Third Person POV Dahan dahan at maingat na ihiniga ng binata ang dalaga. He was staring at her face while she's sleeping. Kahit na naka pikit ay namumula pa rin ang mga mata nito, napatitig roon ang binata at mula sa kaliwang mata ay mabilis na tumulo ang luha ng dalaga. Malalim siyang napa hinga. Saka dahan-dahan na iginilid ang mga buhok ng dalaga na humaharang sa maganda niyang mukha, itinabi niya ito sa likod ng kaniyang tainga. nanatili siyang nakatitig kahit ilang minuto na ang lumipas, saka niya lamang napagpasiyahan na tumayo. Tumalikod siya at paalis na nang bigla ay mabilis na hinawakan ni Babi ang kamay niya. Nagtakha pa siya, ngunit nang makitang naka pikit pa rin ang dalaga ay napa buntong hininga na lamang siya. Mabilis nitong iniling-iling ang mukha na parang sinasabi n