THIRD PERSON'S POV "Linda, nag-gatas ka ba kagabi?" tanong ni Marsha sa kapapasok lang sa kusina na si Linda. Nangunot naman ang noo nito. "Hindi, bakit? Maaga ako natulog kagabi. Baka si Ma'am?" sagot ni Linda nang makalapit sa kanya. "Baka nga, pero ba't iniwan lang dito sa ibabaw? Nakita ko kasi kanina paggising ko dito ako dumiretso may malamig nang gatas sa tasa. Mukang 'di nagalaw tapos natapon pa. Sinimpan ko na kanina nang madatnan ko. Tapon-tapon pa rito sa kusina." May pagtataka man hinayaan na lang. "Baka sa antok eh nakalimutan nang inumin," palagay naman ni Linda. "Eh hayaan mo na gatas lang naman iyan." Nagkibit balikat na lang sila pareho at naghanda na ng umagahan para kina Antice at Silas na ngayo'y kasalukuyang magkayakap sa kama, parehong walang saplot at tanging ku