(Areza's POV)
Kumirot bigla ang puso ko dahil sa sinabi nito. Pilit akong ngumiti sa kanya kahit deep inside ay medyo kinakabahan na ako sa takbo ng usapan naming dalawa.
“Masyadong maraming tao sa Pilipinas para magkrus ang landas nating dalawa, Sir. Almost 118 million?”
Ngumiti siya sa akin na para bang balewala rito ang sinabi ko. “Hindi ko matandaan kung saan at kelan pero ramdam kong matagal na kitang kilala bago pa man ako napasok sa session na ito."
Inabot niya sa akin ang kamay niya ngunit nanatili lang akong tulala sa kinatatayuan ko.
"Na-distract ka ba dahil sa sinabi ko?" anito habang nakangiti pa rin. "Don't worry, I just thought we should start by getting to know each other. I’m your master and you are my temptress, right?"
Gustuhin ko mang tanggapin ang kamay nito ngunit hindi ko ginawa.
Para kasing unti-unting dinudurog ang puso ko sa tuwing naiisip kong magsisimula na naman kaming dalawa sa wala.
Hindi ba magkaibigan na kami ni Reeve?
Ibig sabihin, iba si Areza at iba rin si Sam. Hindi kailangang maghalo ang emosyon nilang dalawa.
Biglang nangilid ang luha sa mga mata ko pero pinilit ko pa ring maging matatag.
I can’t cry in front of him.
I just...can't.
Dahil una sa lahat, hindi ko rin maintindihan kung bakit nasasaktan ako sa mga oras na ito. Is it only because of our friendship or is it something else?
Napabuntong-hininga na lamang ako hanggang sa wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang kamay nito.
“Sam at your service, Sir.”
Bukod tanging iniikutan lang ng mundo ko ngayon ay ang magkahawak naming kamay ni Reeve...kahit sabihin pang parte lamang ito ng session naming dalawa at para magmukhang natural ang bawat pagtatalik na gagawin namin.
Nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa mga nangyayari.
I couldn't understand why I missed his touch so bad. Tulad nang sinabi nito kanina, pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala.
Ang gulo, 'di ba?
Hindi ko rin inakala na sa simpleng haplos ng kamay nito ay matutunaw na agad ang puso ko.
Hindi ko inaasahang biglang bibigay ang akala ko'y mataas at matibay na pader na pilit kong itinayo nang mga oras na napagdesisyunan kong dapat manatili ang mga salitang 'no strings attached' at 'no emotions involved' sa mga nagiging kliyente ko.
“Sam?”
Muntik na akong mapabalikwas nang marinig ang boses niya. “Ha?”
Napatingin siya sa akin dahil bigla akong napabitaw sa paghahawak nito.
“S-Sorry, Sir,” nauutal kong sambit. "Hindi dapat ako umaarteng inosente sa harapan niyo dahil hindi naman dapat."
Umiling lamang ito saka ngumiti.
“It’s okay. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong gawin lahat ng gusto ko, especially if you feel uncomfortable about it."
Mahigpit kong naitikom ang bibig ko dahil naiinis ako sa kabutihang ipinapakita nito. Sana nanatili na lang ang medyo cold at masungit na ugali niya noong una naming pagkikita.
“Sir, I need to go.”
Mabilis akong lumayo sa kanya habang nanatili naman itong walang imik.
Saglit muna akong nag shower bago simpleng inayusan ang aking sarili saka tahimik na lumabas sa kwartong kinaroroonan nito.
Tuluyan akong nawalan ng pakialam sa paligid, kaya nanatili lamang akong nakayuko habang naglalakad. Sa mga oras na ito ay para bang pinapakiramdaman ko na lang ang lahat ng nasa paligid ko.
Hindi ko rin naman maipagkakailang hindi pa rin nawawala ang sensasyong hatid ng kamay ni Reeve sa palad ko.
Pakiramdam ko kanina ay para bang binitawan ko na rin ang buhay ko noong bumitaw ako sa kamay niya. May parte ng pagkatao kong nagsasabing ayokong muling malayo rito.
Napabuga na lamang ako ng marahas na hininga habang nakatayo sa isang waiting shed.
Tahimik kong kinuha ang cellphone ko saka binuksan ang gallery.
Konting scroll lang ang ginawa ko at lumabas na sa screen ang picture ni Reeve.
Sekreto ko siyang nakunan ng litrato habang nasa park kaming dalawa at nakaupo ito sa swing, hawak pa nga nito ang librong ginamit niya para magsilbing props sa interrogation na ginawa niya sa akin.
Nanatili akong tahimik hanggang sa napagpasiyahan kong gawin na ang binabalak ko.
Mabilis kong pinindot ang ‘delete’ button.
Deleting photo...
Please wait...
Success...
Pagkatapos kong gawin 'yon, tinago ko na lamang sa bag ang aking cellphone.
Wala akong ibang hiling ngayon kung hindi ang matapos na ang araw na ito para mawala na rin ang bigat na nararamdaman ko.
Kasalukuyan na akong nag-aabang ng taxi nang muling tumunog ang aking cellphone. Mabilis kong sinilip para malaman kung sino at nakitang mensahe ito mula sa nakababatang kapatid ni Reeve.
'Ate Areza, pwede ba tayong magkita? I really need your help.'
Help?
Ano kayang kailangan sa akin ng bata 'to?
Hindi ko maiwasang huwag magtanong at magtaka.
Tinanong ko siya kung anong oras at saan, hindi naman ito nagdalawang-isip na ibigay ang lahat ng hinihingi ko.
Bilang pag-iingat, dumaan muna ako sa isang boutique para makapagbihis at mailihis kung sakali mang may nakasunod sa akin.
Kahit papaano, hindi rin naman ako natatakot na makipagkita kay Xris dahil alam kong mabait itong bata. Honestly speaking, he's the exact opposite of his older brother. Unang tingin pa lang mapapasabi ka nang napaka-harmless nitong tingnan kung ikukumpara kay Reeve.
Mabilis kong narating ang hotel na pagmamay-ari ng mommy nito at hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng opisina pero ramdam na ramdam kong inaabangan na nito ang pagdating ko.
“What do you need from me, Xris?” natatawa kong tanong pagkatapos makita ang hindi maipintang ekspresyon ng mukha niya.
Mabilis naman ako nitong sinalubong at inalok na maupo muna sa visitor's chair.
“I'm really sorry, ate...” aniya bago bumalik sa kinauupuan. "Kasi naman..."
Mabilis akong kinapitan ng kaba. Bakit siya humihingi ng tawad sa akin? Ano ba talagang nangyari?
“Bakit ka humihingi ng sorry? What's wrong?" nagtataka kong tanong.
Naluluha niya akong tinitigan.
“Hindi ko rin maintindihan, Ate. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa ko. Basta ang alam ko kailangan ko siyang kalimutan, kailangan kong gawin 'yon or else she'll—”
Nag-umpisa siyang humikbi.
Totoo bang umiiyak si Xris?
Nag-uumpisa na akong maloka sa batang 'to. May kinalaman kaya ang pinag-uusapan naming dalawa sa nangyari sa pagitan nila ni Claire?
“Ano bang nangyari sa inyong dalawa no'n? Baka gusto mong magkuwento?"
Puno ng pagtataka niya akong tinitigan, mabilis naman akong ngumuso sa pantry para maintindihan niya kung ano ang ibig kong sabihin.
“Anong nangyari sa kitchen? Anong nangyari sa inyo ni Claire?” walang paligoy-ligoy na tanong ko para mas malinawan ito.
Bahagya namang kumalma ang ekspresyon ng mukha ni Xris hanggang sa napabuga na lamang ito ng marahas na hininga.
“Hinalikan ko siya sa kitchen. I'm really sorry...it was an accident, Ate. Hindi ko sinasadya.”
Lihim akong napangiti sa sinabi nito, sapat na bang dahilan iyon para maging emosyonal siya? Bakit napaka inosente naman yatang tingnan ng batang 'to?
Ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya hanggang sa napagpasiyahan kong huwag ng pahabain ang usapan.
Mukhang alam ko na kung anong tulong ang hinihingi niya sa akin...kailangan ko pa lang maging fairy godmother sa kanilang dalawa ni Claire.
“Pumunta ka ngayon ng MOA, sisiguraduhin kong magkikita kayong dalawa ni Claire, okay?”
Wala siyang nagawa kung hindi tumango at mabilis na nagpasalamat. Mabilis ko namang hinagilap ang number ni Claire para bigyan ito ng rason na sumunod sa MOA.
Alam kong mukhang libre ang batang 'yon kaya hindi siya mag-aatubiling tumakas para makipagkita sa akin.
"Good luck?"
Maliwanag ang mukhang humarap sa akin si Xris hanggang sa nagpaalam na ito sa akin.
Mabilis naman akong tumayo sa aking kinauupuan nang bigla na namang tumunog ang cellphone ko.
Kailan pa dumami ang textmate ko?
Ang malala pa doon, text message pala ito mula sa lalaking paulit-ulit na sinasabing iniligtas niya raw ako.
Mas pinili kong huwag itong pansinin dahil kailangan kong lumabas ng opisina. Nakakahiya naman kung mananatili ako rito ngayong mas nauna nang umalis sa akin ang may-ari.
Ngunit bago ko pa man mahawakan ang doorknob ay bumulaga na sa aking harapan ang lalaking gusto ko sanang iwasan hanggang matapos ang araw na ito.
Parang hindi niya ako napansin...
Because he's holding his phone while texting someone...Hindi kaya tama ang hinala ko?