CHAPTER 2

1720 Words
NEZZIE JANE Palabas na ako ng opisina ni Mayor. Bago kasi ako umalis ay idinaan ko na muna ang mga papeles na kailangan nitong pirmahan para ready na bukas. Wala na kasi ito sa opisina nito at kanina pang umalis. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. May mga unofficial business kasi ito na hindi ko alam at wala sa schedule nito. Pag ganun ay pinapa-cancel nito ang mga appointment pag umaalis ito at pinapa-reschedule sa ibang araw. Hindi na ako nagtatanong o nagrereklamo pa. Ayokong makialam sa mga desisyon nito. Kahit pa nga ninong ko pa siya. Ayoko ding isipin nito na porke't inaanak niya ako ay magiging pakialamera at kontrabida na ako. Wala ako sa posisyon. Sekretarya niya lang ako. Kahit paano ay may takot pa din ako sa kanya. Alam ko ang kaya nitong gawin kaya ginagawa ko na lamang ang pinag-uutos nito. Kailangan ko lang siyang sundin dahil siya ang nagpapasweldo sa akin. At hanggang doon lang 'yun. Nagmamadali na ako dahil ayokong mainip si Rusty. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Mahilig kasi ito sa surprise at infairness naman dito never niya akong binibigo. Kaya masaya talaga ako kapag kasama siya at excited pag may pa-surprise pa. Hindi talaga ito nauubusan ng pakulo. Naglalakad na ako sa hallway ng makasalubong ko si Verna --- ang anak ni Mayor at ang bestfriend ko noon pero not so na ngayon. Nasa Maynila na kasi ito nagsi-stay at bihira na lang umuwi dito sa amin. Kaya nagulat ako ng makita ito ngayon dito. Naagaw agad ang atensyon ko ng makita ito at ang postura nito. Para itong modelo sa suot nitong damit na halatang mamahalin. Pati ang ayos ng buhok nito maging ang hugis at kurba ng katawan nito. Ang sexy na nito at halatang alaga. Napaka-sophisticated nito. Ibang-iba na ito ngayon. Malayong-malayo sa kilala kong Verna noon. "Oh, hi, Nezzie! Ikaw ba 'yan?" pansin nito sa akin. Napangiti ako ng alanganin dahil dun. Medyo nakadama ako ng hiya konti. Para akong basahan kapag itinapat dito. Saka ako tumango bilang tugon. "Kamusta ka na?" muling tanong ni Verna. "Eto, ayos lang," sagot ko. "Ikaw? Kamusta ka? Kailan ka pa dumating?" sunod-sunod ko pang tanong. "Ang ganda-ganda mo na, ah." Napangiti si Verna sa huling sinabi ko. Infairness naman kasi sa itsura nito. Andami nang pinagbago. Ganyan siguro pag anak mayaman at walang pinoproblema. Napaka-fresh at blooming. "Thanks!" aniya sa complement ko. "Ngayon-ngayon lang. Dito na ako dumiritso sa munisipyo. Andiyan pa ba si Papa?" "Naku, wala na, eh!" "Nakaalis na?" "Oo, kanina pa. Maaga siya umalis. Wala pa atang alas-tres iyon." "Ay ganun ba? San ba daw siya papunta?" "Hindi ko alam, eh. Walang sinabi kung saan. Basta pina-cancel na niya lahat ng appointments niya bago umalis," paliwanag ko. "Sayang naman! Gusto ko pa naman sana siyang i-surprise. Anyways, uuwi ka na ba? May lakad ka ba today? Tara sa bahay merienda at chikahan tayo," imbita pa ni Verna sa akin. "Naku, 'di ako pwede ngayon. May lakad ako. Actually paalis na nga ako, eh." "Ay!" reaksyon nito na para bang nadismaya sa naging tugon ko. "Pasensya ka na, Verna." "Ew! Verna?" reaksiyon nito na parang diring-diri sa pangalan nito. "Correction it's Vee V-E-E not Verna anymore," pagtatama pa nito. "Ay ganun ba? Sorry, hindi ko alam na Vee na pala ang palayaw mo ngayon." "Now you know from now on please call me Vee. Hindi na Verna okay?" maarte nitong saad. "Okay, Vee," sang-ayon ko na lamang kahit naaartehan ako sa loob-loob ko. "Importante kasi ang lakad ko ngayon. 'Di bale pupunta na lang ako sa inyo pag may time. Hindi ka naman agad babalik ng Maynila 'di ba?" "Yes, mga dalawang linggo din akong magsi-stay dito sa atin." "Kung ganun, eh 'di mabuti," wika ko. "Next time na lang." "Saan ka ba pupunta?" curious nitong tanong. "May kikitain lang ako." "Sino? Jowa mo no?" aniya na may kakaibang tingin sa mga mata na pinukol sa akin. "Hindi, ah," mabilis kong tanggi kahit na totoo naman. Ayoko lang talaga na may makaalam na may kasintahan na ako. "Weeh? Seryoso ka?" saad niya na parang ayaw maniwala. "Oo, nga." "Kung ganun sabay ka na sa akin. Hatid na kita dun sa pupuntahan mo," presenta pa ni Verna este Vee. "Naku, 'wag na," tanggi ko. "Ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-abala pa. Alam ko pagod ka pa sa biyahe kaya need mo na ring magpahinga. Umuwi ka na." "Sure ka?" "Oo, sure na sure." "Okay, 'di na kita pipilitin. Pero aasahan kita sa bahay, ah. Pumunta ka kung hindi yare ka sa akin." "Oo, promise 'yan," pangako ko dito para hindi na mag-isip at mag-usisa pa ng kung ano pa. "Sige, na. Aalis na ako. Nice seeing you again. Ingat ka sa pag-uwi," sabi ko at tuluyan ko na itong iniwan. Ayoko nang pahabain pa ang usapan namin. Sigurado ako naiinip na din kasi si Rusty sa sobrang tagal ko. Magkasing edad lang kaming dalawa ni Vee at magkaklase simula noong highschool hanggang kolehiyo. Same din kasi ang kinuha naming course --- Computer Science. Pagkakaalam ko ay wala itong trabaho sa Maynila. After naming grumadweyt ay hindi na ito nagtrabaho pa. Kung sabagay ba't pa nga niya papagurin ang sarili kakatrabaho kung pwede naman siyang humilata at maghintay na lamang ng grasya 'di ba? Sustentado naman siya ng tatay niya. Kaya hindi na nito problema kung saan kukuha ng pera at panggastos. Kahit na hindi na nga ito humingi tiyak may monthly allowance ito mula sa tatay nito. Sa laki ba naman ng kinukurakot sa kaban ng bayan at sa mga ilegal nitong mga gawain ewan ko na lang. Unica hija kasi ito at spoiled pa kaya laging sunod ang lahat ng luho nito. Wala din itong kapatid. Nag-iisa at solong anak lang ito. Namatay kasi ang Mama niya nung pinapanganak siya. Pagkatapos nun ay hindi na muling nag-asawa pa ang Mayor. Nabuhos na ang atensyon nito sa pagpapalaki sa nag-iisang anak at sa pamamalakad at tungkulin nito sa munisipyo. Kaya tuloy buhay prinsesa na si Verna simula pa pagkabata nito hanggang ngayon na nasa tamang edad na ito at kayang-kaya ng magtrabaho kung tutuusin. May pagka-sosyalera din ito eversince. At marami ang naiinggit ditong mga kaklase namin noong nag-aaral pa kami. Dahilan kung bakit marami din ang kaaway at galit dito. Mas lalo pa ngayon na kayang-kaya na nitong bumili ng mga gusto nito. Updated na ito sa mga latest fashion trend, pati sa mga bagong gamit ay hindi ito nagpapahuli. Bili agad pag may bagong labas lalo na sa mga branded. Kailangan kasi nito iyon lalo pa at puro din mga socialite ang mga friends nito. Lagi din silang umaattend ng party ng mga taga-alta de sosyedad. Kailangan niyang maging in.Makipagsabayan at makiuso sa mga ito kung hindi maiiwanan siya. Kabilang na siya sa mundo ng mga ito at need niyang panindigan iyon. May sinabi naman na siya sa lipunan kaya ayos lang na gumastos ng malaki. Lahat iyon ay base na din sa mga nakikita kong pino-post nito sa social media accounts nito. Pero kung may mas nakakakilala man talaga sa tunay na ugali ni Verna ay malamang ako iyon. Ako lang naman ang itinuturing niyang bestfriend noong mga bata pa kami. Wala kasing nakikipagkaibigan dito dati. Lahat ng klasmeyt namin ay kontra nito o 'di kaya ay kaaway nito. Matagal ko na ding alam na hindi talaga kagandahan ang ugali nito. Maski ako ay nakaranas na ding i-bully at pagmalditahan nito pero iniintindi at hinahayaan ko na lang. Kahit gustong-gusto ko na siyang patulan sabay sabunot pero nagpipigil lang ako. Iniisip ko na lang na tatay niya ang kumupkop at nagpapaaral sa akin kaya malaki ang utang na loob ko. Sadyang wala lang talaga akong choice kundi ang kaibiganin at pakisamahan ito kahit pa nga labag sa loob ko. Saksi din ako sa kamalditahan nitong pinagagawa lalo na sa mga kasambahay nila, maging sa mga klasmeyt namin noong nag-aaral pa kami. Napaka-maloko talaga nito. Kung anu-anong kalokohan ang naiisip nito dahilan para masaktan at madisgrasya ang ilan. Ang lakas kasi ng loob nito na gawin ang mga bagay na naiisip nito kapag trip nito porke tatay niya ang Mayor. Kaya sa takot na magreklamo ng mga biktima nito ay hindi na lamang umiimik at hinahayaan na lamang ito. Sigurado din kasi sila na useless din kung magrereklamo pa. Alam naman na nilang mas kakampihan at paniniwalaan ito ng tatay nito. Unica hija ba naman, eh! Bawat gusto nito ay nakukuha nito lalo na kapag ginusto talaga nito. Katulad din ng tatay niya batas din ang bawat salita nito. At siguradong sumbong ang katapat kapag hindi ito nasunod at napagbigyan. Pero nagbago na ang lahat nung makapagtapos na kami sa kolehiyo. Tuluyan na itong umalis sa bahay nila at sa Maynila na nag-stay. Kahit paano ay natuwa ako dahil sa desisyon nitong umalis. Matagal-tagal din bago ito nakauwi. Mukhang sinadya talaga nito iyon. Hanggang sa nawalan na ako ng balita sa kanya. Lately ko lang siya nai-stalk at nakikita ang mga ganap nito ng makatanggap ako ng friend request mula sa bookface account nito. Samantalang ako ay tuluyan na ring umalis sa poder ni Mayor. Nagsarili na din ako at humanap na din ibang matutuluyan. Nagpaalam naman ako ng maayos at pumayag naman ito. Basta daw pag may kailangan ako ay 'wag na 'wag daw akong mahihiyang lumapit sa kanya. Kahit ano pa daw basta kaya niyang ibigay at gawin. Natuwa naman ako dahil dun. Dahil sa totoo lang, sa tagal kong tumira sa poder nito ay never naman niya akong pinakitaan ng hindi maganda. Parang tunay na anak din ang trato nito sa akin. At parang kapatid ko na din si Verna. Pero mas lamang pa din pagdating kay Verna. Kahit ganun ay hindi ko naman naramdaman na iba ako. They treated me as their family kahit pa nga hindi naman kami magkaano-ano. Nagpapasalamat pa din ako dito dahil dun. Sa lahat ng tinulong nito, mga binigay nito at pagpapatira sa akin sa bahay nila. Kung hindi dahil dito ay baka kung saan na ako napunta. Baka nga napariwara na ako. Kaya sobrang laki talaga ng utang na loob ko kay Mayor na ninong ko. Hanggang sa inalok nito ako ng trabaho bilang sekretarya mismo nito na kalaunan ay tinanggap ko din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD