dito. "Bakit Boy, may masakit na naman ba sa'yo?" Tanong ng dalaga. "Wala naman. Iniisip ko lang kasi ang exam bukas. Hanggang ngayon kasi walang pumapasok sa utak ko. Ayokong makakuha ng mababang grado." Sagot ni Buboy. "Alam mo kulang ka lang sa motivation. Gusto mong tulungan kita?" Sabi ng dalaga. "Basahin mo muna ang mga lectures niyo, pagkatapos ay tatanungin kita. Sa bawat tamang sagot mo ay may premyo. Okay ba yun?" Pagliliwanag ni Leah kay Buboy. At nag-umpisa na ngang magbalik-aral ang binatilyo. Naghanda ng sampung tanong si Leah at pagkalipas ng labinlimang minuto... "Time is up!" Hudyat ni Leah sa pag-uumpisa ng tanungan at humanda na nga si Buboy. "Sa anong kontinente nabibilang ang Italy? Unang tanong ni Leah. "Europe." Sagot ni Buboy. "Tama!" Sabi ni Leah habang tinanggal ang isang butones ng kanyang blouse. "Ano ang kabisera ng Italy?" Pangalawang tanong ng dalaga. "Rome." Sagot ulit ni Buboy. "Tama!" Sabi ng dalaga habang tinatanggal ang ikalawang butones ng blouse. Nagpatuloy si Buboy sa pagsagot ng tama sa mga katanungan ni Leah hanggang sa panty na lang ang natirang suot nito. "Ang galing! Perfect mo ang sampung tanong." Pagpuri ni Leah kay Buboy. "Paano yun? Wala ka na sa school baka magkamali ako." Nag-aalalang sagot ni Buboy. "Ganito. Dapat isipin mong palagi na ako ang unang matutuwa sa bawat tama na isasagot mo sa exam." Sabi ni Leah. At nabuhayan naman ng loob ang binatilyong inspirado. Lunes. Masayang pumasok si Buboy sa eskwela at handa nang harapin ang mga pagsubok. Dumating ang teacher na magbabantay sa kanilang klase, pagkababa ng mga gamit nito sa lamesa ay agad na ipinamahagi ang mga test papers. "Please get one ang pass." Sabi nito sa klase. Pagtanggap ni Buboy ng test paper ay agad niya itong sinagutan nang walang pag-aalinlangan. Kahit saan tumingin si Buboy ay nakikita niya ang maamo at magandang mukha ni Leah. Natapos ni Buboy nang maaga ang kanyang pagsusulit at pinauwi din siya nang maaga. Habang pababa siya ng hagdan ay may biglang tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Joan na humahabol sa kanya. "Sandali lang Boy!" Pigil ni Joan kay Buboy. Huminto sa paglakad si Buboy at hinintay ang nagmamadaling kaklase. "Bakit hindi ka nagpunta sa bahay noong Sabado?" Tanong ni Joan. "Nagkasakit kasi ako e. Kahapon lang nawala ang lagnat ko. Pasensiya ka na." Tugon ni Buboy. "Sige, mauna na ko ha. Madami pa kasi akong gagawin sa dorm." Dagdag pa niya. Sumakay agad ng jeep si Buboy paglabas ng eskwelahan. Magbabayad na sana ng pasahe si Buboy nang biglang may nagsalita. "Bayad po ng isa pang estudyante." Nang tignan ni Buboy kung sino ang nagbayad, nakita niya si Keisha na maraming dalang pagkain. Sabay silang bumaba sa jeep at kinuha ni Buboy ang mga dala ni Keisha. "Mabuti na lang nakasabay kita. Kung hindi, mahihirapan ako sa mga dala ko." Sabi ng dalaga. Napangiti si Buboy. "Kumusta nga pala ang exam mo?" Tanong ni Keisha habang naglalakad sila. "Ayos naman ate. Nasagutan ko ng maayos ang mga tanong." Sagot ng binatilyo. "Siyempre naman. Sino bang di matututo kapag si Leah ang nagtuturo? Kayo na ba?" Pabirong tanong nito kay Buboy. "Hayaan mo, may regalo naman ako sa'yo sa birthday mo." Dagdag pa ng dalaga. Hindi nagsasalita si Buboy pero bakas ang ngiti sa kanyang mukha. Pagpasok nila sa dorm ay nagtungo agad si Buboy sa kusina para ihanda ang mga dala nilang pagkain. Pagkatapos ay tinawag niya na ang mga dalaga para sa hapunan. Habang nasa hapag ang lahat, tinanong ni Leah si Buboy tungkol sa exam nila. Habang ikinukwento niya ang mga panyayari ay napansin ni Leah ang tumulong sarsa ng manok sa mga labi ng binatilyo. Pinunasan niya ito ng kanyang mga daliri. Nagkatinginan naman ng may halong ngiti at malisya sila Alex, Keisha, at Riley nang makita ang ginawa ni Leah. Habang naghuhugas ng pinggan si Buboy ay pumanik na ang mga dalaga sa kani-kanilang silid upang magpahinga. Natapos na din si Buboy sa mga ligpitin at bago pumanik ay sinugurado munang naka-lock ang mga pinto ng dorm. Kinabukasan, sa ikalawang bahagi ng pagsusulit ay tila walang kahirap-hirap ang pagsagot ni Buboy sa mga tanong. Dala niya pa rin sa kanyang isipan ang mga binilin sa kanya ni Leah. Natapos ni Buboy ng mabilis at matiwasay ang mga pagsusulit at maagang umuwi sa dorm. Makalipas ang ilang oras ng pagpahinga ni Buboy, muli niyang binasa ang kanyang mga notes para tignan kung may nakalimutan ba siya sa mga napag-aralan. Pagkatapos ay pumikit siya at nanalangin. Nagpasalamat siya sa Dios dahil sa pagbibigay sa kanya ng mga taong mapagmahal at matulungin sa kapwa. Labis ang sayang nadarama ni Buboy dahil kahit wala na ang kanyang mga magulang ay nagkaroon naman siya ng bagong pamilya na handang ibigay ang buong suporta sa kanya. Ilang sandali pa ay dumating isa-isa ang itinuturing niyang mga ate bukod kay Leah na talagang nagpapasaya at nagbibigay inspirasyon sa buhay niya. Masayang sinalubong ni Buboy ang mga dalaga at sabay-sabay silang naghapunan. "Pwede po ba tayong manalangin bago kumain?" Tanong ni Buboy sa kanila. Tumayo naman ang mga dalaga at iniyuko ang mga ulo. Nagpasalamat si Buboy sa mga pagkain na kanilang pagsasaluhan sa gabing yaon at pagtapos ay umupo na sila para kumain. "Ibang klase talaga si Leah." Sabi ni Riley. Napatingin naman si Leah kay Riley na para bang nagtataka. "Anong pinakain mo kay Buboy? Di naman siya ganyan dati. Nag-level up na siya ngayon." Natatawang sabi ni Riley. "Hindi. Naisip ko lang na dapat maging mapagpasalamat ako sa Dios dahil nakilala ko kayo. Tsaka sa pag-aalaga niyo sa akin lalo na noong nagkasakit ako." Sagot naman ni Buboy. "Magpasalamat ka kay Leah. Siya talaga ang lubhang nag-aalala sa'yo noong may sakit ka. Ayaw niya talaga mawalan ng jowa." Pang-aasar pa ni Riley. "Tama na nga yan. Alam mo Buboy, napakaswerte din naman namin na dumating ka dito sa dorm. Bukod sa nabawasan ang mga gawain namin ay nagkaroon pa kami ng nakababatang kapatid." Sabi ni Keisha. "Group hug!" Anyaya naman ni Alex sa lahat. At nagyakapan nga silang lima sa sobrang tuwa. Lalo na si Buboy na sa mga sandaling iyon ay nakasiksik sa walong malalambot at mababangong s**o. Matapos ang hapunan, pumanik na sila sa kani-kanilang kwarto upang magpahinga. Si Buboy ay nagpunta muna sa CR at naglinis ng katawan niya. Habang naliligo siya ay naririnig niyang nagsasalita ang mga babae sa kabilang kwarto ngunit hindi maliwanag ang mga sinasabi. Natapos sa paglilinis ng katawan si Buboy at lumabas na sa banyo. Tumapat siya sa pinto ng silid ni Alex at pinakinggan ang sinasabi. Narinig niyang nagdarasal ang dalaga at gayun din naman ang iba pa. Pumasok si 6sa kanyang kwarto at napapangiti. Masaya siyang kahit sa maliit na bagay ay naituro niya sa mga dalaga ang halaga ng pagpapasalamat sa mga biyayang tinatamasa nila. Pinagpag ni Buboy ang kanyang higaan at inayos ang nakalatag na kumot nito. Humiga si Buboy at bago tuluyang matulog ay muling nanalangin para sa buong araw na karanasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD