Chapter 2 : New Client

1037 Words
(Areza's POV) "Thanks, Mrs. Mendez." I answered her. Nagtama ang mga mata naming dalawa at nakita ko kung gaano kalalim ang mga titig niya sa akin, it looks like she would chop me alive. May apoy ang mga mata nito as if she's whispering the words DIE AREZA DIE. Tahimik lamang akong sumama sa kanya hanggang sa inihatid ako ng step mother ko sa dormitory. And to tell you honestly, pera ng dad ko ang ginamit niya para mapatayo ang lahat ng mayroon sa lugar na ito. Ang main compound na napapalibutan ng tatlong building: Sa kanan ay ang dormitory para sa mga babaeng tulad ko, sa kaliwa naman ay call center firm at sa gitna ay inilaan niya para maging casino. Halata sa lahat ng parte ng mga gusali ang kahibangan ng impaktitang ito, dahil bawat isa dito ay mayroong wall na may nakaukit na mukha niya. Sa gitna ay mayroon pa siyang pinagawang golden naked statue ng sarili niya. In my case, I couldn't imagine how my Dad handled this kind of woman, at kung bakit niya ito minahal noon. Wala silang pinagkaiba ng lalaking nanloko sakin eight years ago. Mga huwad ang mga ito at puno ng kataksilan sa katawan. Dire-diretso kaming pumasok sa loob at walang kahit sinumang bumati kanya. May ilang pumansin pero pagkatalikod ay nagsitaas lang ang mga ito ng kilay. Halatang galit din sila sa bruhang ito. Kinamumuhian siya ng lahat ng mga babaeng nagtatrabaho dito. Karamihan kasi sa mga babaeng nagtatrabaho dito ay mga anak ng may mga utang sa kanya. Pambayad utang kumbaga ng mga magulang nila kung kaya napasok sila sa ganitong trabaho. Mayron ding iba na ginusto talagang pumasok dito dahil nawalan sila ng pag-asang maiahon ang kanilang mga pamilya dahil sa hirap ng buhay sa probinsya. Huminto kami sa isang pinto sa ika-tatlong palapag. Mas malaki ang loob nito kesa kung titingnan sa labas. Isang maganda, maputi at may mahabang buhok na babae ang nagbukas ng pinto at pinapasok kaming dalawa. May roommate na pala ako? Dati kasi solo ko lang ang kwartong ito. "This is Claire Peral, your new roommate," sabi ni. Walang gana kong siyang tiningnan. "Hi. I'm Areza Mendez!" bati ko sa kanya sabay pasok sa kwarto namin. Matapos ang ilang paalala ng step mother ko ay umalis na din ito. Dumiretso ako sa bakanteng higaan na naka-puwesto sa bandang dulo. Inilapag ko ang mga gamit ko at mabilis akong nagshower. Malalim ang hininga at parang patay na inihiga ko ang aking sarili sa kama pagkatapos kong mag-ayos. Sa wakas, nagkaroon na din ako ng oras para sa aking sarili. "May bago ka na namang client, Miss? Hindi ka pagod?" tanong ni Claire habang nakatingin sa akin at lumapit sa kinahihigaan ko. Iniisip ko tuloy kung isa ba siyang nerd dahil sa suot niyang makapal na eyeglasses at hawak na libro subalit nang tiningnan ko ang book cover, HOW TO SEDUCE BOYS ang nakalagay. Baguhan pa nga ang isang 'to dahil may manual pa siya. "Don't worry, mayroon naman akong dalawang linggo para magpahinga bago ang panibagong kontrata. Bago ka ano?" Tumango naman siya sabay bigay sa akin ng mala-anghel na ngiti. I am not really friendly at hindi din ako magaling sa pakikipag-usap sa ibang tao. Sa tuwing bumabalik ako rito, I used to spend my rest time alone, no people around and no noise around me. Natutulog lang ako, kumakain at nagkukulong sa kwarto mag-isa. But I think impossible na iyon simula sa araw na ito. This girl seems nice but I don't really trust her. Baka binayaran lang din siya ng madrasta ko upang bantayan ang mga galaw ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Pagod pa rin ang katawan ko nang pumunta ako ng resto. May sariling resto ang dormitory at lahat ng pangangailangan namin ay nandito na rin sa building, may sariling mall at salon kaya maari na itong ihalintulad sa isang five star hotel. Maaliwalas at maliwanag ang buhay namin dito noon not until the moment na mapasok na kami sa mga aming mga playmate sessions. Kumuha ako ng plater number five, mango float at soda, mabilis akong naupo sa isang bakanteng mesa sa gilid dahil kanina ko pa nararamdaman ang gutom ko. "Arcie, kanina pa kita hinahanap." Hingal na hingal na sambit ni Claire sabay upo sa tabi ko. Kung kailan gusto ko ng katahimikan siya namang buntot ng buntot nito sa akin. "Nakita mo na ba itong ibinigay ni Ms. Desiree?" tanong niya. Ngumiti na naman ito sa akin at hinihingal na na inilapag sa table ang isang blue envelope. "Bakit ka pumunta dito? Mamaya na pagbalik ko, I'll check that," sabi ko sabay subo ng steak. Wala naman akong interest sa customer profile na dala niya. Tsaka mas gusto kong magpahinga muna sa ngayon. "Eh! Sorry kung pinakialaman ko ha! Pero Ms. Areza, ang gwapo gwapo ng client mo!" I can't believe her. Kailangan ba talagang ipagsigawan niya ito? Isn't it obvious that I was just having my oh-so-precious breakfast? Para sa'kin nakakasira ng araw ang nilalaman ng envelope na iyon. "Eh, ano naman kung gwapo siya?" sabi ako at sinamaan ito nang tingin. Nakakainis ang reaksyon niya. Isn't she overreacting? Seryoso niya din akong tinitigan and gosh! She looks pale! Namumutla siya sa client ng iba, unbelievable! "Maybe he's good looking but that doesn't make him special. Mga maniac at aliw pa rin ang gusto ng taong nasa envelope na 'yan, Claire. So, kumain nalang muna tayo okay?" sabi ko sa kanya at isinalpak ang earbuds sa tainga ko. I don't want to hear any information about my customer na keso gwapo at matipuno ito dahil hindi ako natutuwa. Hindi rin naman ako nag-i-expect na magiging maayos ang takbo ng lahat pagkatapos nito. As usual, sa kama pa rin naman ang punta namin pagkatapos. Kung hindi seven days minsan inaabot pa nga ng isang buwan ang contract depende sa kayang ibayad ng client. Nasubukan ko na nga ang three months dahil namatayan ng asawa ang nangailangan sa akin. Sa dalawang taong pagtatrabaho ko dito, nagpapasalamat pa rin naman ako dahil hindi pa lumampas ng lima ang naging kliyente ko dahil sa sobrang taas ng bayad na hinihingi ng aking madrasta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD