Episode 11: Beautiful Goodbye

2642 Words
Lumabas sila Buboy at Leah ng hotel at nagtungo sa bus terminal pabalik ng Maynila. Hindi pa rin kinikibo ni Buboy ang nobya at pagsakay ng bus ay hindi tumabi sa dalaga. Nagtataka si Leah na naiinis dahil sa ipinapakita sa kanya ni Buboy. Naupo si Buboy sa tabi ng bintana samantalang si Leah naman ay nakaupo sa kabilang side ng bus. Bago umandar ang sinasakyan ay may umakyat pa na pasaherong lalaki at tumabi kay Leah. Nililingon ng dalaga ang kanyang nobya ngunit nakatanaw lang ito sa malayo. Biglang kinausap ng lalaking pasahero si Leah, nang tignan niya ito, naalala niya na ito din ang lalaking nakilala niya sa dance ball ng hotel. Nakikipag-usap naman ang dalaga ngunit limitado lang ang kanyang pagsasalita dahil alam niyang masama ang intensyon nito sa kanya. Nang hindi na makapagpigil, tumayo si Leah at lunmipat sa tabi ni Buboy pero hindi pa rin siya pinapansin nito. Patuloy sa pangungulit ang lalaki, hahawakan pa siya nito ngunit mabilis na naiiwas ni Leah ang kanyang kamay. "Sige na, pagbigyan mo na ko. Isang araw lang naman ang hinihiling ko." Sabi ng estranghero. "Kakain lang tayo sa labas at manonood ng sine." Dagdag pa niya. Inaantok na si Buboy pero nanumbalik ang kanyang ulirat nang marinig ang pangungulit ng lalaki kay Leah. Tumayo si Buboy sa pagkakaupo at walang sabi-sabing tinadyakan sa dibdib ang lalaki. Nang bahagyag napahiga ang lalaki sa upuan, sinundan pa ni Buboy ng malalakas na suntok sa mukha ang lalaki. Napansin ng konduktor ang nangyayari kung kaya't lumapit ito sa kanila at inawat ang galit na galit na binata. "Pababain mo yan kuya. Bastos yang hayup na yan!" Galit na sabi ni Buboy sa konduktor. "Pag hindi niyo pinababa yan pati kayo irereklamo ko." Dugtong pa niya. Sa takot ng konduktor na madamay sa iskandalo ay pinababa na lamang niya ang pasaherong nanggugulo. Inawat naman ni Leah si Buboy at hinila pabalik sa kanyang upuan. "Yun ba yung gusto mo? Siya yung ipapalit mo sakin?" Mahinang pagtatanong ng binata kay Leah. "Ganon mo ba ako nakilala Boy? Yun ba ang tingin mo sakin?" Umiiyak na sinabi ng dalaga sabay baling ng tingin sa iba. Hindi nag-uusap ang magkasintahan hanggang sa makauwi sila sa dorm. Nagkulong lamang si Buboy sa kanyang kwarto upang makaiwas sa away nilang dalawa. Si Leah naman ay nag-aayos ng kanyang mga damit at inilalagay sa bag. Sa pagkakataong ito, naisip ni Leah na umuwi muna sa kanyang pamilya para mabigyan niya ng peace of mind ang nobyo. Napagod ang dalawa sa biyahe at tuluyang nakatulog sa kani-kanilang silid. Lumipas ang buong magdamag na walang nagpaparaya sa kanila para makipag-ayos, first time nilang masaktan at makasakit ng feelings ng iba. Madaling araw na nang maalimpungatan si Buboy, lubos ang pag-iisip niya para sa kanilang dalawa ni Leah. Mahal na mahal niya kasi ang dalaga at natatakot na mawala ito sa kanya. Lumipas ang mga oras at hindi na nakatulog ang binata sa sobrang pag-iisip. Bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ni Buboy mula sa pagkawala ng kanyang ina at abandunahin naman ng kanyang ama. Wala nang masandalan si Buboy noong mga panahong yaon. Mabuti na lamang at madiskarte kaya siya nakaalpas sa mahirap na buhay sa kalye. Sumikat ang magandang araw kinabukasan. Bumangon na si Leah at bumaba sa kusina para magkape. Pagkatapos ay hinugasa ang tasang ginamit atsaka nagtungo sa banyo upang maligo. Habang naliligo si Leah, iniisip niya kung tama ba ang kanyang gagawin, mas minabuti niyang umalis muna para maiwasan ang paglala ng away nila. "Totoo palang mahirap ang pumasok sa relasyon. Mabuti pa noong mag-isa lang ako e." Bulong nito sa isip niya. Pagkatapos maligo ay nagbihis na si Leah, makalipas ang ilang minuto ay muli niyang tinignan kung wala na ba siyang nakalimutang dalhin. Lumabas ang dalaga sa kanyang silid dala ang kanyang bag. Napatingin siya sa pintuan ng kwarto ni Buboy, naalala niyang bigla ang masasayang oras at araw na magkasama sila ng nobyo kaya naman nagpasya siya na magpaalam ng maayos dito. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at pumasok sa loob. "Boy, uuwi na muna ako sa amin. Ikaw na muna ang bahala dito sa dorm. Babalik din ako pagtapos ng bagong taon. Tsaka sorry nga pala ulit." Paalam ni Leah. Ngunit walang Buboy na sumasagot kaya binuksan niya ang ilaw para gisingin ang binata. Lumiwanag ang kwarto at nakita niyang nakaupo si Buboy sa sulok na nakayuko ang ulo. Iaangat niya sana ang ulo ng binata nang maramdaman niyang inaapoy ito ng lagnat. Nataranta ang dalaga at agad na kumuha ng gamot. Pumunta siya sa kunsina at nag-init ng tubig upang mapunasan ang katawan ni Buboy. Pagbalik niya sa kwarto ay inihiga niya ng maayos ang nobyo, pinainom niya ito ng gamot atsaka pinunasan ang mainit na katawan. Pinalitan niya rin ito ng damit at kinumutan ang kalahati ng katawan. Balisa si Leah at nakukunsensiya sa mga nangyayari at walang magawa kundi ang umiyak na lamang. Sige ang paghingi niya ng tawad kay Buboy. "Sorry. Hindi ko alam na masasaktan ka sa nagawa ko." Sabi ng umiiyag na dalaga. Hinalikan niya ang nobyo at humiga sa tabi nito. Kinuha niya ang kamay at ipinulupot sa kanyang katawan. Nakatulog si Leah sa tabi ni Buboy. Nagising naman ang binata pagkalipas ng ilang oras. Tinignan niya sa mukha si Leah at pinunasan ang mga luha nito. Hinalikan niya ito sa labi habang hinahaplos ang mahabang buhok. Nagising naman si Leah sa init ng hangin na lumalabas sa bibig ni Buboy. Kinapa niya ang noo nito upang alamin kung nilalagnat pa. Bahagyang nabawasan ang init ng binata ngunit nanghihina pa rin ang katawan. Patuloy sa paghaplos si Buboy sa buhok ni Leah. "Ang hirap pala ng ganito, dapat hindi ko ipinikit ang sarili ko sa'yo." Bulong ni Buboy. "Huwag kang magsalita ng ganyan. Nasasaktan lang ako." Sagot naman ni Leah. "Mas mabuti pa noong natatakot ka pang lumapit sa akin. Masaya na ako kahit sa ganung bagay lang." Paliwanag pa ni Buboy. "Ikaw ang nag-alis ng takot ko Boy. Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya. Panatag ako sa tuwing kasama ka." Sabi ni Leah. "Pero sa tingin ko talagang hindi pa tayo handa sa ganito. Pareho lang tayong masasaktan at mahihirapan." Bulong ni Buboy sa kanyang nobya. "Anong ibig mong sabihin? Ayawan na Boy?" Tanong ni Leah. Inabot ni Buboy ang kanyang cellphone at nag-swipe ng letter "L" sa lock screen upang buksan ito. "Ang dali naman ng password mo, madaling mananakaw ang cellphone mo." Puna ng dalaga. "Maaring manakaw nila ang cellphone ko pero lahat ng memories at pagmamahal ko sa letter "L" na yan, hindi mawawala hanggang kamatayan." Pagpapaliwanag ni Buboy kay Leah. Binuksan ni Buboy ang music player sa cellphone at nagpatugtog ng kanta... "Ito na ang ating huling sandali, di na tayo magkakamali. Kasi wala ng bukas, sulitin natin ito na ang wakas. Kailangan na yata nating umuwi." Unang verse ng kantang "Huling Sayaw" ng Kamikazee. "Hawakan mong aking kamay bago tayo maghiwalay. Lahat-lahat ibibigay, lahat-lahat..." Kinanta ni Leah ang linya ni Kayla habang umiiyak. "Huwag Boy. Huwag mo kong iiwan please. Sorry na talaga, di ko na uulitin." Pagmamakaawa ni Leah kay Buboy. Hinalikan lamang ng binata sa labi ang kanyang nobya habang gumugulong ang luha sa kanyang pisngi. Pumasok naman si Leah sa loob ng suot na t-shirt ni Buboy hanggang sa magdikit ang kanilang mga labi. "Huwag mo akong iiwan ha?" Sambit ng dalaga. "Hindi naman ako mawawala. Lagi lang ako sa tabi mo." Tugon ni Buboy. Walang ginawa ang dalawa kundi maghalikan at mag-iyakan sa buong araw hanggang sa nakatulog sila sa papag. Kinaumagahan, nagising si Leah nang mag-ring ang cellphone niya. "Leah, kumusta ka? Nandito ako sa terminal ng bus. Pwede mo ba akong sunduin?" Tumawag si Keisha para magpasundo kay Leah. "Sige, hintayin mo lang ako diyan mag-aayos lang ako." Sagot naman ni Leah. Agad siyang nagpunta sa banyo at oara maghilamos at magsepilyo, pagkatapos ay nagbihis siya ng pang-alis at agad na nagpunta sa terminal ng bus. "Boy, wait lang ha. Babalik ako agad." Sigaw ni Leah bago lumabas ng dorm. Tatlumpung minuto at narating ng dalaga ang terminal ng bus. Nakita niya si Keisha na kumakaway sa kanya. Nilapitan niya ito at niyakap. "Kumusta ka na? Akala ko after new year's eve ka pa babalik, napaaga naman ata ang uwi mo? Urirat ni Leah sa kaibigan. "May emergency lang kaya kailangan ko na bumalik." Sagot naman ni Keisha. Pumara sila ng taxi at nagpahatid sa dorm. Ilang sandali pa ay nakauwi na ang dalawa sa dorm. Tinulungan ni Leah si Keisha sa pagbubuhat ng mga bitbit nito papasok sa loob. "Boy nakapagluto ka na ba? Nandito na ang ate Keisha mo." Sigaw ni Leah. Walang sumasagot sa kanya. "Siguro nagpapahinga lang. Masama kasi ang pakiramdam niya kahapon." Dugtong ni Leah. Lumapit si Keisha sa kanya at yinakap siya nang mahigpit. Nagtataka si Leah sa reaksyon ni Keisha. "Namiss mo na ko 'no?" Tanong ni Leah. "Wala na si Buboy." Ang naging sagot ni Keisha. Biglang natigilan sa pagsasalita si Leah na para bang binagsakan ng langit at lupa sa mga narinig. Ilang saglit pa ay pumalahaw na siya sa pag-iyak. Hindi lubos-maisip ni Leah na yun na pala ang dulo ng langit nila ni Buboy. Walang closure at wala man lang paalam... Dinamayan siya ni Keisha hanggang sa tuluyang kumalma. "Walang mali sa pagmamahalan niyo. Napansin ko na agad yun nung unang dating pa lang ni Buboy dito sa atin. Alam kong magiging kayo, hindi pa nga lang siguro tama ang panahon para sa inyo. Pero malay naman natin diba?" Payo ni Keisha sa kaibigan. Inilabas ni Keisha ang kanyang cellphone at ipinabasa ang huling message ni Buboy sa kanya. Nabanggit doon ng binata na kung sakaling dalawin ng lungkot si Leah ay buksan lamang ang kanyang cellphone at i-explore ito. Pagkatapos mabasa ay pumanik agad ang dalaga at nagkulong sa kwarto ni Buboy. Parang mababaliw sa lungkot si Leah at muling pumalahaw ito ng iyak. Hinayaan muna ni Keisha na mapag-isa si Leah. Dinadalhan lamang niya ito ng pagkain at kinakausap araw-araw. Madalas ay dinadaan na lang ng dalaga sa pagtulog ang lungkot. Nagdaan ang pasko at bagong taon na wala si Buboy sa tabi ni Leah. Ang mga araw ay naging buwan, ang mga buwan ay naging taon, unti-unting napapawi ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ni Buboy. Nakatapos ng kolehiyo ang mga dalaga sa dorm ni Keisha. Si Alex ay isa nang registered nurse, si Riley naman ay isang accountant sa isang accounting firm. Si Keisha ang nagmana ng kanilang mga paupahan at si Leah ay nagtatrabaho na sa isang modeling agency hindi bilang model kundi isang event coordinator. Samantala, sa kahabaan ng Recto Avenue naglalako ng doughnut si Buboy. Sariling luto niya ito. Ipinuhunan niya ang kanyang naipong sahod sa pagtatrabaho bilang isang butler. Napapaikot ng maayos ni Buboy ang pera at nagagamit niya din sa pag-aaral. First year college na siya at kumukuha ng kursong hospitality management. May kataasan ang tuition fee niya kaya naman doble kayod si Buboy para matustusan ang kanyang pag-aaral. Pagtapos ng kanyang klase ay diretso na siya sa talyer at natatrabaho bilang isang carwash attendant. Malaki ang nakukuhang tip ni Buboy dito dahil bukod sa galing niyang makitungo sa mga customer at sa kagwapuhang taglay nito. Gumanda ang pangangatawan ng noo'y patpatin na binatilyo at hindi maiwasan na may mahumaling sa kanyang mga customer na nagpapalinis ng kanilang sasakyan. Isa na dito si Mrs. Tanaka. Isang biyuda na nasa mid 30s pa lamang. Nakapag-asawa ng isang milyonaryong hapon ngunit maagang nabiyuda nang mamatay ang asawa sa sakit na cancer. Umuwi ng Pilipinas si Mrs. Tanaka at nagtayo na lamang ng japanese restaurant Mag-isa lang ito sa bahay at ang tanging kasama niya ay ang mga katulong. Madalas nitong iniimbitahan si Buboy ngunit hindi siya mapagbigyan nito dahil sa mahigpit na schedule. Malaki ang nabago sa buhay ni Buboy simulannang umalis siya sa dorm. Mas naging responsable at dedicated sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Pero sa kabila ng lahat ay hindi pa rin niga nakakalimutan si Leah. Palagi niya itong isinasama sa kanyang mga panalangin bago niya ipikit ang kanyang mga mata. Ang talyer ni Sir Eric ang naging tahanan ni Buboy. Doon siya naliligo, natutulog, at nagluluto ng kanyang paninda. Mabait sa kanya ang amo dahil sa wala naman itong pamilya at sa nakikita niyang pagsisikap sa buhay ng binata. Magkasundo sila sa lahat ng bagay maliban lamang sa pagiging babaero ni Sir Eric. Madalas itong umuorder ng babae sa online casa sa tuwing katapusan ng buwan na hindi naman kinahiligan ni Buboy. Gayunpaman ay lubos