May nakita silang convenient store kaya dumaan muna sila at bumili ng ilang latang beer at sitseryang papapakin habang magkukuwentuhan. Muli silang lumulan sa sasakyan at mabilis na binagtas ang daan papunta sa luneta. Nang makahanap ng paparadahan ng sasakyan ay mabilis silang bumaba at nakita ang ilang taong kalye na kaniya-kaniya na puwesto upang palipasin ang gabi. Naupo sila sa isang upuhang sementado naroroon. Binuksan ni Raymond ang isa at binigay sa kaniya. Nag-alangan siyang kunin iyon dahil hindi siya nainom. "No worries. Hindi ito nakakalasing. Kasi konti lang alak nito,” pangungumbinse pa nito. Hindi ito mahindian kaya kinuha na at tinungga. Masarap iyon ay mukhang hindi ito matapang gaya ng alak. "’Di ba sabi ko sa'yo masarap?" anito nang pakitang panay ang tungga niya.