(Areza's POV)
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya habang naglalakad siya palayo sa kinauupuan ko. I know he’s smiling, ramdam ko. Sumakay siya sa isang red ferrari at may sumunod namang itim na kotse sa kanya.
He's really rich, really, really rich. Hindi din naman mapagkakaila 'yon sa suot niyang gray suit at mamahaling relo, napaka-formal ng suot nito pero hindi siya nagprepretend na isang perfect wholesome businessman. Proof doon ay ang ginawa niyang treatment sakin at paghalik kanina sa labas ng building.
Napahawak ako sa labi ko. I can still feel the pressure. Ibang klase ka ring humalik Reeve, pakiramdam ko naiwan pa sa labi ko ang bakas ng labi mo.
Busy pa sa pag-iisip ang utak ko nang may kumaway sa harapan ko.
"ATE!" bigla akong natauhan when I heard Claire's voice. Nakatayo ito sa harapan ko at nakangiti ng pilyo.
"Wala ka bang balak tumayo?" aniya sabay tingin sa paligid ko. May mga tao nang dumadaan sa area na ito, halos lahat sila napapalingon sakin lalo na mga lalaki dahil nakaupo ako sa semento.
I look homeless and gosh! Napatakip ako sa bibig ko dahil ngayon ko lang napagtanto. I forgot na wala na pala akong suot na bra, undie and sandals!
Claire offered her hand at tinanggap ko naman agad ito. Nagtungo na kaming dalawa sa kotse ko, napalingon pa ako sa paligid just to make sure na safe na talaga kaming dalawa.
"Thanks God we're safe." nakapikit ako sabay sandal ng ulo ko sa car seat. Mabuti nalang talaga at nakaligtas kaming dalawa kung hindi baka pati si Claire pinagtulungan na nila.
"Yes, Ate. Thanks God dahil nakaligtas tayo at may nakilala ka pang prince charming mo," sabi nito habang nakangiting aso sa'kin.
"Anong price charming ang pinagsasabi mo dyan?!" napataas ang boses ko ungos dito.
"Alam mo na ate yung kachukchukan mo kanina. Grabe naman. Amnesia agad?" humaba ang nguso ni Claire while explaining. At hindi lang 'yon. May kasama pang hand gestures ang sinasabi niya sa akin.
Baliw din ang isang ito, eh! Sinamaan ko siya ng tingin. "Ibig sabihin ba pinanood mo kaming dalawa kanina habang hinahalikan niya ako?"
Tumango siya.
My gosh! She's unbelievable! Niligtas ko siya kanina, iniwan niya ako dahil sa hindi niya naintindihan ang senyas ko tapos ngayong hindi ko na kailangan ang tulong niya bigla siyang susulpot at mang-iinis. At kailangan bang lahat ng lalaki sa mundo ko makita niya? Even that guy?
Nakita kong huminga si Claire ng napakalalim. She's staring straight me. "What's your problem? Ako na nga ang muntik mamatay kanina Claire."
"That's rude," sabi niya pero mahina lang. Nakanguso pa ang labi neto.
"Anong rude?!" Huminto ako sa pagmamaneho and humarap sa kanya. I look at her while raising an eyebrow. Rude? Ako rude? Hmmp. Wala pang nakapagsabi ng ganyan sa'kin. Siya palang.
"Hindi ka ba natatakot mamatay ate para sa taong hindi mo naman kilala tulad ko?" Seryoso siyang napatingin sa'kin.
Nagkibit-balikat lang ako sa kanya as a response. "Why not? Patay na din naman ako, Claire. I'm just fighting for my Dad. Tsaka sabi mo you're my little sister di'ba?"
Napatango siya pero nakapout pa rin ang lips nito. Hindi ko talaga mahulaan kung anong iniisip niya.
"Hindi ka din ba kinilig kanina ate? Your staring straight at that guy, halatang may meaning ang mga titig mong iyon pero you're acting like nothing happened."
Ano na naman kayang ipinaglalaban ni Claire at ayaw na namang tumigil ng bibig nito.
"Hindi ka dapat ganun tumingin sa isang tao ate. Kung type mo siya, ate, I can serve as your cupid. Hahanapin ko siya para sa'yo. Kamukha niya nga yung new client mo eh. Malay mo siya yon."
"As if naman makakalabas ka ng compound? May first client ka na ba?" napailing siya bilang tugon sa tanong ko.
"See? Wala ka pa ngang assurance kung makakasurvive ka sa taong 'yon. Tandaan mo, Claire, you'll be that man's bed warmer or shall we say rental goddess."
Hinila ko ang buhok niya at dahan dahan siyang kinaladkad papasok ng kwarto naming dalawa. Kanina pa ito nagkwekwento about sa pocketbook and other stuffs. Saying na may possibility daw na makakalabas siya sa lugar na ito kapag nakahanap siya ng right guy na magliligtas sa kanya.
"Oo na. May price charming na." Ngumiti ako sa kanya pero sa totoo lang, malay ko sa pocketbook. Hindi pa nga ako nakakahawak ng ganoon sa tanang buhay ko.
I don’t even believe in fairytales and happy endings kahit pa sabihin nilang mukha akong Cinderella o Snow White dahil sa aking evil step mother.
***
Parang bata talaga tong si Claire. She’s playing dama at gamit niya pa ang mga coins na natira sa pinamili namin kanina. Hindi tuloy siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya doon sa nilalaro niya. Busy siya doon at parang tawang tawa sa tuwing sinasabi niya ang katagang KAIN!
Halos ma-LSS ako sa dami ng wow niya doon sa mall tapos ngayon naman puro kain, kain, kain, kain lang ang naririnig ko at mga tawa niya. Gosh!
Nagpatuloy nalang ako sa pagsusukat ng mga damit na binili ko. Most of the dress na binili ko ay seductive ang style, mayron din akong biniling mga lace lingerie para magamit ko sa trabaho. I need to maintain my standing kung gusto kong mas mapadali ang agreement namin ni Desiree.
"Ate, answer my question honestly ha.” I looked at her habang siya nakadumog lang. Mukhang matatahimik ang mundo ko ngayon. Hindi siya nangungulit, eh.
Umupo ako sa harapan niya and grab a coin. “Sige, Claire. I’ll answer it,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Humarap naman siya sakin with a smile. I bet this is a serious matter, yung tipong girl to girl or heart to heart talk ang gusto niyang mangyari.
“Kung end of the world na bukas, anong huli mong gagawin? To whom and where will you spend it?"
Napaisip ako bigla sa tanong niya. Tama bang dalhin na lang yun out of nowhere? At talagang 'yon pa ang tanong niya huh! Frequently asked question yan sa internet eh!
"Bakit mo naman natanong?" Iginalaw ko ang isang coin.
“Iniisip ko lang kasi ate kung anong gagawin ko kapag nangyari 'yon at nandito pa ako. Hindi ko masagot ng maayos but I think one thing is sure. I want to spend it with my true love. I’ll give him my virginity para naman mapasaya ko siya kahit hindi niya ako mahal. Tama naman di'ba?" tumingin siya sa akin. I sighed. Ito talagang si Claire ang daming alam makapag-drama lang.
"Tama ba ate? Kaya tinatanong kita kung ano rin yung sa’yo para mapag-isipan ko din ulit yung sa'kin."
"Hmmm. Kung end of the world na, baka gustuhin kong makita ang Dad ko at ang kapatid ko. Alam mo, Claire it’s been 10 years simula noong huli ko silang makita. Hindi ko na nga mamukhaan ang kapatid ko eh. Maliit palang siya nun. Si Dad lang ang natatandandaan ko. Balita ko nga iba na ang apilyedong gamit ng kapatid ko."
Nanlaki ang mga mata ni Claire sa nalaman niya. Tss. Kaya ayokong sabihim sa iba ang mga problema at iniisip ko dahil sa ganyang reaksyon. Ayokong malungkot sila at maawa sa'kin.
My fault, I should have kept it a secret. Naikwento ko pa tuloy sa kaniya. Sa totoo lang natamaan lang kasi ako ng tanong niya. Tagos sa puso, nakakasakit ng dibdib isipin kung ano nga ba ang gagawin ko.
"Ang swerte nung kapatid mo, Ate, ano? Sana ako nalang siya." Nabigla ako sa sinabi niyang 'yon. A sad expression formed in her face. Naku naman, ano bang bitterness ang mayron sa loob ng babaeng ito at nakikisabay pa sa mood ko.
Hinarap ko siya ng mabuti. “She's not lucky dahil nagkaroon siya ng kapatid na hindi siya kayang protektahan. Hindi ko nga alam kung pinahirapan siya ni Desiree, ang tanging hiling ko lang ay sana pinaampon nalang siya o ibenenta sa isang mayamang pamilya. Mas okay na 'yon kesa maghirap siya tulad ko." Ngumiti ako. Sa totoo lang, masaya talaga ako na may nakakausap ako ng ganito para di ko na sinosolo ang bigat ng loob ko. Noong wala pa si Claire tanging kausap ko lang ay ang sarili ko sa salamin.
"I hope she’s okay, Ate. Sana hindi siya natulad sa'kin na kinuha lang ni Ms. Desiree sa kung saan," seryosong sabi ni Claire.
Mas lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. “Hindi tulad natin ate na nandito. Sana naging maganda ang buhay niya at nakapagtapos siya ng pag-aaral," mahina ang boses na sabi niya. Tumango nalang ako at nabalot na kaming dalawa ng matinding katahimikan.
Doon na natigil ang topic namin. Ilang oras din kaming natahimik at nakapagpahinga. Tanging music lang na pinapatugtog ni Claire ang nagririnig sa buong kwarto. Walang ibang ingay at wala ding nangugulo sa'min.
Alam niyo bang kapag napasok sa trabahong ito ang isang dalaga, inaalagaang mabuti ng dorm ang health niya? Magmula sa vital statistics nito, pananamit, hairstyle and most important ang hygiene nito. Lahat supportado, dahil kelangan din nila ito para kumita sila. Everything here is business, para silang nag-aalaga ng mga asong may breed pagtapos ay ibebenta nila ito ng mahal kapag complete vaccine na. if you want to succeed in this place kelangan mo talagang sumunod sa mga patakaran.
Natigilan ako sa ginagawa ko nang lumapit si Claire at may inilapag itong kape sa tabi ko. She's smiling at me habang hawak din ang kanya.
"Tanghali magkakape tayo, Claire?"
Ngumiti lang ito sa'kin. Parang pumapasok sa kaluluwa ko ang aroma ng kapeng ginawa niya. Tirik na tirik ang araw pero heto at mainit na kape ang kasalo namin.
"This is my hobby, Ate. Masaya ako kapag nakakapagkape ako. Dahil dito mahimbing ang tulog ko."
"Kakaiba ka talaga. Kung sa iba nakakagising ang kape, sa'yo naman pampatulog lang."
Natawa ako. She's really weird.
Nagumpisa na naman ang mga matatalinhagang kwento ng magiting na si Claire. Hindi ko alam kung ilang oras na ang inabot namin pero hindi pa rin siya napapagod. Punong puno siya ng energy at wala ring katapusan ang ideas nito.
She’s 22 years old right? Malayo ang tanda ko sa kanya. May kinukuwento siya sa akin tungkol sa isang classmate niya noong high school. Actually nakakatawa nga naman ang kwento niya, kaya tawa ako ng tawa. Siya naman umiinom ng kape, tumatawa at nagkwekwento. Pangatlong baso na ata ang kape niya. Ako hindi ko pa rin nauubos hanggang sa lumamig nalang.
Pero habang kausap ko siya, hindi ko maiwasang huwag titigan si Claire. Ang cute ng batang ito, napaka-jolly at punong puno ng kwento. Parehong pareho sila ng yumaong mom ko. Makuwento, masiyahin at madaming karanasan sa buhay. Siya yung tipo ng taong hindi ako magsasawang pakinggan sa dami ng bagong kwento araw araw. Minsan nga umaabot nalang sa puntong nakakatulog ako ng kusa. Siguro nga kung ikukumpara siya kay Mom? Mas maingay pa yun.
"Ate, nakakahiya yung kwento ko. Nasobrahan na naman ba ako sa ingay?" Hawak-hawak niya yung likod ng ulo niya and at the same time she’s blushing.
Uhmm. Ano na nga ba yung kinikwento niya? Hindi ko napakinggan dahil sa dami ng iniisip ko.
"Hahaha. Okay lang 'yon! Nakakatuwa nga." Peke akong tumawa kahit di ko na namalayan kung ano ang topic.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya nagmadali akong kunin 'to. Sino bang magtetext sakin eh bago lang naman ang number ko? Kakabili ko lang nito kanina bago kami umuwi ni Claire. Mas mabuti na rin para hindi na ako macontact ni Cain.
Sinilip ko lang pero nakalagay na from unknown number. Spam ata, mabuti nalang talaga at may filter ang phone ko.
"May nagtext sayo, Ate? Sino?" ngiting ngiti na sabi ni Claire.
"Baka info lang dahil bago ang sim ko," sabi ko sa kanya sabay balik ng phone sa mesa.
Humaba na naman ang nguso nito. "Basahin mo, Ate!"
Tinaasan ko siya ng kilay. As if naman she’s expecting someone na itext ako.
Nakuha naman din ng batang 'to ang number ko eh. Binigay ko ulit sa kanya kanina para kung sakaling magkahiwalay man kami at may mangyari ulit na emergency, she can call me. Mamaya malagot pa ako kay Desiree kung mapano 'to.
Unknown number :
‘Hi. How are you?’
Yun lang ang nakalagay sa text. Sasabihin ko pa sana ang laman ng message pero may kabuteng tumubo sa tabi ko. Nasa tabi ko na bigla si Claire at nakibasa sa phone ko. Shutang bata ito, nakakagulat!
"Sino yan, Ate?" tanong ni Claire sa'kin habang nakangiti.
"Hindi ko alam. Hindi nakasave, eh!" masungit na sagot ko sa kanya. "Hayaan mo na." Inilapag ko sa mesa ulit ang phone ko.
"Replyan mo, Ate!" Nagulat ako sa taas ng boses ni Claire kaya napahawak tuloy ako bigla sa phone ko.
"Anong sasabihin ko?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman ito sakin ng makahulugan, baliw to.
"I love you."
"Ah okay." walang emosyon na sabi ko sa kanya.
Pakiramdam ko siya din ang nagtetext sakin, pinagtritripan ata ako ng batang to. As if naman hindi ko nakikitang hawak niya ang phone niya kanina pa.
'Please stop texting me. Gusto mo na bang mamatay? Wala ka bang magawa sa buhay? Magbigti ka nalang!'
Alam kong nabasa ni Claire ang text ko. Nakita ko kung paano siya namutla sa tabi ko. I laughed at her.
"Ate naman eh. Ayusin mo!" Inirapan niya ako saka muling tumingin sa phone ko. This time, hindi niya na hawak ang phone niya.
Nagulat ako nang biglang mag vibrate ulit ang phone ko.
Unknown number :
'Pwede bang magbigti nalang ako sa puso mo? I think I'm gonna die happy because of you.'
Kainis!
'Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag ako ang itext mo! Wala akong time para makipaglokohan sayo!'
Ayoko na. Kapag nagreply pa ulit ang taong ito, magpapalit na talaga ako ng bagong sim ulit kasi naman...
"CLAIRE! MAY PINAGBIGYAN KA BA NG NUMBER KO?" galit na sabi ko kay Claire.
Tumingin lang ito sa malayo saka umalis sa tabi ko. She's guilty. Nako!
Unknown number :
'Wala ka bang guess kung sino ako?'
Hindi na ako nag reply. Napailing na lang ako saka sumandal sa gilid ng dingding namin.
Si Claire?
Sinisilip silip lang ako at pangiti ngiti pa ito.
Namumula pa siya! Siya ba ang may katext? Siya ba ang may nagtetext na unknown number? Bakit siya ang nagblublush. Weirdo.
Sinenyasan ko siya. Ginilit ko ang leeg ko gamit ang thumb ko. Humanda talaga siya sa'kin. Gaganti din ako.
My cellphone vibrated again and my heart skip a beat nang mabasa ko ang laman ng message,
"I SAVE YOU. DON'T YOU REMEMBER?”