UNIT RIRI Nasapo ko ang aking sentido matapos ang pang- isandaang beses ko na yatang pagsubok na pagtawag sa aking kapatid. Gaya lang ng mga nauna kong attempt, tanging ring lang and then ang operator ang naririnig ko sa kabilang linya. His phone was definitely working and reachable pero sa di ko maintindihang dahilan ay hindi talaga siya sumasagot. Ilang voicemails na ang naiwan ko sa kanya pero wala talagang saysay. Sumasakit ang ulo ko. Masyadong marami ang nainom ko tapos idagdag pa na nakaka- stress maghanap ng taong ayaw magpahanap. Nasan na kaya ang kapatid ko? I'm so worried about him. He was never the type to lose his cool. He's always been so calm and collected kaya mas nakakatakot dahil baka kung anong gawin niya. Alam ko namang hindi niya ipapahamak ang kanyang sarili