siyang nagpapasalamat sa mga tulong na ibinibigay sa kanya ng amo. Ilang araw bago sumapit ang ika-labingsiyam na kaarawan ni Buboy, nag-anunsiyo na si Sir Eric na magkakaroon ng handaan sa talyer para ipagdiwang ang birthday ng binata. Dumating ang araw na iyon. Umaga pa lang ay abala na ang lahat sa paglilinis ng talyer para maging maaliwalas ang itsura nito para sa party ni Buboy. Nagkukuskos si Buboy ng malumot na sahig nang lapitan siya ng kanyang amo. "Boy, huwag kang magpakapagod, baka hindi mo na ma-enjoy ang regalo ko sa'yo mamaya." Wika ni Sir Eric. "Ano po bang regalo yan boss" tanong ni Buboy. Tumawa ng malakas ang kanyang amo. "Basta. Malalaman mo na lang mamaya. Hahaha." Sagot nito sa binata. Sa kabilang dako. Nakatanggap ng text message si Leah mula sa isang model na nangangailangan ng tulong. Tinawagan ito ng dalaga para linawin ang mga sinasabi. "Saang lugar ba yon? Siguraduhin mong wala akong ibang gagawin dun ha? Sige pupunta ako ng 10 PM." Sabi ni Leah sa taong kausap niya sa telepono. Sa talyer, naglalatag na ang mga bataan ni Sir Eric ng mga lamesa para sa handaan habang si Buboy at ang kanyang amo ay nagsisimula nang mag-inuman. "Basta pangako mo sakin na magtatapos ka ng pag-aaral ha? Alam mo namang parang anak na ang turing ko sa'yo kaya make your daddy proud." Pakiusap ni Sir Eric kay Buboy. Nag-ring ang cellphone ng amo at agad na sinagot ang tawag. "Ano, bakit naman hindi makakarating? Ah, mabuti naman at may kapalit. Ayokong mapahiya sa bata ko..." Sabi ni Sir Eric sa kausap at binaba na ang tawag. Nagpatuloy sila sa pag-iinuman hanggang sa abutan na sila ng dilim. Oras na para maligo si Buboy at maghanda para sa kanyang party. Alas ocho nang magsimula ang kasiyahan. Kumanta ng happy birthday ang mga kasamahan ni Buboy paglabas niya sa opisina ng talyer. Pumapalakpak naman si Buboy sa sobrang galak at hindi matigil sa pagpapasalamat. Napayakap pa siya kay Sir Eric habang nagpapasalamat ang binata. Kantahan, kwentuhan, kainan, at kulitan ang kanilang pinagkakaabalahan sa mga oras na iyon. Maya-maya pa ay may itim na kotse ang pumarada sa tapat ng talyer. Pinuntahan ito ni Sir Eric upang siyasatin. Pagkaraan ay bumaba ang isang seksing dalaga at inalalayan pa ng amo ni Buboy papunta sa kinauupuan niya. "Boy, ito nga pala ang regalo ko." Sabi ni Sir Eric. Tinginan lahat ng kasamahan sa maganda at seksing dalaga na nasa harapan ni Buboy. "Happy birth..." Naputol ang pagbati ng dalaga sa celebrant nang mapansin niyang pamilyar sa kanya ang itsura at kaagad na lumabas sa talyer. Hinabol siya ni Buboy sa labas. "Sandali lang miss. Kumain ka muna." Habol ni Buboy sa dalaga. Patakbo na sana ang babae nang maabutan siya ni Buboy at hinawakan sa kamay. Nagulat si Buboy nang tignan siya ng dalaga at hindi na nakapagsalita pa. Si Leah ang babaeng ireregalo sa kanya ni Sir Eric. Bumitiw si Buboy sa pagkakahawak sa kamay ng dalaga. "Ate?" Ang tanging nasabi ni Buboy. Agad namang pumara ng taxi ang dalaga at nagpahatid ito pauwi. Di makapaniwala si Buboy sa nakita. Nagpunta siya sa isang bar at doon sinolo ang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD