FIGUEROA JULIE Nang sumunod na araw, maaga akong nagising dahil sa walang humpay na pagkatok ng kung sino sa pinto ng aking silid. Bahagya pang nakapikit ang aking mga mata nang silipin ko ang oras sa digital clock na nakapatong sa bedside table. I almost groaned in frustration when I saw that it was only six in the morning. It was too early to get up considering na sobrang late na rin namin nakauwi ni kuya mula sa Rizal. I didn’t have a choice though. It looked like whoever was outside the door won’t stop till I get up. Pupungas- pungas akong naglakad patungo sa pinto at saka binuksan iyon. Agad naman akong napasimangot nang makita kung sino ang nasa labas. "Kuya." Bumuntong hininga si Kuya Joseph bago naiilang na ngumiti saken. "Sorry for waking you up, sis." Why is he callin