"Sandali, ang tanghalian ni Ma'am hindi pa rin nakakainok ng gamot anong oras na!" Dali-dali nang tumayo si Ate Marsha. "Panay kasi tayo chismis! Malagot pa tayo nito baka pagdating ni Ser Ross maabutan niya pang hindi pa kumakain si Ma'am!" saad naman ni Ate Linda kaya hindi ko napigilan 'di ang matawa sa pagka-aligaga nila. I just sighed. Kapag kasama ko ang dalawang ito nakakalimutan ko ang problema ko... masaya silang kausap, nakakalibang kasama. "It's okay take your time," I said not to rush. "Sandali lang Ma'am ah? Maiwan ka muna namin," paalam na ni Ate Marsha at sabay nang lumabas ng silid at nagtulakan pa. Napa-iling na lang ako at ang ngiti ko'y napalis nang muli akong mapag-isa. Everything is not doing well... Idagdag pa ang Silas na iyon. Nahilot ko tuloy ang sintido ko n