Chapter 2

1475 Words
Aiana’s POV Naramdaman ko na lang na dumampi sa mga labi ko ang mainit at malambot na labi ni Gerson. Napapikit ako at saka naghintay sa anunsyon nila. “And cut! Good job, Aiana at Gerson,” sabi na ng director kaya agad kong inalis ang pagkakahalik ko kay Gerson. Yes, nag-uumpisa na ngayon ang kauna-unahang teleserye na gagawin ko sa telebisyon at ka-partner ko dito si Gerson Rosales, na sikat na sikat na actor ngayon sa buong Pilipinas. Ang suwerte ko nga dahil sa isang gaya niya agad ako nai-partner. Hindi ko deserve ito dahil kakaumpisa ko pa lang sa pag-arte. Medyo nahihirapan pa nga ako, pero ginagawa ko naman ang lahat para maging maganda ang pag-arte ko. Habang kissing scene nga ang aming ginagawa kanina ay nanginginig talaga ang mga tuhod ko. Hindi naman sa pagiging malandi at alam ko namang may asawa na ako, pero jusko, sobrang guwapo at sobrang bango kasi ni Gerson. Ako tuloy ‘yung parang nahihiya dahil alam kong binata pa siya at walang asawa tapos pumayag siya na maka-partner ako. Kinakabahan nga ako dahil alam kong mayroon kaming mga bed scene na mangyayari. Erotic romance kasi itong telerserye namin kaya hindi puwedeng walang mga hot scene na mangyari. Approve naman ito kay Claidy, pero kahit approve sa kaniya ito, alam kong may pag-aawayan pa rin kami kapag umandar na naman ang topak sa ulo niya. “Okay ka lang?” tanong sa akin ni Gerson matapos ang first scene namin ngayong umaga. Tumango ako. “Oo, medyo naiilang lang ako at alam mo na, first time kong magkaroon ng katambal na sikat at bihasa na sa pag-arte. Baka kako ma-akward-an ka sa akin at hindi pa kasi ako ganoong kagaling sa pag-arte,” sabi ko sa kaniya kaya tumawa siya. May hawak siyang tubig. Uminom agad siya. Ni hindi manlang nagmumog dahil nagkaroon kasi ng laway ko ang labi niya. Doon ko masasabing hindi siya maselang. “Don't say that, Aiana. Magaling ka, saka paano mo nasabing hindi ka magaling eh, sa tatlong movie pa lang na nagawa ninyo ni Coi Gomez ay halos bilyon na ata ang kinita. Ako nga ang nahihiya, oo at sikat na nga ako pero hindi ko pa nagagawa ‘yun, ‘yung halos isang bilyon ang kinita sa takilya, hands down ako sa iyo, Aiana. Ako ang suwerte dahil ikaw ang nakatambal ko,” sabi niya kaya lalo akong nahiya. Nagpasalamat na lang ako at saka kami naghiwalay. May next scene pa kasi ako na solo ko kaya need ko nang mag-ready. Pagdating sa tent ko, nakaramdam na agad ako ng lamig. Ang init ngayon, summer na rin kasi kaya mas gusto ko ‘yung sa indoor na lang talaga ang location. Medyo nakakahilo kasi kapag ganitong kainit tapos sa outdoor pa ang shooting. “Oh my gosh, ang hot nun, Aiana. Nainggit ako ng very, very light sa kissing scene ninyo ni Gerson, ang daming naghahangad na makahalikan siya sa labi, tapos ikaw, naka-ilang kiss ata kayo dahil sa pagkakamali mo. Sinadya mo ba ‘yun para mahalikan siya ng marami?” tanong ni Vianca kaya nakurot ko siya sa tagiliran. “Gaga, hindi ko sinadya ‘yun, talagang nahihiya at naiilang lang ako sa kaniya kaya nagkakamali ako. Isa pa, malaking usapin na naman ‘yun kay Claidy kapag nalaman niyang may kahalikan na naman akong artista, tapos ilang ulit pa. Baliw pa naman ‘yun at mahirap paliwanagan,” sabi ko. ‘Yun talaga ang dahilan kung bakit wala ako sa ulirat kanina habang nagsu-shoot. Habang ginagawa kasi namin ni Gerson ang kissing scene ay mukha ni Claidy na galit ang nai-imagine ko, kaya ‘yung dapat na sweet at masayang mukha na hinihiling ng direktor na dapat ay gagawin ko ay napalitan ng takot at pag-aalala. Kaya talagang inabot ng limang beses ang pakikipaghalikan ko kay Gerson. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya ni Gerson, mabuti na lang din at okay lang sa kaniya na ilang beses naming nagawa ang kissing scene na ‘yun. Hindi naman ako kinikilig sa kaniya, wala akong dapat ikakilig dahil kasal na ako. Hindi na ako ‘yung gaya dati na mabilis ma-aattach sa mga lalaki. ** Hapon na nang matapos ang shooting. Nakasakay na ako ngayon sa sasakyan at pauwi na sa mansiyon. Tiyak na kanina pa ako hinihintay ni Cai. Dumaan ako sa mall para ibili siya ng toy, hindi kasi puwedeng ‘di siya uuwian ng toy kapag galing ako sa labas. Pag-park ko ng sasakyan sa bahay, sakto naman na pasakay na si Claidy sa sasakyan niya. Dali-dali akong bumaba para lapitan siya. “Saan ka pupunta, Lovey?” tanong ko sa kaniya. “Sa work, ikaw lang ba ang may trabaho, siyempre ako rin.” Nagtatanong lang galit na siya agad. “Bakit masyadong late naman ata ‘yang work na ‘yan?” Nagdabog siya bigla ng pagsara ng sasakyan niya. Lumapit siya sa akin at saka ako tinignan ng masama. “Lovey, pinag-iisipan mo ba ako ng masama? Naniniwala ka na rin ba sa mga kaibigan ko na may iba ako?” Hindi agad ako sumagot. Sa totoo lang, gusto ko na ring maniwala. “Dapat nga ba?” balik kong tanong sa kaniya. “Kasi sa mga inaasta mo, parang nawala na talaga ‘yung love. Sa mga pinapakita at kinikilos mo, parang hindi mo ako asawa.” “Oh, eh, ‘di lumabas din sa bibig mo ang katotohanan na pinag-iisipan mo nga ako ng masama!” pumalakpak pa siya. Nakakagalit na rin talaga ang mga kinikilos niya. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sampalin, pero hindi ko magawa dahil alam kong galing siya sa comatose at amnesia kaya kung sasaktan ko ang ulo o mukha niya ay baka kung mapaano na naman siya. “Pagod ako, umalis ka na kung aalis ka, sige na,” sabi ko na lang at saka ko siya tinalikuran. “Lovey,” tawag naman niya agad sa akin. Dapat hindi na ako lilingon. Dapat may pride pa rin ako kahit pa paano, pero dahil mahal ko siya, lumingon pa rin ako dahil asawa ko siya at bumaba na rin ang tono ng pananalita niya. “Bakit?” mahinahong kong sabi. “Sa work ang punta ko, hindi sa pambababae kaya sana magtiwala ka sa akin. Pinakasalan kita dahil ikaw na ang mahal ko. Pinakasalan kita dahil sure na ako sa iyo. Kaya ako galit ay dahil ramdam kong wala kang tiwala. Alam mo naman ang mga pinagdaanan ko kaya sana intindihin mo pa rin ako. ‘Yun lang, sige na, pumasok ka na sa loob at kanina ka pa hinihintay ni Cai,” sabi niya kaya tumango na lang ako. Pero hindi ako nag-sorry, puro ganiyan naman kasi ang panuyo niya sa akin. Sorry at magpapaliwanag lang. Pero wala namang aksyon na ginagawa. Tumatak na kasi ‘yung sinabi sa akin ni Ate Fia na, “Pay attention to actions and never to words. Actions show, words deceive.” Pagpasok ko sa loob, nadatnan kong umiiyak si Cai. Nagtatakbo ito palapit sa akin at sinalubong ako ng yakap. “What happened, baby? Why are you crying?” tanong ko naman agad sa kaniya. “Dada yelled at me earlier, gusto ko lang naman pong makipaglaro sa kaniya,” sumbong niya sa akin kaya napailing na lang ako. “I also heard that he was talking to another woman. He said, I love you. I thought it was you, but he didn’t say the word Lovey which you always call him, so I know it’s not you.” Napatulo na lang ang luha ko. Talaga bang garapalan na ang pambabae niya? Bakit naman sa lahat nang taong makakahuli sa kaniya ay ang anak pa talaga namin? Tang-ina naman oh! Grabe na ito, hindi na ako makakapagtimpi pa. “Baby, it’s me. Nakalimutan niya lang sabihin sa dulo ang tawagan naming Lovey, pero ako ‘yun,” pagsisinungaling ko na lang sa kaniya kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako ‘yun. Ayoko lang kasi na kamuhian niya ang ama niya. Kahit gaano pa kasakit ito para sa akin, gagawin ko pa rin ang lahat para maging okay ang pamilyang ito. Binigay ko na sa kaniya ang laruan niya para matigil siya sa pag-iiyak. Tinawag ko din ang yaya niya at saka ko pinadala si Cai sa bedroom niya. Nang ako na lang ang mag-isa ay kinuha ko ang flower vase sa may sala. Ang flower vase na ‘yun ay regalo ni Tanya kay Claidy nung nakaraang birthday niya. Sa inis ko, hinagis ko ito sa labas. Dapat na nga sigurong puksain ko ang anay na gustong sumira sa amin. Ito ‘yung ayoko, ‘yung mga problema na isa-isa na namang nanggugulo sa buhay namin. Hangga’t maaga, lilinisin ko na ang dapat linisin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD