Masakit ang ulo ni Logan nang magising kinabukasan pero kailangan niya pa rin bumangon at maganda upang pumasok sa hospital.
Pagkatapos niyang makapag-ayos lumabas na rin siya ng unit. Napahinto siya bigla nang maalala ang dalagita kagabi, mabuti na lang at umalis na rin ito. Dahil kahit pa lumuhod sa harap niya ang dalagita ay hindi niya ito tatanggapin.
Pumasok na siya sa elevator hanggang nakalabas na sa building. Ngunit may tumawag sa kanyang pangalan, ang mga security personel.
“Sir kilala n’yo po ba ‘yong dalaga sa tapat ng room ninyo kagabi?”
“Hindi, bakit?” galit niyang sagot.
“Kasi pinaalis ng management nakakadistorbo na sa dumadaan. Iyak nang iyak.”
Kinibit balikat niya lang ang sinabi nito at tuluyan nang lumabas.
Pagkarating sa sasakyan niya ay binuksan niya ang phone naiwan niya pala kagabi. Pero mabilis niya rin itong binalibag matapos mabasa ang mga chats ng dad niya.
Marami rin text si Francis kahit blinock niya ito at si Sofia sa social media saka maging sa number niya. Ngunit gumawa ng paraan ang kumag hindi niya binasa ang text. Mamaya bibili siya ng bagong simcard at hinding-hindi niya na ipapaalam kahit sa sariling ama ang bago niyang number. Gusto niyang kalimutan ang mga ito, pare-parehas lang sila mga traydor. Pinagkaisahan siya ng lahat.
May biglang dumaan na estudyante sa harap niya kaya nagpreno siya. Pero sinundan niya ang estudyante, katulad ni Dina ay dalagita ito siguro 17 or 18 years old.
Fuck!
Malakas niyang nahampas ang manibela. Nagpakalasing siya buong magdamag para makalimutan ang lahat si Sofia, si Francis, ang traydor niyang pamilya pero heto siya ngayon, ginugulo ng isang estrangherang bata ni hindi niya kadugo.
“Bakit ko ba pinoproblema ’yon?” bulong niya sa sarili, at pinapataas ang volume ng radyo sa sasakyan para mapatungan ang ingay sa utak niya.
Ngunit kahit pa anong lakas ng tugtog, hindi niya mabura ang sinabi ng security personnel.
“Iyak nang iyak.”
Napailing siya, pinaharurot ang sasakyan nang mabilis.
Nang makarating sa ospital, mabilis siyang nagpalit ng puting coat at pumasok sa duty niya. Sinubukan niyang ituon ang isip sa trabaho, sa mga pasyente, sa mga chart na kailangang i-review.
Ngunit ilang oras pa lang siyang nagtatrabaho, nahuli niyang nakatulala siya sa isang pahina ng medical report, walang iniisip kundi ang tanong na bumabagabag sa kanya.
Nasaan na kaya siya? Malamang umalis na.
Malamang bumalik na sa ama niyang tarantado. Pero paano kung hindi?
“Tangina!” napamura siya habang hinubad ang gloves at mabilis na lumabas ng ward.
Napasulyap sa kanya ang isang nurse dahil sa hindi maipinta niyang mukha.
“Doc, okay ka lang?”
“May pupuntahan lang ako sandali.”
Hindi na siya naghintay ng sagot at tuluyan nang naglakad palabas ng ospital.
agad siya sa front desk.
“Boss, ‘yung batang nandito kagabi. Anong nangyari sa kanya?”
Nagkatinginan ang dalawang security personnel.
“Sir, pinaalis po ng management kaninang madaling-araw. Wala na siya rito.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
“Ano’ng ibig mong sabihin? Saan siya pumunta?”
“Eh, sir, bata lang po ’yon. Wala naman pong pera o kahit cellphone. Baka—”
“Baka ano?” singhal niya.
Nagkibit-balikat ang guard. “Baka kung saan-saan lang po nakarating. Wala naman pong naghanap sa kanya.”
Nanigas ang panga ni Logan. Sinuntok niya ang counter, dahilan para mapapitlag ang receptionist sa likod.
“Anong klaseng condo ‘to? Pinaalis n’yo ang bata nang hindi man lang inaalam kung may pupuntahan siya?”
“Pasensya na po sir, pero sumunod lang kami sa protocol—”
Hindi na siya nakinig. Mabilis siyang lumabas ng building, nagmamadaling hanapin ang dalagitang ilang oras nang palaboy sa lansangan.
Nilingon niya ang paligid. Saang direksyon kaya ito nagpunta?
Fuck!
Wala siyang pakialam, hindi ba? Hindi niya ito responsibilidad, hindi niya ito kadugo.
