Chapter 2:

2284 Words
Dahil sa lakas ng tili ng baklang si Fiona. Nabulabog ang buong kabahayan dahilan para sumugod ang lahat sa kinaroroonan nila. Doon ay sumungaw ang tita at tito niya. Kasunod ang mga kasambahay. Ang mga magulang niya. Nakita ang disgusto sa mukha ng ina sa nadatnang senaryo. "Anong ibig sabihin nito?” matiim na wika nang tita Melba niya. Kapatid ng kanyang papa. Hindi siya mapagsalita dahil sa aktuwasyon nila ay wala siyang lusot. Napalingon siya sa babaeng balot pa ng kumot ang katawan at tila umiiyak na. "Magbihis muna kayo at pumunta kayo sa komedor. Doon na natin pag-usapan ang bagay na ito. Matiim pa rin nitong saad saka salitan silang tinignan ng ginang. Isa-isa na ang mga itong lumabas sa pintuhang pinasukan ng mga ito. Naiwan si Grae na natitigilan. Muling sinulyapan ang babaeng nakahiga pa rin sa kama. Tumalim ang mga mata rito. "Hindi ko alam kung bakit tayo humantong dito? Pero kung plano mo ito. Hinding-hindi ka magtatagumpay," mariing turan rito saka tumayo. Sa pagtayo niya ay naiwan ang kapiraso ng kumot na pinatabing sa maselang bahagi nang katawan dahilan para maglakad siya ng hubo't hubad. Tinungo niya ang banyo ngunit bago pa siya pumasok doon ay muling binalingan ang babae na ngayon ay tinanggal ang makapal na salamin dahil nagpupunas ito nang luha. Maganda ang babae. Ibang-iba ito kapag nakadamit. Makaluma kasi manamit ang babae, idagdag pang hindi pa niya nakitang naglugay ito ng buhok. Laging plantsadong nakatali o nakapusod iyon. Saka natatabingan pa nang mukha ng isang makapal na salamin. Nang magtaas ito nang tingin ay nagtama ang mga mata nila. "Parang nakikinita ko na ang kahihinatnan nito,” dinig na turan ng lalaki sa kanya. Nakita pa niya ang bahagyang pagngisi nito bago muling magsalita. "Mia, alam kong matagal mo na akong crush pero hindi ko naman alam na ganyan ka ka-disperada," pang-uuyam nito sa kanya. Naiwang natitigilan si Mia. Nang makapasok ang lalaki at agad na isinuot ang mga nagkalat na damit at mabilis na tinalunton ang silid nila nang kanyang lola. Pagkabukas pa lang niya nang pintuhan ay isang malakas na sampal ang ginawa nito sa kanya. "'La," bulalas sa kabiglaan habang sapo ang pisngi na sinampal nito. Kita ang pagtaas baba nang dibdib nito. "Nasaan ang dangal mo? Bakit? Bakit mo ito nagawa?" mga tanong nito sa kanya. "'La', sorry. Sorry po," hinging patawad niya rito. Muli ay natahimik ang lola niya. Hinarap siya nito. "Sabihin mo nga sa akin Mia. Pinilit ka ba ni Grae?" madiin na tanong nito habang tinitignan siya sa mata. Napalunok siya sa tanong na iyon nang kanyang lola. Halos hindi rin niya masalubong ang mga titig nito sa kanya. Nagbaba na siya nang tingin. Maya-maya ay narinig na lang niya ang tinig ng lola niya na papalabas na nang pintuhan. "Mag-imis ka na at baka naroroon na sila sa komedor. Anuman ang kahihinatnan nang kahibangan mong ito. Hangad ko lang na hindi mo ito pagdusahan," malamang wika nito saka siya nilisan. Ngayon niya lang nabatid ang bigat nang consecquences nang kanyang ginawa. Batid niyang galit na sa kanya ang mga magulang ng lalaki sa aktuwasyong nakita kanina. Lalo na ang mama nito na noon pa lang ay nagpapakita na nang pagkadisgusto sa kanya. Isang simpleng bestida ang suot na na umabot hanggang tuhod niya. Lahat nga naroroon na. Nakita niyang nakamata ang kanyang lola sa kanya. Malamlam ang mga mata nito ngunit kababakasan nang pag-aalala. Nakita niyang ang upuang nasa tabi lang ni Grae ang bakante kaya doon siya naupo. Tahimik ang lahat. Nakita niyang galit ang mukha ng lalaking katabi. Ang tita Melba niya ang nagsimulang magsalita. "Bueno, ngayong nandito na si Mia ay maaari ko nang ilahad ang napag-usapan namin ni Kuya,” wika nito tukoy ang Papa ni Grae. "Mia, hope you’re okay with this. Ayaw ko namang isipin niyong maaagrabyado ka. Halos anak na ang turing namin sa'yo nang tito Dencio ninyo," tukoy sa asawa nitong alkalde nang bayang iyon. "Naisip namin na mas mabuting ipakasal namin kayong dalawa," tuluyang wika nito. "What? Are you serious Augusto? Ipapakasal mo ang anak natin sa babaeng iyan. Iyang iyang—iyang nerd na iyan!” pagwawala ng Mama ni Grae. Lahat na lang ay nakamaang ang lahat sa nakatayo nang babae. "Hindi ako makakapayag na sa isang hamak na katulong lamang mapupunta si Grae. Hindi!" "Merly, huwag ka ngang mag-asal bata," ani nang asawang si Augusto. "Asal bata? Diyos ko naman Augusto. Kinabukasan ng anak natin ang nakasasalay rito. Sa tingin mo ba masisikmura ni Grae na makisama sa pangit na babaeng iyan?” anang ulit nito habang tinuturo-turo siya nito. Aksidenteng napalingon siya sa lola niya. Patalikod na ito at sapo ang mukha nito. Alam niyang umiiyak ito dahil sa paghahamak at pagmamaliit ng mga ito sa kanya. "Grae has a girlfriend. Ngayon ay basta-basta na lang natin siyang ipapakasal sa babaeng iyan,” muling banat ng Mama ni Grae. "Anong gusto mo ate? Ang hayaan na lang ang ginawa nitong si Grae. Ayaw ko namang maagrabyado iyang si Mia. Lalo na't si Grae ang nakauna," tila nahiya pang turan ni Melba. Hindi alam ni Mia kung matutuwa nga ba o hindi sa nagawa. Akala niya, madali lang ang lahat. Masyado palang komplikado ngunit ano pang magagawa eh naroroon na siya. Hinanda na niya ang sarili. Anuman ang mangyari ay kailangang panindigan niya. Walang nagawa ang Mama ni Grae nang mapagkasunduang doon na idaos ang kasal nila tutal ay simple lang naman. Ang Tito Dencio na rin ang magkakasal sa kanila sa munisipyo. Kahit papaano ay napangiti siya sa isiping. Matutupad na ang pangarap na maging asawa ang lalaking kaytagal na pinangarap.. Nang matapos ang mga ito sa komedor ay isa-isang umalis hanggang sila na lamang ni Grae ang naiwan. Nahihiya siyang tumayo upang iwan na rin ito. Hindi niya kasi alam kung papaano ito kakausapin matapos ang lahat. Wala itong imik mula pagdating niya roon. "Maikasal man tayo. Kailanman ay hinding-hindi kita mamahalin. Kasal lang tayo sa papel hanggang doon lang," anito saka paduskol na tumayo na halos matumba ang inuupuhan nito. Tila gusto niyang maiyak ngunit nagpigil siya. Kailangan niyang magtiis dahil kasalanan niya iyon. Ipinangako niya sa sarili na oras na maikasal sila ng lalaki ay gagawin ang lahat para mahalin din siya nito. Malalim na ang gabi ngunit hindi siya dalawin ng antok. Binabagabag pa rin siya ng ilang alalahanin patungkol sa kanyang nagawa. Pabaling-baling siya sa higaan. Nababahala na rin siya baka magising na ang lola niyang halatang pagod na pagod. Maingat siyang bumangon at lumabas ng silid nila ng kanyang lola. Gabi na. Tulog na lahat ang tao kapag ganoong oras kaya malaya siyang makakapunta sa may veranda. Nakasando lang siya ng puti at cotton short na maiksi. Nakalimutan niya ring dalhin ang salamin niya kaya medyo malabo ang paningin niya. Nasa may pintuhan na siya. Pagbukas niya nang pintuhan ay hindi niya inaasahan ang makikita pagbukas dito. Isang lalaking halos hindi na makatayo sa kalasingan. Hindi niya masyado makita ang mukha nito ngunit nabatid niyang si Grae ito ayon sa damit at bulto nito. Nang makita siya nito ay agad na nainis sa kanya. "Anong ginagawa mo? Aba! Hindi pa tayo kasal.H-hoy! Mukhang nagiging ulirang asawa ka na sa paghihintay kuno," anito na halata ang kalasingan dahil sa palagiang pagsinok. "Huwag kang haharang-harang sa daan. Tabi!" tabig sa kanya nito at pasuray-suray na pumasok nang maya-maya ay makikitang patumba ito. Agad niya itong sinalo at inalalalayan. Hindi malaman ni Grae kung bakit bigla na lamang naging maganda ang babae sa kanya. Alam niyang lasing siya pero matalas pa rin naman ang paningin. Maganda naman talaga si Mia. Nakatago nga lang. Nang tabigin niya ito kanina ay sinadya niya iyon para malaman nito kung anong klaseng buhay ang maaari nitong sapitin kung hindi ito umatras sa kasal nila. Pagpasok siya ay hindi niya nakontrol pa ang sarili sa labis na kalasingan. Pabulusok na siya pababa ng may malambot na kamay na humawak sa kanya. Si Mia. Napasinghap pa siya nang maamoy ang natural nitong amoy. Nagtapat ang mukha nila at napatitig siya sa manipis at mapulang lalabi nito. Hindi tuloy niya napigilang siilin ito nang halik. Halik na lumalim pa. Matagal na naghinang ang nga labi nila. Ninamnam ang sensasyong dulot noon. Ngunit tila natauhan si Grae sa nagawa. Agad siyang bumitaw sa babae saka mabilis na tinalikuran ito. Batid ni Mia na kahit papaano ay naaagaw na rin niya ang pansin nang lalaki. "Sisiguraduhin kong magiging akin ka nang buong-buo. Mark my word!" turan habang nakatanaw sa lalaking pinipilit makalayo sa kanya. Wala nang nagawa si Grae nang ipakasal siya kay Mia. Nahiya rin siyang tumutol dahil ang tiyahin na mismo ang nakiusap sa kanya. Kalat na kasi sa mga tao roon ang naganap sa kanila ng babae at nakakahiya daw kapag hindi niya ito pinakasalan. Hindi man niya mahal ang babae pero gagawin lang iyon maisalba lamang ang dignidad ng tiyuhin sa nasasakupan nito. "Huwag mong asahang ituturing kitang asawa dahil alam mong pilit ang lahat," matigas na wika habang naglalakad siya kasama ang babaeng papakasalan. Nakita niyang nag-iwas nang tingin ang babae sa kanya. "Kasal lang tayo sa papel. Iyan ang itatak mo sa isipan mo," dagdag pa nito at nahinto lang nang matapat na sila sa mismong harapan nang mismong tiyuhin na magkamasal sa kanila. Hindi iyon ang wedding day na pinangarap ni Mia. Imbes na kasiyahan ang bumalot sa kanya kundi kalungkutan. Tila gusto na niyang magsisisi sa lahat nang nagawa ngunit naroroon na siya. Ilang minuto na lang ay magiging asawa na niya ito. Tuluyan na ngang natapos ang kasal nila. Isang simpleng salu-salo lang sa bahay ng tiyahin niya ginanap ang reception nila. Sa totoo lang ay ayaw naman ni Grae ang mag-celebrate dahil wala naman dapat ipagdiwang sa araw na iyon. Bakas sa mukha ng lalaking mapapangasawa ang galit sa kanya. Ramdam na ramdam niya iyon kahit sinabi nitong 'I do' ng tanungin ito nang tiyuhin. Sa unang gabi nila ay isang malamig na Grae ang nakasama. Nahihiya man siyang pumasok sa silid na inuukupa nito ngunit kailangan dahil pinagpilitan nitong dapat ay magkasama na silang matulog dahil mag-asawa na sila. Pagpasok niya sa silid nito ay nakita niya ang ilang bag na nakahanda. Nakatayo lang siya sa may pintuhan dahil hindi nakita doon ang lalaki. Nang maya-maya ay bumukas ang pintuhan nang banyo at lumabas doon ang hinahanap. Tila hangin siya na dinaanan lamang. "Babalik na ako sa Manila bukas. Bahala ka kung sasama ka o hindi," walang emosyong saad nito. Tahimik siyang naupo sa gilid ng kama. Habang nakaupo naman ito sa kabilang gilid ng kama. "Sasama ako," mahinang turan niya. Ngunit wala siyang nakuhang kasagutan mula rito. "Sa baba ka matulog,” narinig na wika nito imbes na sagutin ang sinabi niya. Bigla ay nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Wala siyang nagawa kundi ang kunin ang unan at ang comforter na inihanda nito para ilatag niya sa ibaba. Hindi siya nagsasalita. Maingat ang mga galaw. Tinanggal ang salamin sa mata at nahiga patalikod sa kamang kinahihigahan nang asawa. 'Ito na ba ang kabayaran nang aking kapangahasan?’ Bulong aa sarili sa pagkaawa. Malalim na ang gabi pero hindi makatulog si Grae. Dinig na niya ang mabining paghinga nang babaeng nasa lapag. Agad niya itong tinanaw. Nakatalikod ito sa kanya dahilan para hindi makita ang mukha nito. Medyo nahabag siya rito ngunit dapat lang ito sa kanya. Hindi niya alam kung papaano ipapaintindi sa kasintahang si Angelique ang lahat ng ito. Na sa pagbabakasyon niyang iyon ay bigla na lamang ay kinasal na siya. Nasa ganoon siya ng biglang gumalaw ito at napabaling sa kanya ang maamo nitong mukha. Hindi niya maiwasang mapasinghap ng makita ang magandang mukha na nagtatago sa isang malaki at makapal nitong salamin. Ang labing kay sarap halikan na bahagyang nakaawang pa. Gulong-gulo siya sa sandaling iyon. Kaya minabuting matulog na rin baka kung ano pang magawa na makapagpapalala sa sitwasyon niya. Kinabukasan ay nagpaalam na rin siya sa kanyang lola. Nagpasya na siyang sumama sa asawa niya sa Manila. Sabi kasi ang Papa nito ay nakatira daw ang lalaki sa condo nito mag-isa. Mabuti na rin daw kapag sumama siya upang may mag-aalaga sa asawa niya. Naisip na iyon na rin siguro ang pagkakataong maipadama sa asawa ang kaniyang kahalagahan. Malawak ang condo ng asawa. May dalawang kuwarto. Maayos na kusina at sala. Pagpasok ay agad nitong binitawan ang dala nitong bag. At tinuro sa kanya ang silid na gagamitin niya. "Iyang silid na iyan ang iyo. At iyang kabila ang sa akin. Gaya ng sabi ko. Mag-asawa lang tayo sa papel kaya malaya kang gawin ang gusto mong gawin sa buhay mo at ganoon din ako. Nagkakaintindihan ba tayo?" maawtoridad nitong saad. Napasinghap siya sa sinabi nito. Tila naumid na rin ang dila at hindi na nagsalita pa. Binitbit ang bag at nagpatuloy na sa kanyang silid. Sa silid ay muling bumuhos ang luha niya. "Huwag kang iiyak. Huwag kang iiyak," hamig niya sa sarili. "Kailangan maging malakas ka. Ginusto mo ito kaya kakayanin mo,” bulong sa sarili. Tatlong oras na siya sa kanyang silid nang mapagpasyahang lumabas ng magulantang siya sa eksenang nadatnan paglabas. Halos hindi siya makakilos ng makitang halos mahubaran na ang babaeng kahalikan ng asawa. 'Huwag kang iiyak,' muling paalala sa sarili. Nabigla rin ang mga ito nang makita siya. Napatigil sa kahalayang ginagawa. "I'm sor—ry,” nahihiyang turan saka nagpatuloy sa pagtungo sa kusina. Narinig niyang nag-usap ang mga ito at siya ang topiko. "What?” sigaw ng babae nang marinig ang sinabi ng asawa. "What is it again? Do I hear it clear? Asawa mo ang babaeng iyon? Grae, ako ang girlfriend mo tapos sasabihin mong asawa mo iyong—iyong nerd na iyon," inis na turan nang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD