“Stop it! Kier, ano ba?! Tumigil ka na! Utang na loob! Stop it!” Sinubukan kong muling bawiin ang kamay kong mahigpit niyang hawak ngunit bigo akong gawin iton. Binawi ko ang kabilang braso na hawak ni Rios. Sa sandaling nakawala ako ay malakas kong si Kier sa kanyang dibdib.”I said, stop it!” Bahagya siyang napaatras sa lakas ng pwesang ginamit ko ngunit ang mga mata niya’y nanatiling mariing nakatitig kay Rios, nakikipagsubukan, ayaw paawat, ayaw magpatalo. Unti-unting bumibigat ang paghinga niya, tila kay laki ng galit niya sa taong kaharap. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa isa kong kamay when his grip tightened and it did hurt me, emotionally and physically. Napatingala ako sa kanya muli. Napatitig ako sa madilim niyang mukha, bakas ang puot sa mga mata niya kahit an