Pero heto siya ngayon, nagsisimulang mabaliw sa pag-aalala!
Sumakay siya sa kotse at hinanap niya ang dalagita kung saan posible itong nagpunta.
Ngunit biglang may nahagip ang kanyang mata, dalawang pares na babae at lalake magkaholding hands at tila masayang namamasyal kahit tirik naman ang araw.
Kumuyom ang kamao niya nang makilala si Francis at si Sofia tas pumasok sila sa isang private clinic tiyan magpapa-checkup.
Pinark niya sa gilid ang sasakyan at nilapitan niya si Francis. Ngumiti ito nang makita siya, bagay na mas lalo niyang ikina-pikon talagang masaya pa ang gago na para bang nanunuya talaga.
“Logan?” boses ni Sofia nang makita siya.
“Bro—”
“Hindi ako nagpunta rito para batiin kayong dalawa. Ikaw talaga ang sadya ko, at para sa kaalaman mo. ‘Yong anak mo, pinalayas ko kagabi. Ngayon sabi ng guard lumabas ng building at hindi alam kung saan nagpunta. Ngayon, kung may kunsensiya ka pa, hanapin mo siya!” turan niya. Biglang sumiklab ang galit ni Francis.
“Diba at sinabi ko na doon muna siya sa ‘yo pansamantal—”
“Kung hindi naman gago, eh!” ngisi ni Logan.
“Bakit mo sa akin ipapasa ang anak mo? responsabilidad ko ba siya?” dagdag pa niya. Mabilis siyang sinuntok ni Francis at talagang kumulo ang dugo niya kaya inupakan niya rin ito ng suntok.
“Francis—”
Hindi pa nakuntento si Logan, sinegunduhan pa niya habang tuluyan natumba si Francis. Kaagad silang inawat ng guard.
May dugo sa gilid ng bibig ni Francis. Dinuro pa ito ni Logan.
“Pasalamat ka at ‘yan lang ang nagawa ko sa ‘yo. Sa susunod na magka-ikwentro uli tayo, hindi na kita bubuhayin!”
Hindi na siya naghintay ng sagot. Tinalikuran niya ang dalawa at mabilis na bumalik sa kanyang sasakyan. Isang malalim na hinga ang pinakawalan niya bago niya pinaharurot ang kotse. Ang sanay balak niyang hanapin ang dalagita, napunan ulit ng galit niya sa ama kaya sa halip bumalik siya ng ospital.
*****
Pagkarating niya sa ospital, agad siyang dumiretso sa locker at inayos ang sarili saka nagtungo sa pedia. Halos wala siyang pahinga dahil dagsa ang mga pasyente mga batang may lagnat, ubo, at iba’t ibang sakit na dulot ng pabago-bagong panahon.
“Dr. Montenegro, dumating na po ‘yong medical supplies na in-order natin,” anang isang nurse habang tinutulungan siyang magbigay ng gamot sa isang pasyente.
“Good. Siguraduhin mong may sapat tayong stock. Mukhang marami-rami pa tayong i-aadmit ngayong araw.” Sagot niya. Napangiti ang dalagang nurse na may lihim na pagtingin sa kanya.
Lumipas ang oras na abala siya sa pag-check ng mga bata. Nakapagpahinga lang siya no’ng luncg tas muling sasabak na naman. Hanggang sa hindi na niya namalayang gabi na pala.
Tahimik na ang ward, maliban sa mahihinang pag-iyak ng ibang pasyente. Biglang bumalik sa isip niya ang sinabi ng guard kaninang umaga.
“Iyak nang iyak.”
Napailing siya. Bakit ba paulit-ulit ‘yong pumapasok sa utak niya? hindi niya responsibilidad si Dina. Wala siyang dahilan para hanapin ang batang ‘yon.
Napabuntong-hininga siya at tiningnan ang phone niya. Isang dosenang mensahe mula sa ama niya ang hindi niya binuksan. Nagpadala rin ng text si Sofia, pero hindi niya ito binasa.
Dumaan muna siya sa convenient store sa harap lang ng hospital tas bumili ng simcard. Nasisira lang ang araw niya kapag nakakatanggap ng mga messages.
Kinuha niya ang susi ng sasakyan at nagdesisyong umalis na. Pero hindi muna siya uuwi. Didiretso siya sa bar at magpapakalasing upang makatulog agad. Sa paraang ito nakakatulong ang alak upang makalimutan niya si Sofia kahit panandalian lang.
Pinaharurot niya ang sasakyan palabas ng ospital parking lot. Gusto na niyang makauwi, makainom ng beer, at makatulog.
Nang huminto siya sa isang traffic light, napatingin siya sa gilid ng kalsada. Sa ilalim ng ilaw ng poste, may grupo ng mga palaboy na nakasalampak sa bangketa. May ilan sa kanilang natutulog sa karton, may kumakain mula sa supot ng relief goods, at may mga batang namamalimos.
Hindi naman bago sa kanya ang ganitong eksena sa Maynila. Pero may isang pigurang agad humatak sa atensyon niya.
Sa gitna ng mga marurusing na mukha, may isang pamilyar na itsura. Gusut-gusot ang damit, at nakayakap sa sarili at nakikipag-agawan ng pagkain sa basurahan.
Si Dina.
Nanigas ang panga ni Logan. Tangina naman.
Inilihis niya ang tingin at humigpit ang hawak niya sa manibela. Pula pa rin ang stoplight. Kailangan niya lang maghintay ng ilang segundo at makakaalis na siya rito.
Wala siyang pakialam kung nandiyan si Dina. Wala siyang dahilan para bumaba at tanungin kung anong ginagawa nito sa lansangan.
“Hindi mo siya responsibilidad, Logan!” pilit niyang paalala sa sarili. Kung ang ama ng anito nasikmurang pabayaan dahil lang sa isang babaeng inagaw lang naman. Siya pa kaya na hindi niya naman ito kaano-ano. Napailing sa sarili ang binata.
“Huwag kang titingin, Logan. Huwag kang titingin!” kausap niya sa sarili.
Subalit, trinaydor rin siya ng sariling katawan dahil napalingon pa rin siya.
Kitang-kita niya ang isang batang babae na hinampas ng sytro Dina sa mukha pero hindi manlang natutong lumaban ang dalagita sa halip ay nakipag-agawan ito sa isang supot ng natirang pagkain galing basura at walang pagdadalawang isip na sinubo nito agad kaya ang isa pang bata ay sinabunutan si Dina. Muli, hindi lumaban ang dalagita at hinayaan nitong saktan siya ng kapwa palaboy.
Tumunog ang busina ng sasakyang nasa likod ng binata. Napakunot noo siya pero hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa sariling inis.
Damn it.
Bago pa siya makapag-isip nang tuwid, marahas niyang pinark ang kotse sa gilid ng kalsada at bumaba. Walang lingon-lingon na tinawid niya ang daan papunta sa grupo ng mga palaboy.
“Hoy, bata! bakit nandiyan ka? bakit hindi ka na lang naghanap ng trabaho? kaysa ang magpalaboy-laboy ka. Dagdag ka lang sa sakit ng lipunan!” turan ni Logan.
Napatingin sa kanya si Dina. Nagulat ito pero agad rin iniwas ang tingin at tinalikuran siya.
Laglag ang panga ng doktor, manang-mana talaga sa tatay niya, akala mo kung sino!”
Humakbang siya at agad niyang hinawakan sa damit si Dina pero ‘yong paghawak na may kasamang pandidire. Hindi kasi dumikit ang buong palad niya kundi ang dalawang dalire lang sapat na para mapalingon sa kanya ang dalagita.
Napakarusing nito, ang terentas nitong buhok kanina sa condo ngayon ay gulong-gulo na tas napakadumi ng damit at amoy lupa pa!
“Sumakay ka sa sasakyan,” malamig na utos niya.
Napakurap si Dina. “Ha?”
“Sinabi kong sumakay ka sa kotse,” ulit niya, mas madiin.
Para bang hindi makapaniwala ang dalagita. Umiling ito, napaatras.
“Ayoko… Ayoko po.”
Napuno ng inis ang dibdib ni Logan. Anong ayaw? Ano bang gusto niya, dito na lang matulog kasama ang mga palaboy?
Pero hindi siya nakipagtalo. Sa halip, mabilis siyang lumapit at hinila ito sa braso.
“Ayaw ko nga po—”
“Huwag ka nang mag-inarte. Hindi kita inaampon. Ayokong may mababalitaang may batang pinagsamantalahan o pinatay sa tabi-tabi dahil lang nagpaiwan ka sa lansangan.”
“Pero—”
“Huwag matigas ang ulo bata kung ayaw mong ihagis kita sa tulay!” mariing putol niya.
“Ayoko ng sakit ng ulo. Sumakay ka na lang at huwag mo akong pahirapan.”
Marahang napakagat sa labi ang dalagita bago tuluyang sumunod. Tahimik itong sumakay sa passenger seat habang siya naman ay mabilis na bumalik sa driver’s seat.
Nang umandar ang kotse, nagdilim ang mukha ng doktor at nagtatagis ang bagang. Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya at niligtas pa ang anak ng mortal niyang kaaway.
Pero isa lang ang sigurado niya wala siyang balak maging bayani!