"God! Kier, kilabutan ka nga! We're siblings!" kay laki ng mga hakbang kong tinungo ang pintuan niya ngunit kay bilis niyang nakasunod sa akin. Just when I held on his door knob ay ang paghawak niya rin sa kamay kong nakahawak na siradura, pinipigilan niya akong buksan ito.
"Kier! Ano ba! May exam pa ko bukas, kailangan kong mag-aral!" medyo napalakas ang boses ko ngunit sapat lang na 'di marinig ng mga tao sa labas ng kanyang kwarto.
"I'm sorry. I'm just confused, okay." ramdam ko ang takot sa boses niya, hindi ko alam kung bakit o para saan. Ramdam ko ring naguguluhan siya katulad ng nararamdaman ko ngayon.
"Just forget what I said. Erase it in your mind. I'm sorry…"
"Okay… Can I go to my room now?"
"Will you promise first na 'di ka magbabago? Na 'di mo ko iiwasan?"
"How would I? We're siblings right? We live on the roof and if I do that, mom and dad would probably notice." napatingin ako sa kanya ng malalim itong napabuntong hininga. When I looked at him in his eyes, I saw a lot of emotions, the fear was still there, the confusion and the…
Pain.
Probably he was scared that I might avoid him o kaya'y magbago ang pakikitungo ko sa kanya. Nakaramdam ako ng awa, maging ako ma'y nasaktan sa nakikita ko sa kanya.
Dahan-dahan kong binawi ang kamay kong hawak niya. Bahagya itong nabigla ng nilusot ko ang magkabilang kamay ko sa ilalim ng mga braso niya sabay sandal ng ulo ko sa dibdib niya. Napapikit ako ng madama ang init ng katawan niya, I hugged him. And yes, just like him, I also missed him this close. It always feel so good. Dinig na dinig ko ang t***k ng puso niya, kay lakas ng sipa, kay bilis ng takbo. Pinahinga ko lang ang sarili ko sa dibdib niya, just like before… noong nakakaramdam ako ng takot, ng pagkabahala… nagpapakulong lamang ako sa mga bisig niya and then, I feel safe… Maging ito man sa akin, we always found comfort in each other's arm.
Hanggang sa unti-unting kumalma ang t***k ng puso niya, ng puso naming dalawa. Nakayakap ang isang kamay nito sa likod ko habang ang isa niyang kamay ay marahang nakahaplus sa buhok ko.
"Mahal mo ko dahil kapatid mo ko, hindi lang kapatid kung hindi kaibigan, best friend, masasandalan, kakampi… yun lang yun Kier, walang ibang ibig sabihin ang nararamdaman mong iyan. Don't be confused about the love you feel for me, it's just a pure brotherly love…"
Lumipat ang kamay nitong nakahaplus sa buhok ko sa likuran ko at mahigpit niya kong niyakap.
"You're right… this is just pure brotherly love…"
Kay lalim na ng gabi ngunit heto ako't gising pa rin ang diwa. Kay ilap ng antok sa akin, nakailang baling na ako at palit ng posisyon ngunit nanatiling masigla ang mga mata ko. 'Di rin ako nakapag-aral dahil laging inaagaw ang isip ko sa mga salitang lumabas sa bibig ni Kier. Is it really possible for a person to fall in love to his or her sibling? We may be just a teenager ngunit alam namin pareho na sobrang mali ang magkakagusto sa sariling kapatid.
We tried to go back to the way we used to be as if none of those words from him had been thrown.
I was with Kimberlee, my girl best friend. We were heading to the canteen upang bumili ng snacks, it was our morning break time.
We fall in line hanggang sa dumating ang turn naming dalawa. I only bought a sandwich and orange juice. I swiped my I.D. card to pay. Kimberlee ordered the same.
I was talking with Kim while she was eating her sandwich. Pabalik na kami ng classroom. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang napatigil rin si Kim. Napatulala ito habang naiwan ang sandwich sa kanyang bibig. Sinundan ko ang nakakuha sa kanyang atensyon. Napadako ang tingin ko sa isang estudyante. Mukhang transferee yata ito dahil ngayon ko lang ito nakita.
"Ang gwapo, s**t!" rinig kong bulungan ng mga babaeng estudyante sa canteen.
"Totoo nga ang gwapo niya at ang astig pomorma." saad pa ng isa pa.
"Rios, right? Pati name nakaka-fall."
Hindi ako nagbawi ng tingin ng mag-kasalubong ang mga mata naming dalawa. Papalabas kami habang siya nama'y papasok ng canteen. Kay riin ng mga titig niya, ni ang kumurap ay 'di nito nagawa. He was seriously staring at me, walang ekspresyon ang mukha. Hindi ito tumigil sa paglalakad hanggang sa lagpasan niya kami saka lamang ako nagbawi ng tingin.
"Ang gwapo." wala sa sariling sambit ni Kim. Nilingon pa nga niya ang sinasabi nitong Rios. Napalingon rin ako. Nakaupo na ito sa isa sa mga tables ng canteen, muli'y napatitig ako sa mga mata niya ng paglimgon ko'y nasa direksyon namin ang tingin niya. Muli'y nauna akong nagbawi ng tingin sabay hila kay Kim.
"Tara na! Male-late ma tayo!" Nagpatianod sa akin si Kim ngunit panay pa rin ang lingon nito sa gawi noong bagong estudyante. Sinulyapan ko pa muli ngunit agad rin akong nagbawi ng tingin ng maglasalubong muli ang mga mata naming dalawa.
"Kirsten."
"Ay! Kier-" nabigla ako ng pagharap ko ay nasa harapan ko na si Kier nakatayo. Magkasalubong ang mga kilay nitong napatitig sa akin. His gaze was so cold at nang lumagpas ang tingin niya sa likuran ko, a glimpse of danger walk through his eyes. Sinundan ko ang kanyang mga tingin nakita ko ang pakikipagtagisan niya ng tingin kay Rios. Kay riin at kay sama ng pagkakatitig niya rito habang si Rios ay kalma lamang ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Kinuha ko na ang atensyon ni Kier bago pa man may mangyari.
"Let's go." Nilusot ko ang isang braso sa tagiliran niya, lumapat ang katawan ko sa katawan niya, napaatras siya ng umabante ako, buti at nagpatianod lamang siya sa akin. Lumipat siya sa tabi ko pinagitnaan nila ako ni Kim, napatingin ako sa kanya ng bumaba ang kamay nito sa baywang ko sabay hapit sa akin palapit ngunit ng tingnan ko siya ang mga mata niya'y nanatiling nakatitig kay Rios.
"Kier, can you help me with this?" Sinadya kong kunin ang atensyon niya. Kay bilis na nalipat ang atensyon niya sa akin. Tinaas ko ang orange juice, kinuha niya ito mula sa kamay ko, tinanggal nito ang straw sa gilid at tinusok sa juice ko. "Thank you."
"Who was that?" biglang tanong niya.
"Rios daw name niya, transferee. Ang gwapo niya diba-"
"Mukhang bakulaw." malamig na putol niya sa kilig ni Kim.
"Wag ka ng magselos Kier, ikaw pa rin naman number one sa puso ko-"
"Kung mauna kayong magdismiss wag kang lumabas ng room, hintayin mo ko." pinal nitong saad sa akin. Walang paki sa pinagsasabi ni Kim. Natigil naman sa pagsasalita si Kim. Insaktong narating namin ang classroom namin ni Kimmy. "Pumasok ka na." Hinintay talaga niya kaming makapasok ni Kimmy bago siya umalis.
"Yung kapatid mo talaga may saltik sa utak no? Gwapo pero may sariling mundo." komento ni Kimmy. May idea na ako kung bakit ganun na lamang ang inasta ni Kier.
Naghintay nga ako sa loob ng classroom, nagpasama ako kay Kimmy. Maliban sa aming dalawa ay may tatlong lalaki pa kaming kasama.
Nanatili kami sa kanya-kanya naming upuan. Masaya kaming nagkwekwentuhan dalawa ng biglang napatigil muli si Kimmy, nag-angat ito ng tingin sa likuran ko, natulala na naman. "Hoy!" untag ko rito.
"Ang gwapo talaga…" wala sa sariling sambit nito. Na- curious rin ako kaya napasunod ako ng tingin sa kanya. There I saw Rios heading towards us. This time may ngiti na sa mga labi niya habang nakatitig sa akin kasama niya ang isang kaklase naming si Caesar.
"Kirsten, okay lang ba makipagkilala pinsan ko sayo-"
"Hi! I'm Kim, pwede mo rin akong tawaging love o kaya'y babe, ikaw kung saan ka comfortable." nanlaki ang mata ko sa inakto ni Kim. Buti at tinanggap naman ni Rios ang kamay nito.
"Kirsten, hindi Kimberlee!" sita naman ni Caesar kay Kim.
"Nagselos ka naman!" natawa ako sa naging banat ni Kim. Binitawan naman nito ang kamay ni Rios.
"Asa ka!"
"Rios." Natigil ang dalawa ng magsalita si Rios, nilahad nito ang kamay sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. I was about to touch it when suddenly out of nowhere Kier showed up, he grabbed my hand at pumagitna sa aming dalawa ni Rios. Kinuha nito ang bag ko at sinukbit sa balikat. Kay dilim muli ng mukha nito, mas madilim pa kanina sa canteen.
"Let's go." malamig na saad nito sabay hila sa akin patayo. Walang paki sa mga tao sa paligid.
Napatayo ako ng wala sa oras. Napasulyap ako kay Rios, nais sana nitong pigilan si Kier ngunit pinigilan siya ni Caesar sa may balikat.
Halos kaladkarin ako ni Kier palabas ng classroom. Kay laki ng mga hakabang niya, kay higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Narinig ko pa ang pagtawag ni Kim ngunit ang bingi bingihan si Kier. Kay bilis naming narating ang ground.
"Kier, sandali. Hinay-hinay lang." ngunit pati sa akin naging bingi rin siya. "Kier! Ano ba!" napatigil ito sa paglalakad ng bumitaw ako mula sa hawak niya. Napahawak ako sa isa kong kamay ng makaramdam ng sakit mula sa mahigpit niyang hawak. Masama ko siyang tinignan, lumambot naman ang mga mata nito ng dumako ang tingin niya sa kamay ko.
"Did I hurt you? I'm sorry…"
Galit na tinignan ko siya, nagpatuloy ako sa paghakabang at nilagpasan ko siya. Naiinis ako sa inaasta niya. Narinig ko ang pagtunog ng kotse. 'Di ko na siya hinintay na pagbuksan ako. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at basta na lamang pumasok sa loob. Ilang saglit lang ay pumasok na rin ito sa driver seat. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana ng kotse.
Binuhay nito ang makina. Naramdaman ko na ang lamig sa loob ng kotse.
"I'm sorry."
"Just drive. I want to go home now."
"We won't go home unless we're okay."
"What you did was so disrespectful Kier!" galit na napalingon ako sa kanya. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa steering wheel, mahigpit habang nasa harap ang mga tingin, ramdam ko ang galit na niya, bakas iyon sa nauumigting niyang mga panga.
"I've tried. I've tried to stop myself, Kirsten. " nilingon niya ko. His eyes were bloodshot. "but I just couldn't stop myself from getting jealous! I'm so f*****g jealous!"