Babi's POV Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng malinawag at mainit sa aking balat kaya naman ay wala sa sariling napadilat ako ngunit mabilis rin akong napapikit ng mata dahil sa matinding liwanag at sinag ng araw. Mabilis kong naitakip ang mga kamay ko upang iharang sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan akong umusod paabante upang tumakas sa sinag ng araw ngunit kahit anong siksik ko ay hindi ko rin matakasan ang sinag ng araw kaya naman ay inis akong napa upo upang silipin kung Anong nangyari sa kurtina. Napatampal na lamang ako sa aking noo ng makita kong naka lilis ang kurtina dahilan kung bakit nasisinagan ng araw ang kinahihigaan ako. Inis akong napa buntong hininga at saka mabilis na tumayo upang ayusin ang kurtina. Nang maayos na ay mabilis akong buma